Andrew. Samantha

59 1 0
                                    

Nagising nalang isang araw na nasa Ospital na ako. Kahit nang hihina ay pinilit ko pa din bumangon ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking may dalang isang basket ng prutas.

"Gising ka na pala. okay ka na ba?" tanong niya habang palapit sa akin.

"Sino ka???"Hindi ko mamukhaan ang lalaking  dumating. Nilapag nya ang basket ng prutas sa lamesa na nasa gilid ko at umupo sa upuan.

" Ako lang naman ang muntik maka patay sayo. " mahinahon nyang sinabi
" Nag dadrive ako kagabi habang umuulan ng bigla bigla kang tumawid. kaya ayon muntik na kitang mabundol."   dagdag pa nya
Hindi ako sumagot at inalala kung ano ang nang yari kagabi.

"Wala kang wallet na dala o kahit cellphone para sana matawagan namin ang mga magulang mo." 

"Wala na akong magulang." mahina kong sagot sa kanya. 

Sandali syang tumahimik at tinignan ako.

"Kahit guardians mo nalang sana? Meron ba? baka kasi nag aalala na sila sayo." pag uusisa nya

"wagg!!! utang na loob! wag mo syang tatawagan!! parang awa mo na wag! " mabilis kong nasabi, onti onti akong nakaramdam ng panginginig at takot.

Bakas sa muka nya ang pag ka gulat sa reaksyon ko. Nag umpisa akong manginig at maluha luhang tumingin sakanya.

"okay okay sige" nakatitig nyang sinabi sakin na til ba nag tataka.

" Kung ganon, meron ka bang kaibigan na pwede nating tawagan?" tanong niya

umiling ako bilang sagot.

"sigurado ka ba??? baka meron kahit isa ."

" wala po talaga. " Tanggi ko sakanya.

Sandaling tumahimik ang lalaki na para bang nag iisip. 

"Paano ka kapag labas mo dito??" may pag aalala sa mga boses ng lalaki. 

"Hindi ko pa po alam. ang alam ko lang po ay ayaw ko na pong bumalik sa bahay na yun." matiim kong sinabi sa kanya na para bang wala sa sarili.

"ganoon ba??? ahh! sya nga pala My name is Andrew. ikaw? anong pangalan mo?" mahinahong  tanong nya.

Sandali ko syang tinignan. Hindi ko kilala ang lalaking to nag dadalawa akong pag katiwalaan sya. oo  nga naalala kong muntik na ako masagasaan bago ako mawalan ng malay pero dapat ko ba syang pag katiwalaan dahil lang niligtas nya ako?

"Samantha." mahinang sagot ko sakanya.
Ngumiti sya at inabot ang kamay nya sakin.

"Andrew. Andrew Villaflor" pag ulit nya  sabay nag aantay na  aboti ko  ang kamay nya para kumamay sa akin. dahan dahan kong tinanggap ko ang kamay nya at ngumiti.

"By the way, sabi ni Dr. Cruz pwede ka ng lumabas bukas."

"haa? bukas? " pag aalala ko.
Ngumiti sya sakin, Napansin nya siguro ang pag ka gulat ko.

"Don't worry. Ako na ang bahala sa bills dito." paninigurado nya.

"Salamat.... Salamat sa pag ligtas sa akin." nahihiya kong sinabi habang naka yuko.

"anong salamat? dapat nga ako ang mag pasalamat."

 Napatingin ako sakanya nag tataka sa mga sinabi nya.

"Salamat at nabuhay ka." mahina nyang sinabi na tila ba nahihiya.
Tumingin sya ng matagal sa akin. kahit na  nakangiti sya ay makikita mong may lungkot sa  mga mata nya.Agad kong inalis ang tingin ko sakanya.  Naramdaman nya siguro ang pag ka-ialang ko kayat umubo sya ng bahagya.

Playful KissWhere stories live. Discover now