Ligaw
Isang babaeng naliligaw
Iisa lamang ang isinisigaw
"Asan nga ba ang tamang daan?!
Napakadaming pagpipilian!"Isang tulay na may malalim na bangin
May malakas pang buga ng hangin
Nagbakasakali ngunit napaka-imposibleng tawirin
Kung 'yan ang ikamamatay 'wag nalang dinPangalawa'y isang talon
Kasing lalim ng balon
'kay lakas ng alon
Tumalikod ito at hindi na muling lumingonAng huli'y lugar ng ahas
Hindi na naglakas loob na mangahas
Napa-daing sa banas
Nalilutuhan kung saan ba lalabasHalo-halong emosyon
Pilit na iniisip ang tamang desisyon
Sabi ng isip ay tumalon at lumangoy sa talon
Sabi ng puso'y dumaan sa tulay na may bangin at tila galonHarap-harapan at pabalik-balik nakatingin
Jusko! Napaka-lalim ng bangin
Bumuo ng isang panalangin
Kinikilabutan sa simoy palang ng hanginLakas loob tinawid!
Halong kaba at duda sa napili
Sa wakas! Ligtas na nakatawid
Hindi nga nagkamali ng piniliAkala'y imposible, aking pinagisipan
Ngayo'y posible, napakadaming pinagpilian
Kinailangan ng lakas ng loob sa sarili
Babalik at babalik padin sa aking unang pinili
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Hindi Tula! (With Special Spoken Poetries)
PoetryMga Tulang Hindi Tula! (Tula ito, maniwala ka!) Compilation of Poems and Spoken Words. :)