Hindi ko malilimutan ang sandali
Noong nagtama ang ating mga mata
Hindi mapakaling maulit muli
Kasama kang gumawa ng mga alaalaAng oras ay tila napakabilis
Mga minuto'y tila ba nagmamadali
Unti-unti itong lumilipas
Hindi namalayang tapos na pala ang orasAng haplos ng iyong kamay ay may halong lambing
Tila ba apoy na nagpapatunaw sa lamig
Nais ko ulit ito mahawakan
Nais kong ako'y muli mong hagkanAng yakap mong nakakakalma ng damdamin
Kahit paulit-ulit pa kitang yakapin
Hindi magsasawa na ika'y hagkan
Pagkatapos ng isang kaguluhan na tila walang katapusanNoo'y andaming kumakahol ngunit tila ba ako'y bingi
Tila ba para sa kanila'y estranghero ang aking katabi
Mahal kita at alam kong pagsubok lang ang nasa paligid
Walang papantay sayo kahit sino man ang umaligidMinahal kita ng walang pamantayan
Wag mong ikumpara ang sarili mo sa iba bilang batayan
Hindi mo kailangang mainggit sa kung anong meron ang iba
Dahil ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Hindi Tula! (With Special Spoken Poetries)
PoetryMga Tulang Hindi Tula! (Tula ito, maniwala ka!) Compilation of Poems and Spoken Words. :)