MY FIRST
I.
KEI
NAPANGIWI na lamang ako sa sakit at hapdi ng kaliwang paa ko dahil na-urungan ito ng isang tatanga-tanga na upuan.
Ano ba naman ‘to?! Badtrip! Sisiga-siga lagi e, suntukan kami ano?! Pigilan niyo ako rito! Wala na ngang kahit ano na ginagawa, may gana pa talagang manakit.
"Tch." Inis kong sinipa ang kahoy na upuan sabay padabog na isinalpak ito pabalik sa ilalim ng lamesa.
"Oh? Ano ka na naman ba dyan, Kei? Inaano ka naman niyang upuan?" Pang-uusisa ni Mama na kasalukuyang inaayos ang mga nakahain sa lamesa.
Ma, gusto ko lang sabihin sa‘yo na tao ako. Tao ako, kung hindi man kapani-paniwala, edi Dyosa na lang, hekhek.
"Wala naman, ‘Ma. May galit lang talaga ako dyan sa upuan na ‘yan, baka magkasapakan pa kami kapag inisa-isa ko pa kung bakit." Paliwanag ko habang pinupukulan pa rin ng masasamang tingin ang kahoy na upuan.
"Hays, may saltik ka talaga." Saad ni Mama at napabuntong hininga na lamang, "Kaya ikaw, Bry. ‘Wag na wag mong gagayahin ‘yang ate mo, panget na nga may saltik pa." Ani pa niya sabay hagikhik pa, napatingin lang naman sa kanya sandali si Bry atsaka muling itinuloy ang pagkain.
Nagpanting kaagad ang tenga ko at napatingin kay Mama ng masama.
Ako!!?? Panget?!! Mygad, hindi uso sa talasalitaan ng description ko sa akin ‘yang word na ‘yan.
Umubo ako ang ilang beses bago mang-sabotahe kay Mama.
"‘Ma, ehem. Nahiya naman ako sa‘yo." Giit ko atsaka ngumisi ng nakakaloko.
Oha?! Bars ‘yon, Beybeh.
#917262BarsForKei
#SinabotaheNgTodo"Tse! Pumasok ka na nga, iniwanan ka na nga ng Kuya mo sa sobrang bagal mo kumilos e. Ako na ang maglalagay niyang pinag-kainan mo sa lababo," Saad ni Mama habang naka-cross arms at nakatingin sa akin ng masama. Napangiti naman ako nang pagkalapad-lapad.
Ngunit ang mga idinugtong niyang mga salita ang nagpagunaw ng mundo, para bang nagkatotoo ‘yung palabas na 2012, para bang binuhusan ako ng nagye-yelong tubig.
"Wala kang baon." Parang nag-slow motion ang lahat, ang pagbuka niya ng kanyang bibig, ang bawat pagsubo ng kanin na ginagawa ni Bry, bawat pag-hinga namin.
Ayos—
WALA AKONG BAON??!!! Aba aba, hindi naman po pupwede ‘yan! Ayaw kong mamalimos sa hallway, ayaw kong manghingi ng limos sa bawat room. Jusme naman.
"H-ha?!" Namilog ang mga mata ko at halos mabilaukan na ako sa kinakain kong pandesal nang marinig ang mga kataga niyang ‘yon.
"Ang sabi ko, wala kang baon. Pumasok ka na." Mariin na pag-uulit ni Mama habang mabagal na binibigkas ang bawat letra’t salita.
"P-pero, ‘Ma! Joke lang naman ‘yon e! Hi—" Pinutol na ni Mama ang mga sasabihin ko’t kaagad na siyang sumabat.
"Pasok na." Maotoridad at seryosong-seryoso niyang utos kaya wala na akong nagawa pa kundi tumango at sundin ang utos niya.
Dahil ayaw ko namang ma-isupersayans ni Mama at lalong ayaw ko rin naman pumasok ng sira-sira at mukang bagong gahasa ang uniporme ko ay sumunod na rin lamang ako.
BINABASA MO ANG
My First [MAJOR EDITING]
FanficTo remember? Or to continue forgetting it? To take a risk? Or just let it all slip away? Sabi nga nila ang memories ang pinakangimportante sa tao. Pero-- Paano kung ang isang tao ay makalimutan ito lahat sa isang iglap? Paano kung lahat ng memories...