Fake Crush
By Chris
Chapter Five
Kasama ko ngayon si Clara. Pauwi kami ngayon dahil inantay ko pa siyang matapos sa practice niya. Sina Jodie at Jeff ay super busy kaya pinauna na kami.
Habang nasa daan palabas ng gate…
*Sigh~
“Mars, wag ka nang malungkot. Kakalbuhin ka lang naman ni tita eh.” Sabi ni Clara.
“Kung ikaw ba kakalbuhin, ayos lang sayo?” tanong ko naman.
“Semi ba o skin head?” tanong naman niya. “Ayos lang kasi kung semi lang, pero kung skin head para namang mega-baldness naman yun.”
Hindi ko naman maintindihan, parang ayos lang kay Clara na kalbuhin siya. Well, hindi naman kasi niya kilala si Dianna, kaya alam kong hindi niya maiintindihan ang nararamdaman ko.
“At least, hindi ko naman maggiging kaklase si Andrei.” –ako.
“Ha?” tanong naman ni Clara. “Bakit mo naman maggiging kaklase si Andrei? Super genius ba niya at na-accelerate na agad siya sa third year?”
“Hindi no. Kinder pa lang yun.” Paliwanag ko.
Yung kasing kapatid ko na yun, sa sobrang genius, nilagay na agad sa kinder. Dapat nga grade one na agad eh, kaso ayaw pumayag ni Mama. Kaya ayun, kahit four pa lang e kinder na agad. Tanungin ko nga siya mamaya baka marunong siya ng Geometry.
Nagkukwentuhan kami habang palabas ng gate.
Nagsaludo pa si Clara nang palabas kami at makita kami ni manong guard. Tumango lang si manong guard sa amin.
“Kain muna tayo bago umuwi ah? Gutom na ako e. Kanina pa ako hindi kumakain eh.” Reklamo ni Clara.
“Ha? Kaka-kain mo lang kaninang 3pm ah. 4pm pa lang ngayon.” Kahit na matagal ko nang kakilala si Clara, nabibigla pa rin ako sa mga pasabog niya. Grabe lang. Kumain siya ng waffles at ice cream kanina eh. Tapos gutom na naman?
“Kanina pa naman yung 3pm di ba?” – Clara.
“Ah…okay, sabi mo eh.” Sabi ko na lang para wala ng gulo. Baka kasi magwala pa si Clara, ganun kasi siya kapag gutom.
“Saka mars, samahan na kita sa bookstore para maghanap ng geometry book for beginners. Kailangan mo yun para pumasa.” Sabi pa ni Clara.
Ngumiwi naman ako. “May ganung libro ba?” tanong ko naman.
Tinignan naman ako ni Clara at umiling. “Mars, sa dinami-dami ba naman ng librong andun sa bookstore, pati libro kung paano ang tamang pag-ihi, meron.”
“Talaga?” tanong ko naman.
“Oo.” Sagot niya. “Kaya wag kang mag-alala. Hindi mo na kailangan umulit pa sa third year o sa grade one pati. Maipapasa mo rin yang geometry na yan.”
Oo nga no. Sana nga merong ganung libro. Para hindi na ako kailangan pang kalbuhin ni Mama.
“Audrey!” Narinig kong may tumawag sa akin. Lumingo naman ako, at nakita ko sa likuran ko ang napakagwapo at ubod ng bango na si Papa Kylaloo. Bakit parang gumagwapo siya? Araw-araw na lang parang lalo siyang pinagpapala ni Lord Almighty ng kagwapuhan. Napahinto ako sa paglakad, pati si Clara napahinto din.
“Kyle?” hindi makapaniwalang sabi ko. Oemgee! >__< Jusme, akala ko tanging sa pagihi na lang ako makakaranas na kiligin. Pero nang dahil kay Kylaloo…super kilig to the bones!
Para bang nilikha ang nilalang na si Kyle Ivor Montenegro para pakiligin ang katawang lupa ko.
“Uy, mars, kinakausap ka ni Kyle. Wag kang tumunganga diyan.” Bigla akong nagbalik sa aking ulirat nang marinig kong nagsalita si Clara, iniistorbo ang nabubuong pelikula ng pagmamahalan ni Kylaloo.

BINABASA MO ANG
You're My Fake Crush
RomansaSimula pagkabata ay crush na ni Audrey si Kyle. Dinaig pa ni Kyle ang isang superstar kung mag-fangirl si Audrey sa tuwing nakikita nya ito. Araw-araw hinihiling ni Audrey na mapansin din siya ni Kyle..hanggang sa isang araw, kinailangan ni Kyle ang...