Trouble

1 0 0
                                    

Kinabukasan ay maagang umalis si Lyka para sunduin ang client na mineet nya nung isang araw.
Habang si Andrew naman ay ihinatid sya sa meeting place nila nagtataka kami kung bakit hindi pa sila dumiretso pero sabi ni lyka ay usapan na daw nila yun hindi na nya ipinaliwanag ang details. Habang si andrew naman ay may kailangan bilhin kaya dadaan na sya sa mall.

Pag katapos mag almusal ay naligo agad ako at nag bihis, napatingin ako sa salamin at nakita ang necklace na binigay ni andrew.
Naalala ko nalang lahat ng nang yari simula ng makilala ko c andrew. Hindi ko mapigilang mapangiti hanggang sa maalala ko si peter.

Peter...

Malakas na busina ang naka kuha ng atensyon ko. Sunod sunod na busina kaya dali dali naman akong lumabas.
Bumalik siguro si peter!
Wala naman kasing gagawa ng ganun maliban skanya.

Laking gulat ko pag kalabas ko ng makitang hawak sa leeg si lyka ng isang pamilyar na lalaki.

Tito roy!!!
Hindi ko mapigilang matakot at manginig habang nakatingin sa kanila.
Dumating sila manang ester at aling pearly at bakas sakanila ang takot nila.

"Sinasabi ko na nga ba! Dto ka nag tatago jessica!" Galit na sigaw ni tito habang nakatutok ang baril kay lyka.
"Parang awa mo na bitawan mo sya" paki usap ni aling pearly na akmang lalapit.

"Wag kang lalapit!kung ayaw mong sumabog ang ulo nitong batang to" pananakot nya habang tinututok ang baril.

"Ano bang bang kailangan mo?!" Sigaw ni manang ester.

"Hindi ano. Sino!!!" Sabay tingin saakin.
Alam ko nasakin ang mga mata nila.
Wala akong magawa. Katapusan na ng maliligayang araw ko. Sigurado akong hindi na ako makakawala this time.

"Hindi mo na kailangan gawin pa to tito. Sasama na po ako sayo. Pls pakawalan nyo na si lyka." Umiiyak kong sagot

Nakikita ko ang demonyong ngiti ng tiyuhin ko

"Yan ang gusto ko sayo iha, pumasok ka na sa kotse bago ko pa kalabitin to."

"Mama" sigaw ni lyka na para bang takot na takot na.

Narinig ko nalang ang pakikiusap nila na tumigil na. Kaya nag lakad na ako pasakay ng kotse.

"Pag sinubukan mong tumakas. Babarilin ko lahat ng tao dto" pag babanta nya

Wala naman akong balak tumakas. Alam kong yun na ang tamang gawin at wala na akong kawala pa.

Habang nasa byahe ay kung ano anong pinag sasabi ng tiyuhin ko. Halos wala na akong maintindihan. Gusto ko ng barilin nya na ako para matapos ng lahat ng to. Naramdaman ko nalang ang kamay nya sa legs ko. Hinihimas nya paakyat sa private part ko. Pinilit nyang ibuka ang legs ko gamit ang isang kamay nya pero nag pumiglas ako.
"Mamaya naman ay may kalalagyan ka." Paninigurado nya.

Alam ko kung anong ibig nyang sabihin.
Hanggang ganto nalang siguro ang bubay ko. Kahit anong gawin ko hindi ko na mababago pa.

Huminto ang sasakyan, hindi ko napansin na nakarating na kami sa bahay.

Bumaba sya pero nanginginig pa din ako, ayokong bumaba! Mas gugutuhin ko pang mamatay na ngayon pa lang kesa bumalik sa bahay na yan. Nakita kong nag lalakad si tito para buksan ang gate.
Hindi ko mapigilan ang pag tulo ng luha ko ng marinig ko ang pag katok sa bintana pero hindi ko iyon pinansin sa takot ko, biglang bumukas ang pinto tsaka may pamilyar na boses ang narinig ko.

"Jessica! Okay ka lang? Okay ka lang ba?" Kitang kita ko ang pag aalala sa muka nya.

Peter!!!!!

Hindi ko napigilang yumakap sakanya. Hanggang marealized ko kung anong sitwasyon namin.

"Umalis ka na delikado!! Baka makita ka ni tito—-" natigilan ako ng makitang pinalilibutan na kami ng pulis at nakataas na ang kamay ni tito roy.

Inalalayan ako ni peter palabas ng kotse ng bigla ko nalang naramdaman ang pag yakap ni peter kasabay ng isang malakas na putok ng baril. Napa upo si peter habang hawak ang likurang balikat kasunod ng sunod sunod na putok.

———-

Nagising nalang ako na nasa ospital na ako. Dali dali naman si manang ester lumapit sakin at tinatanong ako kung okay lang ba ako.

Tsaka ko na aalala si peter. Agad agad akong bumangon papunta sa kabilang kwarto kung nasaan si peter. Pag ka bukas ko ay naabutan ko lang syang natutulog. Pinag pahinga ko muna si manang ester pero nag paalam sya na kakain muna at mamimili ng mga kailangan sa labas at nag pa iwan ako para mag bantay kay peter.

Playful KissWhere stories live. Discover now