Meeting

2 0 0
                                    

Pababa na kami ng hagdan ni Madam ng makita ang papasok na dalawang lalaki at isang matandang babae. Itinuro kami ni Heart sa mga bisita.

At para bang huminto ang mundo ko, ang lalaking katabi ni Heart na mukang si Ison ay napatingin at gulat na gulat sa pag baba namin.
Kahit ako ay nagulat ng makita sya lalo pa ang isang pamilyar na lalaki na inaakayan ng matandang babae.

Peter!!!

Wala akong nakitang reaksyon sa muka ni Peter. Hindi sya nabigla o kahit ano pa man. Hindi katulad ko. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng dugo ng mga oras na yun.

Pag kababa namin ay ipinakilala agad ni Heart ang mga kasama, Si ison , ay si Jayson pala na katiwala ni Peter, at ang kasama nyang babae ay mama ni jayson. Si aling naneth.

Pinakilala kami ni Heart sa isat isa.

"Ate jessica? Ikaw po ba yan?" Tanong ni jayson na halatang na cucurious.
Napatingin silang lahat sakin, habang ako naman ay iniiwasang tumingin kay Peter.

"Kilala mo sila jess?" Tanong ni Madam.

"Ah opo, sila po yung tumulong sakin sa manila madam" Paliwanag ko.
"Kumusta ka na jayson! Ikaw pala si Ison. " pinilit ko mag mukang masaya pero hindi ko alam if effective ba lalo nat mukang nakasibangot lang si Jayson.

"Kumusta peter?" Tanong ko sakanya pero nagulat ako ng makita ko sa ng malapitan, nakatingin ng diretso. May hawak na baston.

"Unfortunately im not ok, im blind for almost 8 months now" sagot nya

Halos natulala ako sa nakikita ko, sa nalaman ko, pinigil kong hindi maiyak. Pero para bang nablanko ako.

Mabuti nalang at inaya na ni madam silang kumaen.
Tumalikod ako para umalis ng tinawag ako ni Madam.

"San ka pupunta jess? Saluhan mo kami kumaen." Tawag ni madam ng makita akong patakas.

Wala akong nagawa, kaya lumapit na ako at sinaluhan sila
"Pasensya ka na jess at nacancel mo ang date mo kay John, matagal nya na pa naman inaantay na pumayag ka na ma ka date sya. Medyo wrong timing kasi kailangan kita ngayon"pag papaumanhin ni madam.

Nakatitig lang ako sakanya habang nag uusap sila.
Wala naman nag bago sakanya, maliban sa shoulder level nya ng buhok siguro na nakatali.

"Gusto ko po sanang humingi na despensa sa nangyari Maam melba—-" paninimula ni Peter na composed pa din kahit na hndi nakakakita.

"Hindi bat hindi dapat ikaw ang nag sasab nyan?" Tanong ni madam na nakataas ang kilay na tumingin kay Heart at Jayson.

"Tita ma, I'm sorry. Alam ko po na na disappoint ko kayo..... ma, sorry po" umiiyak na sagot ni Heart

Si jayson naman ay hinihimas ang likod nya para pakalmahin ang dalaga.

"Ma'am, hindi ko po sinasadyang mabastos kayo. Alam ko pong mali, mali na hindi ko hiningi ng maayos ang kamay ni Heart. Pero handa po akong panagutan ang magiging anak namin" sagot ni Jayson

"Aba! Dapat lang, sino ang gusto mong mag palaki nyang bata? Kami? Ako! Aba!! Alam mo ba na yan lang ang inaasahan ko lalo nat iiwan ako ni Jess, ang dami kong plano para samin, nahihiya na nga ako kay Jess kasi antagal nya na sanang nag karoon ng sariling buhay pero dahil hinahantay ko si heart, ayan nakikiusap ako na mag stay sya. Hindi lang yung future ni heart ang nasira dahil sa ginawa nyo. Pati ang sakin at kay jess." Naiinis ngunit mahinahon nyang sinabi

"Ma'am, bilang nanay ni jayson humihingi ako ng dispensa sa naging aksyon ng anak ko. Sana po mapatawad nyo sila at matanggap" paki usap naman ng mama ni Jayson na may katandaan na. Halos maiyak iyak ito.

Natahimik si Madam halatang naawa sa matanda. Kahit naman medyo ma authority si madam ay sobrang buting tao nya.

"Handa naman po akong pakasalan si Heart ma'am, kahit kelan at saan po" matapang nyang sagot

Sandaling natahimik ang lahat, ng bigla nalang.

"Next month, gusto ko makasal na kayo next month. At hindi civil wedding, gusto ko church kahit simple lang" sagot ni Madam.

Hindi mapigilan ni Heart ang mapahagulgol sa iyak at tumakbo palapit kay madam, hindi ko na din napigilan ang mapa luha, sa wakas at okay na sila, hinaplos ni madam ang dalaga at pinagalitan dahil sa pag takbo nito.

"Ate thank you" yakap sakin ni Heart

"Wala naman akong ginawa," sagot ko.

Umiling sya at yakap lang ang sinagot.

Naging okay ang naging Dinner namin, kahit hindi ako maka kaen ng maayos dahil naka tingin lang ako kay nanay naneth  na naka alalay kay Peter.
Hndi naman kumaen si Peter naka hawak lang sya sa baso ng tubig at umiinom paminsan minsan .
Inaalalayan ni nanay naneth habang ibinababa ang baso.

Napakabilis ng pang yayari ang pag balik ko galing kusina pag ka kuha ng dessert ay nag tatawanan na si Jayson at Madam mukang mabilis nyang na kuha ang loob nito.
"Sya nga pala? Asan ang tatay mo?" Tanong ni Madam

"2 years ago po nag namaalam si tatay, nag kasakit sya ng kidney failure at un din ang ikinamatay" nalulungkot nyang sagot

Halos hindi ako makapag salita, wala na si tatay Juan, nabulag naman si Peter.  Sobrang bigat sa pakiramdam.

"Okay ka lang iha?" Tanong ni madam sakin.

Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko.

"Sorry po, nagulat lang ako sa mga nalalaman ko. Im sorry." 

"Ahh , nakilala mo ba ang asawa ko noon miss?" Tanong ni Nanay naneth.

"Opo maam, kahit sandali ko lang po sya nakasama at si jayson naging mabuting tao po sila sakin " sagot ko

Ngumiti naman si Nanay Naneth habang si Peter ay walang reaksyon, si Jayson ay imiwas sakin ng tingin.

Natapos ang gabing yun ng pinipilit sila ni Madam na dito na matulog para makapag asikaso agad ng kasal, natatawa naman si Jayson at sinabing babalik agad sila bukas naka check in lang naman sila sa malapit na hotel dito sa la union. Na ikinagalit ni Madam, dapat ay hindi na daw nag aaksaya ng pera  at marami namang kwarto dito sa bahay nya.

Nag ka sundo sila na dito muna maninirahan habang nag aasikaso ng kasal. Pero sa ngayon tatapusin muna nila ang 5 days na stay nila sa Hotel.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Playful KissWhere stories live. Discover now