Chapter 7

20 2 0
                                        

Fake Crush

By Chris

Chapter 7

Aksidente kong nahulog ang ballpen ko. Akma ko itong pupulutin nang…

*laser eyes*

Eek! >___<

*flinch*

Napaupo ulit ako ng deretso at tumingin sa blackboard. Naramdaman kong tumutulo ang mga butil ng pawis sa noo ko. Gustong-gusto ko nang punasan ito pero…

*killing intent aura*

*gulp*

Halos hindi ako makagalaw sa upuan ko. Pati ang paglunok ko ay parang isang ultimate task galing kay Big Brother.

Ang tanging naririnig ko ay ang boses ng teacher namin sa English na parang bumubulong. Nakakapanibago na tahimik ang mga kaklase ko, pero di naman sila masisi. Busy kasi sila sa pagbabantay sa bawat kilos at galaw ko. Dinaig ko pa ang naka-surveillance camera 24/7.

Hindi na nga ako lumabas ng recess at lunch break kasi baka mabigla na lang ako na lumipad sa direksyon ko ang mga upuan ‘accidentally’. Grabe, gutom na gutom na ako~

>___<

“So class, I was wondering if you want to join our next production of Cinderella for our school’s next event?” tanong ng teacher namin. Kunwari wala akong narinig.

Every quarter kasi, may event ang school namin para magkaroon ng camaraderie sa mga estudyante. Ewan ko kung anong trip ng principal namin, nakakapagod kaya yung gawin, tapos four times a year pa!

Alam ko naman na walang may balak sumali sa mga kaklase ko. Dahil nga nasa last section kami, wala silang gana sa mga extracurricular activities echeng na yun. Kaya naman nabigla ako nang makita ang nakataas na kamay ni Mariz, yung isa sa mga kaklase ko na ubod ng arte.

Ang kapal kasi ng foundation niya, parang araw-araw e foundation day sa kanya.

“Yes, Ms. De Leon?”

“Ma’am, gusto daw pong sumali ni Audrey diyan.” Nakangising saad niya.

Ano? Ako, sasali sa play? Nagpapatawa ba siya? Ni hindi nga ako marunong umacting eh. Never ko hinangad maging artista.

“Talaga?” Excited na tanong ng teacher namin at tinignan ako with pride. Hala.

*gulp*

“Di ba, Audrey?” tanong ni Mariz na parang hinahamon pa ako.

O____O

“Ah-ah…” hindi ako makapagsalita ng maayos. Grabe naman. Bakit ba nangyayari sa akin ito? Wala naman akong alam na may balat ako sa pwet eh. Kung minamalas ka nga naman…

Sigurado ako na sobrang nakakapagod yun. Ano bang alam ko sa mga play? Panonood nga lang ng pelikula inaantok na ako eh.

“Ms. Flores?” nakangiting udyok ng teacher namin. Naku, kung nakikita mo lang ang teacher namin, para siyang konsensiya. Wagas kung maka-ngiti eh.

“Ma’am?”

“Do you want to be Cinderella?” tanong niya.

“Ano po?” tanong ko ulit.

Gusto ko daw ba maging si Cinderella? Joke ba ‘to? Noon ngang six years old ako ang gusto ko maging si Alladin eh. Bakit? Gusto ko ng magic carpet ride.

Tapos gusto ko ba daw maging si Cinderella? Pero…

“Ba-bakit po ako si Cinderella?” nagtatakang tanong ko.

You're My Fake CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon