Chapter 4

18 3 0
                                        

Fake Crush

By Chris

Chapter 4

^____^

“Good morning!” masayang bati ko habang naglalakad papunta kina Clara at Jodie na nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga kung saan sila kumakain dahil break time.

Hindi kasi kami magkaklase lahat. Bale ako nasa class 3-3, sina Jodie at Clara sa 3-2, tapos si Jeff ang sa 3-1.

 Si Clara tumango lang, lumalamon kasi siya eh. Oo, lamon talaga yung term. Kapag kasi kumain si Clara, yung parang end of the world na…pero hindi related sa Mayan Calendar chuchu ah…ganun lang talaga siya. Masyado kasing athletic kaya agad ginugutom.

Si Jodie naman, seryosong nagta-type sa laptop niya habang kumakain ng sandwich niya. Nang marinig niya ako, tinignan lang niya ako at nag-type na ulit. Siya kasi ang editor ng school newspaper namin. Busy-busy-han ang peg.

Umupo ako sa kabilang upuan habang silang dalawa ay ginagawa ang mga ginagawa nila, may isang malaking mesa na nakapagitan sa aming tatlo. Hinihintay pa namin si Jeff, kung nasaan mang sulok ng school siya naroroon.

Nakangiti ako the whole time at nakatitig sa kanila habang nakapatong ang baba ko sa kamay ko.

^____^

Kain lang ng kain si Clara at tinignan lang ako na parang hindi niya maintindihan ang nangyayari…you know, yung normal facial expression niya.

~____~ -- Clara.

“Ugh.” >.<  Biglang hawi ni Jeff sa mahabang buhok niya at graceful na umupo sa tabi ko. Inilapag niya ang bag niya sa mesa at iniuob ang ulo niya sa mesa. “Nakakapagod.”

^___^

Nakangiti pa rin ako.

“Anong nangyari?” tanong ni Jodie kay Jeff ng walang lingun-lingon. Multi-tasking talaga ‘tong si Jodie.

Nagbuntung-hininga si Jeff. “Nakakinis kasi si Adrian…nakita lang akong kinakausap ni Bob, nagalit agad. Ugh, I mean, bawal ba akong makipag-usap to anyone? Kahit dun kay manong guard?! Over na siya eh…kainis.” Yan ang litanya ng kanyang hinanakit sa kanyang present boyfriend na si Adrian.

Hindi niyo kasi naitatanong, iba-iba ang boyfriends ni Jeff depende kung sino ang magustuhan niya. Ang dami din kasing nanliligaw sa kanya eh. Alam mo yun, ang ganda kasi niya, kaya ayun…

“Ah…” –______-   — reaksyon ni Jodie na tatango-tango lang.

“Uh-huh…” – si Clara na sinusubukang isubo ng buo ang isang buong burger. Good luck.

^________^ -- ako.

“Sa tingin ko, ayaw ka lang niyang mawala sa kanya. I think that love is selfish sometimes…and that is when you realize its worth, when you become selfless about love. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ko pero sana naintindihan mo, Jeff. Matalino ka naman eh.” Paliwanag ko. “Give him a chance.” Pinat ko pa ang balikat ni Jeff.

Tignan mo yun, ang galing ko lang magbigay ng advice. Haay~ ^___^

Ganito siguro talaga ang epekto kapag masaya ka…ang sarap ng feeling. Para bang alam ko ang lahat… *stares into oblivion*

O___O ( gulat na tingin nilang lahat sa akin)

^___^ --ako.

“Uh…okay mars.” Parang nag-aanlinlangan na sabi ni Jeff.

Dahan-dahang bumalik na rin sa kani-kanilang ginagawa sina Clara at Jodie. Pero nakatingin pa rin sila sa akin na para bang kahit anong oras e mawawala na ang katinuan ko at kailangan na nilang idala ako sa pinakamalapit na mental hospital.

You're My Fake CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon