Chapter Two

39 3 0
                                    

Fake Crush

By Chris

Chapter 2

Nasa school kami the next day at kasalukuyang nag-uusap magbabarkada about sa isang movie na excited na excited na panoorin ni Clara.

“Grabe, mga mars. Ang ganda ng movie na yun!” >___<  –Clara.

“Nye? Bakit, napanood mo na ba?” tanong ko.

“Hindi pa. Hindi pa naman pinapalabas eh. Ano ba, excited lang ako. Ang galing kaya nun, pumunta sila ng future at gumawa ng castle na super high tech. Ang astig!” sigaw ulit ni Clara.

“Chena. Ang boring naman nun.” Kumento ni Jeff na busy-busihan sa pag-aayos ng powder sa face niya.

“Not! Hindi mo naappreciate ang ganda ng 3D movies!” sigaw ni Clara sa kanya.

“Guys, guys. Tignan niyo ‘to.” Tawag ni Jodie na tutok na tutok sa screen ng laptop niya.

Lumapit naman kami at nakitingin sa tinuturo niya. “Ano yan?” tanong ko.

Pinress niya yung play button. Isa siyang amateur video clip ng scene sa school namin. Sa cafeteria. Ang daming tao.

“Cafeteria yan ah. Anong meron?” tanong ni Clara.

“Ssh. Shut up. Ang ingay mo eh.” Inis na saway ni Jeff sabay flip ng hair over her slender shoulders; parang model lang eh.

Tumahimik naman si Clara.

O__O

“Teka, teka…Kylaloo?!” sigaw ko sa screen nang mahagilap ng mata ko ang mukha ni papa Kyle.

“Grabe lang ah. Sa dami ng tao, siya agad nakita mo. Ang labo-labo ng mata mo pagdating sa mga numero, pero pagdating kay Kylaloo lumilinaw ah.” Kumento ni Jeff.

“Ehehehe. Peace.” ^___^V

*rolls eyes* (silang lahat yan)

Nanuod na ulit kami. Noong una, puro scene lang sa cafeteria na maraming tao. Pero nang tutukan namin, si Papa Kyle ang binevideohan ng kung sinumang stalker-ish na nagbivideo.

Nakaupo siya sa isang upuan sa cafeteria kung saan kasama niya ang mga barkada niya na nakaupo at nag-uusap.

Grabe. Ang gwapo ni Kyle kapag side view! Wooh! >___< kahit anong view naman gwapo siya eh.

Okay. Back to the video. Biglang may zinoom-in na babaeng inginudngod ang mukha sa harina at nilagyan ng ketchup ang labi. Grabe, hindi ko maintindihan ang mukha niya. Punung-puno ng make-up eh. Galit ka sa make-up ‘te?

“Ready ka na, Vivian?” tanong ng boses. Yung nagbivideo siguro yun.

Tumango naman si ateng puno ng harina ang mukha. “I’m ready, sis. Ano, maganda ba?” tanong niya at nagpout pa ng lips sa camera.

“Ugh.” –Clara. ~.~

“Eiw.” –Jeff. >.<

“Masusuka yata ako.” –Jodie. >__<

“Sshh.” – ako.

Kahit nasusuka na din ako, pinigilan ko. Parang may napi-feel akong may mangyayaring hindi kanais-nais, kagaya ng mukha ng babaeng walang sawang nginusuan ang camera na parang may sira ang ulo.

“Okay.” Sabi ni Vivian at tumayo na ng upuan at inayos ang damit. Ang butones ng blusa niya ay nakabukas at litaw ang kalahati ng dibdib niya. Bawal yun di ba? Ang ikli-ikli pa ng skirt niya.

Lumakad na siya kung saan nakaupo sina papa Kyle and friends na para bang galit ang bewang niya kung makahagpas from left to right. Sumesenyas pa siya sa mga kasama niya na itutok ang videocam sa kanya. Psh. Mabasag sana ang lente.

You're My Fake CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon