Fake Crush
By Chris
Chapter 6
*munch* *munch*
“Ketchup, please.”
*munch* *munch*
“Pakipasa nga yung toyo.”
*munch* *munch*
“May mustard ba tayo diyan?”
*munch* *munch*
“Audrey.”
*munch* *munch*
“Uy, Audrey.”
*munch* *munch*
*sfx ng pagtusok ng tinidor sa braso ni Audrey. Looks harmless but is lethal if a four year old does it*
“Aray!” hiyaw ko ng maramdaman ang murderous fork ni Andrei na tinutusok ako. “Bakit ka ba nanunusok?” tanong ko.
Grabe ha, ang sakit pala tumusok ng isang plastic fork sa balat.
>___< - ako
-__- - Andrei.
“Wala ka bang balak kumain ng ulam?” tanong ni Andrei.
“Ha?” tanong ko naman. Tinignan ko naman ang plato ko, puno ito ng kanin. Hawak-hawak ko pa ang kutsara ko na may kanin.
“Audrey, ano na namang trip yan?” tanong ni Mama. “Kanina ka pa subo ng subo ng kanin diyan. Kainin mo yang gulay, bawal mag-inarte.” Saway ni Mama.
“Um, opo.” Sagot ko naman. Ngek. Di ko namalayan kanin lang pala nilalantakan ko. Ulam kasi namin ngayon e chopseuy at fried chicken. Di ko napansin hindi ko pala kinakain yung ulam. Patay ako kay Mama kapag nagkataon. Tsk.
Nawala na ako sa sarili ko kakaisip kay Kylaloo. Normal namang isipin ko siya 24/7, kaya lang iba ngayon…nakausap ko kasi siya today. Tapos, hinatid pa niya ako sa amin. Sweet naman. Ahihihi. Kakakilig.
^____^ - ako na bongga ang ngiti.
“Ugh.” Biglang nag-make-face si Andrei at tumayo. “Nawalan na ako ng gana.” Sabi niya at umalis sa tabi ko. Tinignan ko siyang masuka-sukang umalis ng hapag-kainan. Problema nun.
Bastos na bata. Umiling-iling pa ako. Ganyan ba ang nangyayari kapag super genius ka? Tsk. Buti na lang di ako genius, dahil mabait na bata ako. ^___^V
Paglingon ko ulit, nakita ko si Mama na nakatingin sa akin. Bigla siyang tumayo at nilapitan ako. Hinawakan niya ang noo ko. “Hmm. Wala ka namang lagnat.” Obserbasyon niya.

BINABASA MO ANG
You're My Fake Crush
RomanceSimula pagkabata ay crush na ni Audrey si Kyle. Dinaig pa ni Kyle ang isang superstar kung mag-fangirl si Audrey sa tuwing nakikita nya ito. Araw-araw hinihiling ni Audrey na mapansin din siya ni Kyle..hanggang sa isang araw, kinailangan ni Kyle ang...