You're My Fake Crush

177 5 1
                                    

You're My Fake Crush

Prologue

Crush is a feeling of infatuation towards a person. An infatuation is an overwhelming but foolish and short-lived passion.

--yun yung sinabi ni kuya Webster.

Crush.

Totoo ba ang crush?

Yung tipong kapag nakikita mo siya para bang bumibilis ang tibok ng puso mo at kinakabahan ka.

Hindi ka makapagsalita kapag kausap ka niya kahit na itinatanong lang niya kung nasaan ang banyo.

Hindi mabubuo ang araw mo na hindi siya makikita, yung para bang may kulang kapag hindi mo makikita ang mukha niya.

Lumilinaw ang mata mo kapag andiyan na siya…dinaig mo pa ang nakalunok ng sampung kalabasa, dahil kahit nakatalikod siya, alam na alam mong siya yun.

Yung marinig mo lang ang pangalan niya, kahit na kapangalan lang niya…napapangiti ka na agad.

Yung lagi mo siyang iniisip, uunahin mo pang isipin kung bakit parang gumagwapo/gumaganda siya today kesa isipin ang mga assignment mo.

Yung isinusulat mo ang pangalan niya sa tabi ng pangalan mo, para lang makita mo kung bagay…yung kahit na hindi bagay ipipilit pa rin. Tapos kapag walang nakakakita, isusulat mo ang surname niya kasunod ng first name mo, para mapaghandaan mo ‘kuno’ in the future at hindi na masyadong awkward.

Yung kunwari dadaan ka sa classroom nila para lang makita kung pumasok siya…kung hindi mo siya nakita, babalik ka ulit para sure.

Yung gutom na gutom ka na, tapos makikita mo lang siyang nakangiti (kahit hindi sa’yo directed), mabubusog ka na agad.

Yung alam mo lahat ng tungkol sa kanya…favorite color niya, favorite band, favorite song… tapos makikigaya ka, para compatible kayo.

Yung lahat ng barkada niya alam mo ang pangalan…

Yung malapit lang siya sa’yo, para ka nang hihimatayin pero hindi ka magpapahalata kasi nahihiya ka.

Yung mag-‘Hi’ lang siya sa’yo, feeling mo nag-usap na kayo ng three hours when in fact tatlong segundo ka lang niyang napansin.

Yung napansin ka lang niya, parang nanalo ka na sa lotto sa ngiti mo.

Yung alam mo kapag nagpagupit siya…dahil alam mo lahat ng angles ng mukha niya. Pati ang mga nunal sa mukha niya alam mo kung saan.

Yung nakita mo lang siya tapos gusto mo uli siyang makita dahil ‘nakalimutan’ mo ulit kung anong itsura niya, pero memorized mo naman ang mukha niya kahit tulog ka.

Yung hindi ka makakatulog ng hindi binibilang kung ilang beses mo siyang nakita…nakausap…nakatext.

Yung naka-save lahat ng text niya sa cell phone mo…kahit na simpleng ‘good morning’ lang o ‘gm’ lang…naka-organize pa kung anong date na-send.

Yung kunwarin maro-wrong-seng ka sa kanya para malaman mo kung magrereply siya…kapag nagreply siya, pasimple ka lang mangangamusta, pero deep inside, nagtatatalon ka na sa kilig.

Yung tatawagan mo siya tapos i-e-end din kapag narinig mo na ang boses niya saka ka magtatatalon sa tuwa.

Yung memorized mo ang number niya kesa sa number mo…

Yung iisipin mo na lang, hindi sila bagay ng girlfriend niya dahil ayaw mo sa kanya (kesyo ang panget ng ugali niya, etc). Tapos kapag nag-break na sila, feel mo lang magpaparty.

Yung todo pustura ka kahit na bibili ka lang ng toyo sa kanto, dahil baka magkasalubong kayo.

Yung gusto mong ipagsigawan na crush mo siya pero hindi mo magawa dahil ang dami-daming may crush din sa kanya at hindi ka makaepal.

Yung tipong parang pop star lang dating ng crush mo kapag papasok na siya ng school at isa kang avid fan na kulang na lang e gumawa ka ng karatula sa noo mo na ang gwapo/ganda niya today.

Yung lahat ng sabihin/gawin/text niya binibigyan mo ng meaning…what if may crush din siya sa akin? Ganun. Kahit na walang kwenta lang ang sinabi niya.

Yung lahat ng gawin niya tama…hindi mo magawang ma-turn-off sa kanya, kahit na nangungulangot na siya sa harapan mo.

Yung tipong ngiti pa lang niya, panalo na.

Yung gusto mo pareho kayo ng kulay ng damit para kunwari tadhana na ang nagtatakda, hinihintay mo na lang na mapansin niya…kahit na ang layo ng kulay ng suot niya sa suot mo.

Yung alam mo ang boses niya, na kahit ang layo-layo, ipipilit mong siya yun, at masaya ka na kahit dun lang.

Yung hindi na kilig ang tawag sa nararamdaman mo kapag nakikita mo siya…yung parang kinukuryente ka lang habang nabubulunan ka na nilalagnat na masakit ang tiyan at nahihilo all in one.

Yung feeling mo hindi na butterflies in the tummy ang nararamdaman mo, kundi dinosaurs na nagpaparty na dahil sa over na feeling.

Yung gumagawa pa kayo ng mga barkada mo ng codename para sa kanya para hindi malaman ng iba na siya nga yung pinaguusapan ninyo.

Yung ang lakas-lakas ng loob mo na sumayaw o kumanta sa harap ng maraming tao kahit na sintunado ka, pero pagdating sa kanya, bumubulong ka na lang. Pa-demure ka pa.

Yung isusuot mo yung bago mong damit para lang mapansin ka niya. At kapag napansin ka niya, kulang na lang araw-arawin mo siyang suotin.

Sa sobrang kilig mo, tatlong beses mo nang naikwento sa mga kaibigan mo na nginitian ka niya at kahit patulog ka na, hindi ka pa rin makaget-over.

Yung isusumpa mo lahat ng babaeng liligawan niya…magkakacrush sa kanya…magiging syota niya…madidikit sa kanya within three mile radius…

Yung alam mo kung ano name ng parents niya, ilan silang magkakapatid…saan siya nakatira…tapos kunwari kang mapapadaan para lang makita siya.

Ang dami-daming signs na crush nga ang nararamdaman mo. Minsan alam mo na crush mo siya, minsan mabibigla ka na lang…

Bigla na lang mawawala ang nararamdaman mo. Hindi na siya ang pinagwapo/maganda para sa’yo. Kahit magkasalubong pa kayo, dedma na lang.

Ang gulo…pero ang pinakamasayang parter ng pagkakaroon ng crush?

Yun yung crush ka din ng crush mo

.

.

.

.

.

Kahit fake lang.

***

------

Hi. Christine here. Eto yung first story ko under the username seulementvous14. Pero may iba akong story under coyleegurl if you can just look it up, thank you.

So, about crush ang story na ito, obviously and about being crazy. Haha. Para ito sa mga nagka-crush, may crush at magkaka-crush pa lang (how would you even know that?).

Anyway, salamat kung binasa mo ito, stranger. I hope you'll read more. Salamat.

You're My Fake CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon