Comotion

15 1 0
                                    

Kinagabihang yun ay inaya ako ni Andrew  sa terrece.
kakaiba ang lamig ng simoy ng hangin siguro dahil nalalapit na ang kapaskuhan. Madami ding bituin sa langit ng gabing iyon. habang naka upo ay nakatingin ako sa kalangitan. nararamdaman ko naman ang pag titig ni Andrew sakin.

"Bakit ngayon ka lang ulit bumalik dito?" Hindi ko maiwasang mapatingin sakanya pag ka tapos kong mag tanong. sandali namang Nag tama ang mga mata namin.

"May kinailangan kasi akong asikasuhin eh." Mailap na sagot nya.

Sandali kaming tumahimik na tila ba nakikiramdam sa isa't isa.

Masaya ako na nandito ulit si Andrew, kung ako lang ang papapiliin ay mas gugustuhin ko pang andito nalang si andrew kaysa kay peter na hindi ko maintindihan.

"oo nga pala. gusto ko sanang humingi ng paumanhin sayo."

"hhhhmmmm??? Tungkol saan?" tanong nya

"Tungkol sa naging reaksyon ko noong nakaraan. naging mailap ako sayo pag ka tapos mong mag kwento. pasensya na. masyado  kasi akong nadala sa napanood natin kaya naman parang hindi  ko na kinaya ang lungkot ng marinig ko naman ang storya nyo. "
pag paliwanag ko sakanya.

Tahimik lang si andrew na para bang inoobserbahan ako.

"okay lang. pero gusto ko lang sana  linawin ang mga bagay bgay."

Tumingin ako mabuti sakanya, katulad ng dati ay hindi pa din kumukupas ang kagwapo ng binata. kahit pa tumubo na ng bahagya ang mga bigote nya ay hindi parin miikubli ang kagwapuhan nito.

Seryoso ang muka nyang tinitigan  ako.
"Sana wag mong isipin na tinulungan lang kita dahil ka pangalan mo si samantha."  pag paprangka nya na para bang nababasa nya ang naiisip ko.

"sa totoo lang... hindi ko maalis sa isip yun nung una. " pinilit kong Ngumiti pag katapos mag salita.
"pero kahit ano man ang dahilan, naisip ko. maswerte ako.... kasi... nanjan ka noong panahon na kailangan ko nang tulong."  maluha luha kong sinabi sakanya.

Inabot ni andrew ang kamay ko at at bahagya itong pinisil.
Hindi na kinorek o sinang ayunan ni andrew ang mga sinabi ko. Nanahimik nalang sya habang mag kahawak kamay. Tila nag kaka intindihan kahit walang pinag uusapan.

"sya nga pala..gusto ko sanang itanong kung bakit..." basag ko sa katahimikan na bagyang nag alinlangan sa pag tanong.

"bakit... bakit yun pa din ang pinili  mong panoorin kahit alam mo na ang mang yayari sa movie?" tanong ko sakanya.
Isa sa mga hindi ko  ma alis sa isip ko ang tanong na yun. Bakit nga ba? kahit alam nya naman na may maalala lang sya. sinadya nya ba yun panoorin para ma iopen ang tungkol sakanila ng dati nyang kasintahan?

Pero agad nya akong sinagot na parang hindi nag iisip.

"kasi umaasa ako na baka... baka kahit papano ma iba ang ending ng storya. baka sakaling mag karoon ng happy Ending kahit... kahit man lang sakanila."  pilitin man ngumiti ni Andrew ay hindi pa din maikukibli ang lungkot sa mga mata nya.

Bago sya bumalik ng makati nung linggo ng gabi ay nag simba kami ni manang esther at andrew, inaya ni Andrew si Peter pero tumanggi sya dahil may gagawin pa daw ito.
Pag katapos mag simba ay pinamili  kami ni Andrew ng mga damit. tumanggi ako nung una pero pinilit nya ako at ginamit pa si Manang  Esther. kapag tumanggi daw ako ay siguradong tatanggi din si manang.

Dahil wala akong interes sa mga damit ay si Andrew ang kadalasan namimili ng mga damit para sakin.
napansin nya siguro na halos si manang Esther lang ang hinahanapan ko ng damit.Nang nasa cashier kami ay laking gulat ko na napaka dami nya palang napili para saakin.

Playful KissWhere stories live. Discover now