Gift

23 1 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. siguro dahil nahihiya ako sa ginawa ko. hinayaan ko syang gawin yun.


Habang naka higa sa kwarto ay hindi ko mapigilan ang pag hawak sa mga labi ko habang inaalala ang nanyari samin ni Peter sa pool.

Sino ka ba talaga??? Anong ginagawa mo sakin?

Napapikit nalang ako at pilit inaalis sa isip ang nangyari.

Anong ibig nyang sabihin!!

•••

Kinabukasan ay hindi ko nakita si Peter ang sabi ni Manang Esther ay maaga daw itong umalis.
Para naman akong nabunutan ng tinik ng malaman na wala sya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko sya. Halos hindi pa naman ako naka tulog kaka isip ng ginawa nya.

Habang naka upo sa Terrece ay hindi pa din mawaglit sa isip ko ang nanyari samin ni Peter kagabi.

Anong ginagawa mo sakin?

Paulit ulit kong naririnig sa isip ko.
Napa buntong hininga na lang ako tuwing maalala ang mga sinabi nya kagabi. Buong araw ko atang naririnig ang mga sinabi nyang yun. Lalo na ng Nag dilig ako ng mga halaman sa Little Garden, Hindi ko maiwasan tumingin kung saan ako hinalikan ni Peter kagabi.

Ano na nang yayari sayo jessica!

•••

Hindi ko alam bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot ng sabihin ni Andrew kay Manang Ester sa telepono na baka hindi dito mag papasko si Peter. Isang araw bago ang desperas ng pasko at birthday ni Andrew.

Kinausap ko si Manang Esther kung paano kaya ako makakagawa ng Cake para kay Andrew sabi nya sya na daw ang bahala. Mag papasama sya bukas sa grocery kuno.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako sanay na hindi na nararamdaman ang presence ni Peter sa paligid halos hindi ko mapigilan na itanong sya ng paulit ulit kay Manang Ester napansin nya din ata na naka ilan ulit ako sa pag tatanong at natutuwa sya dahil muka daw nagiging Close na kami sa isat isa.

Nang kinagabihan ay nabaling na ang atensyon ko ng dumating si Andrew. Nagulat ako sa bagong gupit nyang buhok fresh at mukang bumata sya tignan.

"Muntik na kitang hindi makilala." hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko sa kanya.

"Bagay ba?" tanong nya

tumango ako sakanya at pumasok na kami sa loob ng bahay. Kahit si Manang ester ay natuwa sa bagong look ni Andrew.

"I'm excited to celebrate my Christmas with you guys!" nakangiti syang nakatitig sakin .

"Mukang sa isang tao ka lang naman excited." biro ni Manang Ester.

"Naku naman si Manang mukang nag seselos pa." lumapit si Andrew at niyakap ang matanda. Masaya kaming tatlo lalo pa ng dumating si lyka para kulitin si Andrew. Parang bata si Lyka kay Andrew kuyang kuya din ang turing nya dito katulad kay Peter.

"Kuya? Dito ba mag papasko si kuya Peter?" natuwa ako dahil tinanong ni Lyka ang kanina ko pang gusto itanong.

"Hindi ako sigurado. sabi nya sakin hindi daw. nag tataka na nga ako sa lalakeng yun"

Nakaramdam ako ng dismaya pero hindi ko nalang masyadong pinansin.
Pag katapos namin mag hapunan ay natulog na si Manang Ester nag paalam na din si Lyka umawi para daw mag karoon kami ng time ni Andrew. kumindat pa sya bago tuluyang umalis.

Naka upo sya sa sala habang nag titimpla ako ng kape para saming dalawa ng napansin ko syang may kinakalikot. Pag dating ko sa sala ay tumugtog ang Christmas Song. Nagkatinginan kami tsaka sabay na natawa. inilapag ko ang Coffee namin dalawa tska umupo malapit sa kanta.
Naka upo sya paharap sakin habang naka titig.
Ngumiti ako sakanya tsaka dahan dahang ininom ang Coffee ko.

Playful KissWhere stories live. Discover now