Chapter One

68 4 0
                                    

Fake Crush

By Chris

Chapter 1

“Audrey.” Tawag ng kanyang malambing na boses na parang tinutunaw ako. Well, hindi ako yelo or ice cream pero, sa totoo lang kanina pa ako tunaw sa mga titig niya.

Ang lakas kasi ng dating niya eh…parang bagyo lang.

>___< ang corny ko!

“B-bakit?” tanong ko naman na medyo nauutal-utal pa. Ano bang problema sa akin? Utalan portion?

Tsk.

Para akong nauubusan ng hangin dito. Dahil ba sa Global Warming ‘to o sa pagtawag niya sa pangalan ko FOR THE FIRST TIME!! Ilalagay ko sa diary ko ‘to, gagawa pa ako ng memorial day every year. I promise.

Akala ko sa panaginip lang mangyayari ‘to…dreams do come true.  \(^__^)/

Thank you po, Lord. Napakabait niyo po. Masasabi kong kahit minsan lang sa buhay ko e narinig ko mula sa mga mapupula niyang labi na mamutawi ang aking hamak na pangalan. Feeling ko tuloy biglang nagliwanag ang langit. Haay. Heaven.

Thank you!

Napatingin ulit ako sa kanya, kahit pasimple lang. Parang nahihiya pa siya at napakamot pa siya sa ulo niya.

Oy ha, wala siyang kuto or dandruff, imposible yun. Parang model kaya ng Head and Shoulders si Kyle. -.-

Oo, si Kyle Ivor Montenegro na crush na crush na crush na crush na crush ko to the highest level e kinakausap ang isang Audrey Claire Flores.

Akalain mo yun! Ako na ang mahaba ang hair! Nyahahaha. >_=

Pangalan pa lang niya, ang gwapo na. Aha.

“Um…” parang kinakabahan na sabi niya. Ang cute pa din niya kahit na kinakabahan at pinagpapawisan! Fresh na fresh pa rin! Ang bango-bango pa din niyang tignan kahit na hapon na. Haay. Parang bagong ligo lang eh.

“Huh?” tanong ko naman. May masabi lang.

Para naman akong contestant sa Who Wants To Be a Millionaire dito. Para kasing pang-million-dollar-question ang dating neto sa akin eh. Nakaka-tense. Wala bang lifeline diyan? Kahit call a friend lang at ng matawagan ko si Jodie. Kikiligin pa yun for sure.

Who Wants To Be Kyle’s Girlfriend? AKO! AKO! Sige na Kyle, ikaw na ang bossing ko! >____<

Wahahahahahahahaha. Ang harot ko. XD

Ang tagal kong pinanalangin sa lahat ng kabanal-banalan ang araw na ‘to…and now, andito na! This is it…pancit!

Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon…hmm, ang bango naman ng pabango niya….tsk. Ang stalker-ish naman pakinggan.

Distracted, yet again, Audrey! Mag-focus ka! Dapat alam mo lahat para kapag ikukuwento sa barkada e kumpleto.

“Ano kasi…” –siya pa rin. Ang ganda talaga ng boses niya. Ang galing kaya niyang kumanta.

Naikuwento ko na ba nung elementary kami tapos pinakanta sa kanya yung Silent Night sa stage? Hindi pa? Grabe, ang galing nun. Sumisigaw pa nga ako ng, ‘Encore, encore!’, kaso ang ingay nung katabi ko kaya hindi niya narinig.

Pero, serious tayo, ang gwapo niya lalo kapag kumakanta.

Nyahahaha. Dinaig pa niya si Justin Bieber, pero wag kayong maingay, baka marinig kyo ng mama ko, Belieber kasi yun eh.

“Ano yun?” tanong ko naman. Halata bang excited masyado? Ahihihi.

“Ehem. Ano…may….may…” humihinga pa siya ng malalim na parang bumubwelo na magsalita.

You're My Fake CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon