Hanggang Kailan

55 0 0
                                    

Hanggang Kailan

Hanggang kailan ako maghihintay?
Hanggang ba sa ako'y mamatay
O kusang rumatay
Hanggang kaikan ako maghihintay?

Hanggang kailan kita mamahalin?
Hanggang tangayin nalang ng hangin
Ang aking pagtingin
Hanggang kailan mo ako papaasahin?

Hanggang kailan ko pakikinggan?
Na baka isang araw ako'y pagbigyan
Na sabihin ang mga kataga
Mahal kita at ika'y sakin mahalaga

Hanggang kailan ako magiging kaibigan mo?
Hanggang sa kaya ko?
O sa haba ng pasensya ko
Hanggang kailan ako magpapaka gago?

Hanggang kailan ako maghihintay?
Na ako'y iyong mahalin
Hanggang kailan ako maghihintay?
Na ako'y ibigin mo din

Hanggang kailan ako aasa?
Hanggang sa kaya mo akong paasahin?
Bakit hindi kita masisi?
Dahil ako'y tanga din

Hanggang kailan ako luluha?
Hanggang sa lumuha na ng dugo
Kailan ito huhupa?
Kapag narinig ko na sayo ang totoo

Mahal mo ba ako
O niloloko mo lang ako
Hanggang kailan ko hihintayin ang sagot?
Oo ngunit hindi ako kumbinsido sa sagot

Hanggang kailan mo ako lolokohin?
Hanggang sa mahanap mo ang tunay mong mamahalin
Hanggang kailan ka magiging sakim?
Hanggang sa ika'y masaktan din

Mga Tulang Hindi Tula! (With Special Spoken Poetries)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon