My Second

75 3 0
                                    

MY SECOND

I.

KEI

"... JING Auree, Jom Jinwhi, Jung Hyura, Kang Gihara, Kang Raseok, Kim Kei, Kim Minhee, Kim Jiho, Kyul Dori, Kwon Soonyoung, Lee Seokmin," Hindi ko na itinuloy pa ang pagbabasa sa listahan ng mga estudyante na magiging magkakaklase ngayong junior year, tutal nakakita na rin naman ako ng pangalan ng mga iilan kong kaklase na simula noong freshmen pa lamang ay magkakaklase na kami.

Tengene nemen, kaklase ko na naman si Boo at si Kabs. Paniguradong mabibingi na naman ako neto, kawawa ‘yung eardrums ko, walang-awang masasaktan at malalapastangan.

Si Jung Hyura, Kyul Dori, Lee Seokmin. So far, so good. Talaga ngang pinaghalo-halo na nila ang bawat estudyante, shuffle na shuffle na talaga kami. Siguro pati sila’y nagsawa na rin dahil kami-kami na lamang lagi ang magkakaklase sa bawat taon na nagdaraan sa paaralang ‘to, naramdaman na yata nila ‘yung nararamdaman ko.

"Kei? Where are yoww? Leggo na to the klasrum." Rinig kong saad ni Kabs kaya’t napalingon din ako sa gawing kaliwa ko kung saan nanggagaling ang boses niya.

"Bakit na naman? Tsaka ‘wag ka ngang mag-english, ang sakit sa panga ng mga grammar mo e." Reklamo ko nang makita ko na siya, tinugunan niya lamang ako ng isang napakalapad na ngiti, as usual.

"Alam mo, Kei—"

"Hindi ko alam."

"Alam mo, Kei. Bibigwasan na talaga kita ‘pag hindi ka pa tumigil sa pamimilosopo mo dyan." Pagbabanta niya sabay hila sa manggas ng blouse ko.

Pansin ko, kanina pa ako kinakaladkad ng hinayupak na ‘to ah. Hindi ako aso ‘no! I’m a bird, and a Goddess.

#I’mLikeABirdNotATurkey

Pero syempre, tatahimik na nga ako, sabi ko nga, tatahimik na talaga ako. Ayaw ko namang magkaroon ako ng instant meet & greet with San Pedro at ng manok niya.

"Magkaklase na naman pala tayo hehe." Giit niya atsaka humagikhik.

Alam ko, Seoks. Alam ko. *Shoots a bazooka straight to the head* Okay lang naman ako rito, okay lang talaga ako hehe.

Punyeta talaga, alam niyo ‘yung masama? Syempre maliban sa pagmumuka ni Mingyu at sa pag-eenglish ni Kabs. Masama? ‘Yung magkakaroon ka ng kaklase na machine gun ang bunganga, masama sa kalusugan at utak, true story. Try niyo, gugustuhin niyo na lang din talaga magpatiwakal, charot.

"Babush!" Bumalik ako sa realidad nang bigla kong marinig na nagsalita si Seoks at ang sunod-sunod na yabag ng paa niya papalayo sa akin, sa kinatatayuan namin kanina.

Punyeta, tinakbuhan na naman ako! Bwiset talaga! Sa susunod nga hindi ko na talaga ‘yon papakawalan sa kwadra niya, hanep e.

Tumakbo na lamang din ako at sumunod sa kanya patungo sa second floor, dahil nandoon ang classroom namin.

Punyemas di’ba? Takbuhin mo naman papunta sa second floor simula sa may gate pa lang. Kaya ayon, ang resulta, halos magkandarapa na ako sa pag-akyat, magtitigulong na nga dapat ako sa hagdan e kaso sabi nung hagdan tinatamad daw siyang manalapid ng tao. Ang sakit sa kasu-kasuan! Pero sayang, magaala-bowling ball na sana ako kanina e!

Sa wakas, nakarating na kaming dalawa sa magiging classroom namin ngayon sa buong school year. Katulad nang ibang mga classroom, hindi ‘to gaano kalakihan, hindi rin naman ‘to gaano kaliitan, para ‘yung sakto lang talaga ang laki para sa mga estudyante na gagamit, ganerns?

"Syet ka, Seokmin." Hinihingal kong giit habang nakasandal ang aking magkabilang palad sa aking mga tuhod at sumisinghap ng sariwang hangin.

"I’m a unicorn, not syet." Pagtatama niya pa atsaka tumuwid nang tayo mula sa pwesto niya kanina kasunod noon ang paglakad niya papasok sa classroom.

My First [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon