Chapter 9

18 2 0
                                    

Fake Crush

By Chris

Chapter 9

Audrey’s POV

Hinihintay ko ang reaksyon niya; kung maiinis ba siya dahil wala akong pag-asang matuto kahit anong klaseng pagtuturo ang gagawin niya. Kung maaawa ba siya (wag naman sana)…

Pero nakatingin lang siya sa akin. Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata kaya napili ko na lang yumuko at pagmasdan ang kalsada. Pinipigilan kong wag maiyak kapag naaalala ko ang mga reaksyon ng mga taong nakaalam ng sikreto ko.

Dati kasi nung kinder ako, hindi alam ng mga magulang ko kung bakit hindi ako agad nakakaintindi sa mga tinuturo ng teacher namin. Medyo napipikon na nga si Ma’am dahil di ko ma-gets ang mga pinagsasabi niya.

Hanggang isang araw, naisipan ng mga magulang ko na ipatingin ako sa doctor. At doon, nalaman nila na may dyslexia ako. Hindi ko alam kung ano ang pinagkaiba ko sa mga taong walang dyslexia. Sinubukan kong mamuhay ng normal…pero mahirap.

“Uwi na tayo.” Yan lang ang tanging sagot ni Kyle. No reaction siya sa sinabi ko na para bang wala lang sa kanya ang sinabi ko. Basta naglakad lang siya palayo.

“H-ha?” naguguluhan na tanong ko na nakatayo sa gitna ng daan at pinapanuod siyang maglakad palayo.

Lumingon naman si Kyle sa akin. “What are you waiting for?” tanong niya na medyo naiinis.

“H-ha?” tanong ko ulit.

“Tsk.” Lumapit sa akin si Kylaloo at hinawakan ang braso ko. Hila-hila niya ako habang naglalakad sa daan.

Hindi ko talaga gets kung ano ang nangyayari. Kayo ba gets niyo?

(a/n: aba malay ko sa’yo!)

Hmm…

Pinabayaan ko lang si Kylaloo na hilahin ako. Feel na feel ko lang ang paghawak niya sa braso ko. Ahihi. Hindi naman ako nagrereklamo.

(a/n: halata nga.)

Nabigla na lang ako nang huminto sa paglalakad si Kylaloo kaya muntikan na kaming magkabungguan. Buti na lang huminto agad ako. Nagtataka ko siyang tinignan…

Lumingon naman siya bigla sa akin kaya nagitla ako. Eto ba yung tinatawag nila na ‘caught in the act’? Nahuli kasi niya akong tinititigan ng bonggang-bongga ang likod niya at ini-imagine ang feeling kung yayakapin ko siya mula sa likod. Hihi.

(a/n: Ang manyak mo naman…tsk.)

O-oy ha! *blush* Hindi kaya…

“Eto na ba yun?” tanong ni Kylaloo sa akin.

Ha?

“Ang alin?” tanong ko naman.

*sigh~ “Your house. Is that it?” tanong niya sabay turo dun sa likod niya.

Tinignan ko naman ang tinuturo niya at nakita ko ang two-storey house namin. May garden pa si Papa sa harap ng bahay kaya ilang hakbang pa bago makarating sa pinto ng bahay. Maraming nagsasabi na parang doll house ang bahay namin. Pero para sa akin, parang horror house ito. Kung alam lang nila ang nangyayari sa loob kapag inaapi ako ng genius kong kapatid…

Haay. *sigh~

 Nasa bahay na pala kami? Medyo ngumuso pa ako dahil parang atat naman at nakarating kami agad sa bahay. Di ko pa nga na-feel ang hawak-sa-braso moment namin ni Kylaloo eh. Psh.

Dahan-dahan na lang akong tumango sa tanong ni Kylaloo.

“Oh e di tara na.” malumanay na sambit ni Kylaloo sabay hawak naman sa kamay ko at hila papunta sa pinto.

You're My Fake CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon