Mata

52 0 0
                                    

Aking Mata na sa tuwing ako'y sumusulyap
Atensyon niya saki'y mailap
Kailan ka ba babaling ng tingin
Aking kahilingan, iyong dingin

Sa iba nakatingin
Hindi man lang ako bigyan ng pansin
Nais ko lang naman ika'y tumingin
O ngumiti man lang kung iyong diringin

Natatakot umamin
Baka mas lalong hindi mamansin
Sabi ng iba ika'y mabait
Ngunit bakit saki'y masungit

Ayokong mag papansin
Baka makulitan ka sakin
Ayokong may kausap kang iba, mahal
Gusto ko akin lang lahat ng 'yong dangal

Sino nga ba ako upang mag hangad?
Sino ba ako upang mag agam?
Na ako'y bigyan mo ng atensyon
Upang matanggal ang depresyon

Mga Tulang Hindi Tula! (With Special Spoken Poetries)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon