Bunga
Huni ng ibon sa paligid ay maririnig
Kaluskos ng bawat hayop sa paligid
Ang bawat agos ng tubig sa buhangin
O kay sarap pakinggan ang bawat tinigNakatayo sa dalampasigan kahit mainit
Tahimik na nakapikit
Malalim na nagiisip
Dapat pa ba kita balikan o hindiDapat ba ikaw ay muling ibigin
Ikaw na puro kasinungalingan ang laman ng bibig
Ikaw na puro hinanakit ang ibinigay saakin
Ikaw na walang ginawa kungdi ako'y lokohinInaalala ang nakaraan
Ang pinakamasayang araw ko na nangyari sa lahat
Ang araw na hinarap mo ko sa altar
O kay sarap balikan kung paano mo ako pinangakuang ako lang ay iyong mahalNgunit ikaw ay biglang nag bago
Masyado ng mataas ang boses mo
Sinasaktan mo na ako
Ipinagpalit mo na akoPinangakuan mo ako na hindi mo ako iiwan
Ngunit may nais sana ako sa'yong ipakilala
Siya nga pala si Anna, ang naging bunga ng ating dating pagmamahalan.Wakas.
------Salamat sa pagbabasa! ^^
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Hindi Tula! (With Special Spoken Poetries)
PoetryMga Tulang Hindi Tula! (Tula ito, maniwala ka!) Compilation of Poems and Spoken Words. :)