Fake Crush
By Chris
Chapter 8
May ipapakilala daw si Kylaloo sa akin. Sino kaya yun?
Don’t tell me…meet the parents na agad ang peg niya? Oemgee…bumobongga na ba talaga ang lovelife ko? >____<
Ayeeee~ Kinikilig ako!
Anong sasabihin ko?
(a/n: try mong mag-hello.)
Eeek! >____<
Excited na sinundan ko naman si Kyle kung saan niya ako dadalhin at nakita ko siyang dumeretso sa library ng school namin.
Library? Andun ba parents niya? Grabe, ngayon lang ako pumasok dito. Natatakot kasi akong himatayin kapag nakita ko ang mga libro. Ugh, katakot.
Bakit kaya dinala ako ni Kyle dito? Andito kaya yung ipapakilala niya sa akin? Yung…mga parents niya? Siguro grabe sa hilig sa libro ang magulang ni Kylaloo. E kasi naman, yung mga talagang mahilig sa books at may membership card lang ang pwedeng pumasok sa library. Kung sa bagay, matalino naman kasi si Kylaloo. Sa kanila siguro siya nagmana.
Si Andrei kasi nagmana kay Papa at Mama eh. Matalino kasi sila. Ako naman nagmana sa Lola ko, astig kami pareho. Ahehehe. ^___^V
Naiilang akong sumunod lang kay Kylaloo sa library.
Ako kasi, hindi na ako pumapasok diyan kasi wala naman akong membership card. Dapat kasi pasado ka sa mga qualifications echeng nila. Ewan ko dun, dami pa nilang arte.
Huminto si Kylaloo sa harap ng automatic glass doors ng library. Grabe, ang sosyal naman. Kinuha niya yung isang card sa bulsa niya at ini-scan yun para makapasok. Bumukas ang pinto ng ma-read neto ang card ni Kylaloo.
Wooh. Sigurado ako hihimatayin si Clara kapag nakita yun. Adik kasi siya sa mga ganung bagay. Pati nga sa elevator eh muntikan na siyang atakihin sa puso dahil sa excitement…
“Come on.” Aya ni Kylaloo at hinila ako sa braso. Ang hilig yatang humawak sa braso ni Kylaloo, no?
(a/n: ayaw mo?)
Hindi naman ako nagrereklamo eh. Sige Kylaloo, hawak ka lang. ahihi. Ibaba mo ng kaunti para kamay ko na mahawakan mo. Holding hands tayo while walking. Hehehe. >_____<
(a/n: Eto ba tinatawag nilang PBB teens?)
Sumunod naman ako kay Kylaloo kasi nga hinihila niya ako. Nung nasa front desk na kami, nakita kami nung librarian.
“Are you a member?” tanong nung babae sa akin. English agad? Nasa pilipinas kaya tayo. Di ba pwede mag-tagalog?
“Um..” tinignan ko si Kyle. Hindi naman kasi ako member, baka sipain nila ako palabas ng sosyal na library! Wag naman sanang pointy shoes ang suot ni Ms. Librarian. Maawa sana sila sa pwet ko! Daming beses kaya napuruhan neto.
“She’s with me.” sagot naman ni Kylaloo. Bago pa makapag-react yung librarian, hinila na ako ni Kylaloo sa second floor nung library.
Hala? Hindi umangal si Ate Librarian. Bakit kaya? Ah baka masugid na costumer nila si Kylaloo.
(a/n: ano yan, bar? Library yan Audrey.)
Ganun na din yun.
Nung makaakyat na kami, grabe! Mas sosyal yung nasa 2nd floor. Puro glass walls at libro!
(a/n: e kasi nga library di ba?)
“Stay here.” Utos ni Kylaloo at pinaupo ako sa isang upuan. Umupo naman ako agad. Ano pa nga ba magagawa ko? E di umupo. Kakangawit kaya tumayo.
BINABASA MO ANG
You're My Fake Crush
RomanceSimula pagkabata ay crush na ni Audrey si Kyle. Dinaig pa ni Kyle ang isang superstar kung mag-fangirl si Audrey sa tuwing nakikita nya ito. Araw-araw hinihiling ni Audrey na mapansin din siya ni Kyle..hanggang sa isang araw, kinailangan ni Kyle ang...