Chapter 10

17 3 0
                                    

Hello sa Dre ko na si Anne na nagbabasa nito. Love you dre :)

You’re My Fake Crush

By Chris

Chapter 10

“School mate po niya ako." sagot ni Kylaloo kay Mama.

Tumango-tango lang si Mama.

"Boyfriend din po niya ako." dagdag pa ni Kylaloo kaya tatlo kaming nakanganga at nabigla na nakatingin sa kanya.

<(OoO)> OMG.

B-b-b-b-b-b-boyfriend…? Boyfriend ko si Kylaloo???

Ano ba nangyayari? Joke ba 'to ha? Joke ba 'to? Nasaan na yung hidden camera? *linga-linga*

Nasa Wow Mali Pa Rin ba ako? Yung totoo, napagtripan ba ako nina Joey De Leon?

O baka naman...*gasp!* Si Jodie ba may pakana neto? Inutusan ba niya si Kylaloo na sabihin iyon sa harapan ng kapatid ko at ni Mama?

Lagot talaga sa akin si Jodie kung totoo ngang siya ang may kagagawan neto.

Pero sa totoo lang...kinikilig ako! ENEBEYERN!!! >_<

E paano naman kasi, ilang beses ko nang finantasize ang pangyayaring ito.

(a/n: creepy much.)

Che! E sa matagal ko nang inaasam na sambitin ni Kylaloo sa kanyang oh so red na lips na girlfriend niya ako eh! Wag kang epal, ganyan talaga.

Di ko lang talaga expect na sasabihin niya iyon sa harapan ni Mama. (Ayos lang kasi kung si Andrei, wala namang pakealam yun eh).

Napangiwi naman si Mama. “Boyfriend ka ni Audrey?” tanong niya.

<(O.~)>

“Audrey’s boyfriend?” gulat na tanong ni Andrei. O___O

“Boyfriend ki--?” bago ko pa maitanong iyon eh nagsalita na si Kylaloo. Sayang naman. Ang saya pa naman nung ginagawa nina Mama at Andrei. Psh. Ayaw nila ako isali.

*pouts*

“Opo, Tita. Pasensiya na po kayo at ngayon niyo lang po ako nakilala. Baka daw po kasi magalit kayo kapag nalaman ninyong may boyfriend na si Audrey kaya ngayon lang namin nasabi sa inyo. I’m sorry po.” Malumanay at sincere na pahayag ni Kylaloo.

Wow, di mo man lang mahuhulaan na nagsisinungaling siya. Pati kasi ako e nakumbinsi niya na ganun nga ang nangyari.

And the Oscar's award for best actor goes to...Kyle Ivor Montenegro! >___< Woooh! Galing mo Papa Kyle! You're the best! Woohoo! Dapat pati Emmy's, Tony's at kahit pa kay Emong's award, sayo na! Ikaw na!

“G-ganun ba?” tanong ni Mama at tumingin sa akin. Nataranta naman ako at napiling yumuko na lang. E paano ba naman tinitignan ako ni Mama na para bang gusto niyang kompirmahin ko ang sinabi ni Kylaloo. Nakow. Di pa kaya ng acting powers ko, dahil wala ako nun.

Hala, lagot ako kay Mama neto. Mukhang kakalbuhin niya talaga ako kapag nagkataon. Anong gagawin ko? Akala ko kasi kakalbuhin ako ni Mama dahil babalik ako ng grade one, pero eto pala ang dahilan para kalbuhin niya ako. Naku!

Kakalbuhin kaya ako ni Mama dahil sinabi ni Kylaloo na boyfriend ko siya?

Nabigla na lang ako nang magsalita si Mama.

“Pasok ka muna.” Yaya ni Mama kay Kylaloo. Nagpasalamat naman si Kylaloo at pumasok na sa bahay. Si Andrei naman e masama lang ang tingin niya sa akin.

>__> *glare* ----> ~___~

Problema nun?

“Akyat lang po muna ako.” Paalam ko at umakyat na sa taas para magbihis. Lakas kasing maka-laser eyes ni Andrei eh. Lahat ba ng genius, ganyan? May ghad!

Grabe, nakakaloka naman ang araw na ito. <(O_O)>

Pagkatapos kong magbihis, narinig kong may kumatok sa pinto. Binuksan ko ito at nakita si Andrei na nakatayo sa labas nito.

“Bakit?” tanong ko sa kanya. ~__~ Ano na naman kaya ang kailangan ng magaling kong kapatid? Sana naman di siya masyadong magtagal. Baka kasi umalis na si Kylaloo di man lang ako nakapagpaalam.

Pumasok sa kwarto ko si Andrei habang tinitignan pa rin ako ng masama.

Well, masama na talaga tumingin iyang kapatid ko na iyan. Nasa sinapupunan pa lang siya, hilig na niya ang irapan ang ibang tao. Matindi kasi ang galit niya sa mundo.

“He’s not your boyfriend, is he?” tanong niya.

Hala. Iniinglish ako ni Andrei. Normal naman iyan pero…ano daw yun? Tinatanong ba niya kung boyfriend ko talaga si Kylaloo. I wish talaga, kung alam mo lang aking kapatid.

Pero, teka lang...

Napanganga na lang ako. “Pa-paanong…?” Hala. mabilis kong natakpan ang bibig ko. Iyh, Ano ba Audrey! Ang tanga mo naman! Bakit nadulas ka pa sa kapatid mo! Tiyak, isusumbong niya ako kay Mama. Lagot!

Inirapan lang ako ni Andrei. Oo nga pala, genius nga pala ang kapatid ko. May pagka-Detective Conan din ang brains niya kaya siguro nalaman niya. Wow, ang galing naman niya. Siguro ang daming kulot ng utak niya.

Ang galing naman niya nahulaan niya agad yun.

(a/n: Hindi rin…ang obvious mo kaya.)

“Ha-ha, ano ba pinagsasabi mo, Andrei!” Pilit kong inililihis sa katotohanan ang gustong ipunto ni Andrei. Patay kasi ako kapag nalaman ni Mama ‘to. Mas okay na ang kalbo kaysa naman ang mamatay.

Anak ng tokwa naman! Ang daldal ko pa naman kapag kinakabahan! Mahahalata ako neto eh!

“Boyfriend mo ba talaga si Kyle Ivor Montenegro?” tanong niya. *taas kilay effect*

Grabe, nainggit naman ako dun. Di ako marunong magtaas-kilay eh.

*gulp*

“O-oo naman! Ha-ha! Di mo ba narinig na sinabi niya iyon?” Nauutal na sabi ko. “Ikaw talaga, Andrei, nabibingi ka na rin ba? Ha-ha.”

Maniwala ka. Please, maniwala ka.

“Talaga?” tanong ni Andrei at itinaas pa ang kilay niya.

“Ha-ha. Oo nga! Bakit ba ang kulit mo?” tanong ko sa kanya. Bakit ba kasi ang kulit ng kapatid ko na ‘to? Lahat ba ng genius e makulit? Hala, e di pati si Lolo Einstein makulit?

(a/n: at kelan pa kayo naging magkamag-anak ni Einstein? Itatakwil ka nun kapag nalaman niya.)

*shrugs shoulders* “Wala lang.” Sagot niya at nilayasan ako. Bastusing bata.

Yan ang hirap sa mga genius na bata eh, nawawalan ng manners. Hay naku! *shakes head*

Bumaba na din ako at nadatnan ko sina Mama at Kylaloo na seryosong nag-uusap.

“Pupunta sila ng Amsterdam?” tanong ni Mama na parang pinag-iispan pa ang pinag-uusapan nila ni Kylaloo.

Amsterdam? Saan yun?

Tumango naman si Kylaloo. “Opo. Kasama po nila yung Mama ni Hazel Grace.”

Hazel Grace? Sino yun? Bagong kapitbahay namin?

(a/n: Ehem, makaepal lang. Ang pinag-uusapan po ng Mama ni Audrey at ni Kyle ay The Fault in Our Stars by John Green. Ang ganda po ng istorya na yun, promise J Nerdfighters go!)

“Ah, so gagaling din pala si Hazel Grace. Akala ko kasi mamatay na siya.” Maluha-luhang saad ni Mama.

Ngumiti naman si Kylaloo kay Mama. Si Mama naman parang natulala pa sa kanya. Ano ba yan, ‘Ma! Akala ko ba kay Justin Bieber ka lang nai-startstruck? Bakit pati kay Kylaloo parang hihimatayin ka na?

*shakes head* Iba na talaga ang charm ni Kylaloo.

Dear Diary,

It's official, di na si Justin Bieber ang idol ni Mama. Si Kyle Ivor Montenegro na. Sana lang huwag akong kalbuhin ni Mama.

Audrey.

----------------------------------------------------------------------

Hello! Aha. Sana nagustuhan ninyo. ^___^

Chris

------------------------------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're My Fake CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon