18th

20 1 0
                                    

18TH

KEI

Breath in, breath out! In and out, nakakapagod, nakakatamad.

Napabuntong hininga na lamang ako atsaka itinuon ang aking atensyon sa tinatahak kong pasilyo patungo sa aking classroom.

Mabuti na lamang at hindi ako naubusan ni Mingyu ngayon ng toothpaste. Ewan ko ba roon, namamapak yata ‘yon ng toothpaste namin.

Mag-isa akong umaakyat ngayon ng hagdan, bawat baitang na aking gagawin ay hindi ko mapigilan ang bawat hikab na nais lumabas mula sa aking bibig.

Mag-isa na naman, nakakaantok tuloy.

Hindi raw kasi ako masusundo ni Soonyoung dahil may gagawin pa raw siyang importante at baka ma-late lamang daw ako kung hihintayin ko pa siya.

Sus, Kwon Soonyoung! Alam ko na ang mga style at pa-epek mo, laos na laos na ‘yan para sa akin.

Sino kaya ‘yung tinutukoy niya kagabi na umuwi na raw? Siguro isa sa mga chicks niya, ganoon? ‘Yung mga pa-deliver ng under the sea na mga hipon.

Psh, ipapakain ko na talaga sa kanya ‘yung cellphone niya e.

Sana naman hindi late si Seoks at Boo, ngayon. Makapag-rosary nga, whohoho sana kayanin ng kapangyarihan ng himala ang dalawang ‘yon.

"Hmm, what a nakakabadtrip day!" Walang emosyon kong sambit at akmang aapak na sana sa pinakahuling baitang ng hagdan bago tuluyang makataas sa ikalawang palapag, nang bigla namang may nagsalita na nagmumula lamang sa taong nasa likuran ko.

"Ayee, Good morning! Siguro nasobrahan ka na naman sa katol, Kei. Mukang tanga e." Sabat niya gamit ang isang masigla’t may halong pang-iinis na boses sabay hagikhik pa, kapwa kami naglalakad lamang sa isang direksyon.

Aish, siguro si Junhui na naman ‘to! Gusto yatang makipag-meet & greet ulit sa notebook. Namimiss niya na yata kasi e.

"Oh, namimiss na yata niyang pisngi mo ‘yung notebook ko ‘no?" May pagbabanta kong giit habang tuloy-tuloy pa rin ang paglakad patungo sa room at walang lingon-lingon sa likod.

"Huh? Ano bang pinagsasasabi mo dyan? Hindi lang kita nasundo, nabaliw ka na naman." Nagtataka niyang saad kaya’t dali-dali akong napalingon sa aking likuran. Tumambad sa akin ang pinakanggwapo—este ang gwapo kong soon-to-be hamster habang nakakunot ang noo at nakataas ang kanan niyang kilay.

*Facepalm* Okay, si Soonyoung pala. Tangene, abort mission! Abort mission! *Puts the notebook back in the bag*

Sa susunod kasi sundin ang katsismisan na "Kapag hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi ka makakarating ng alive at hindi napapatanga sa paroroonan"

Akala ko kasi di totoo yon e,Sarreh mehehehe.

Minsan talaga kelangan ko nang maniwala sa kasatsismisan.

"Uhm,Wala!Ang kapal talaga ng bilbil mo.Ako lutang kasi di mo lang sinundo?Mata mo!"

"Oy lagpas ka na ng room!"Sigaw ni Soonyoung na parang ang layo na ng pinanggalingan ng boses kaya lumingon ako sa paligid at nakitang nasa tapat na pala ako ng pinakadulong room,Sya naman ay nasa tapat na ng pintuan ng room namin habang nakakunot noo.

My First [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon