Jealousy

1 0 0
                                    

Bukod kay Peter na hindi pa din ata gising ay lahat kami ay naka ready na para salubungin ang pasko. Maaga kaming nag ayos at inumpisahan ang exchange gift.
Nakakatuwa halos lahat ay may regalo sakin maliban ofcourse kay peter. Halos lahat sila ay tshirt ang ibinigay maliban kay lyka na recipe book at kay andrew na necklace.

ang kinagulat ko pa ay ang pag halik sakin sa pisngi ni andrew pag ka suot nya sakin ng necklace na regalo nya. Lahat naman ay kinilig at inaasar kami.
Hindi ko magawang mag react gusto ko si Andrew pero hindi ko nagustuhan ang ginawa nya.

"Kuya peter!!!! Buti gising ka na!" Sigaw ni lyka na masayang masaya na makita ang binata, halos naka baba na si peter sa hagdan ng makita ko sya. Malamang nakita nya ang pag halik sakin ni Andrew.
Wala naman akong paki alam at alam ko wala din sya pero bakit hindi ako mapalagay kung ano ang iniisip nya.

"Kuya peter! Ano gift mo kay jessica? At sakin? " asar ni lyka

Nun ko lang na realized na lahat sila may gift sakin at ang naka bunot sakin ay si Peter.
Nag mistulan na kasing  exchange gift dahil halos lahat may regalo sa isat isa.

Sandalinb kinuha ni peter ang mga regalo na naiwan nya daw sa kotse, pag ka balik ay isa isa nya kaming inabutan ng reagalo. Halos di maka paniwala sa tuwa ang pamilya nila lyka ng lahat sila ay maka received ng rubber shoes na branded galing kay peter habang si Aling ester ay isang box ng scented candles na mukang mamahalin din. Sobrang  daming scented candles na collection ni manang sa kwarto. Lagi nya tong sinisindihan kapag may nararamdaman sya pampa relax nya.
Si andrew naman ay isang belt.  Nakatingin halos lahat sakin ng itanong ni lyka kung ano ang nakuha ko. Medyo kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung dapat ko na bang buksan. Medyo nag dadawang isip ako pero binukasan ko na ang paper bag na medyo may kalakihan . Laking gulat ko ng makita ko ang isang mickey mouse na stuff toys, napayakap ako sa stuff toys at ngumiti kay Peter.

"Thank you!" Hindi ko mapigilan ang sobrang tuwa ko, hindi ko akalain na may purpose pala talaga ang pag tatanong nya sakin nung nasa coffee shop kami.

Nag tataka naman ang iba sa naging reaksyon ko.

"Nasabi mo kasi na favorite mo yan, wala na ako maisip. Sana nagustuhan mo" nahihiya man pero hindi nya pinahahalata sa boses nya.

"Sobrang nagustuhan ko, thank you !" Masaya naman talaga ako kasi ang huling nag bigay sakin ng stuff toys na mickey mouse ay  si papa.

Bigla naman akong inakbayan ni andrew
"Natutuwa ako at nagiging okay na kayo ni samantha. Ayoko naman na maipiy sa away ng girlfriend at pinsan ko" natutuwang sinabi ni Andrew.

Napatingin ako kay andrew na mutaqg
Nag me mag kano ba ung gf ffor is fffffZazwalang balak bawiin ang sinabi nya, halos lahat ay kinikilig maliban saming dalawa ni peter.

Ang daming tumatakbo sa isispan ko. Hindi ko namalayan na halos mag mi midnight na pala kung hindi pa ako sinabihan ni lyka na ilabas ang cake na binake namin para sa bday ni Andrew.

Mabuti nalang talaga at tinulungan ako ni lyka , kasabay ng salubong ng pasko ay ang pag bati namin kay andrew sa kanyang bday. Sobrang na touch sya ng malaman nya na binake ko ang cake pero syempre sinabi ko na tinulungan ako ni lyka , ayoko naman akuin lahat ng credit.

Buong oras halos naka dikit sakin si andrew, pakiramdam ko ay naging normal na lang sakanila pero may ilang akong nararmdaman. Siguro dahil sa mga decisyon nya na parang hindi ako na inform.
Girlfriend? At pag kiss sakin parang hindi sya si andrew na kilala ko.

Habang nag huhugas ako ng plato ay tinanong ako ni peter kung kailangan ko ba ng tulong.
Nagulat ako sa tanong nya. Umiling lang ako bilang sagot.

"Kayo na pala? Akala ko walang something senyo?" Tanong nya na may disapointment sa boses.

"Nagustuhan mo ba ung regalo ko?" Pag iiba ko ng topic

"Kelan pa naging kayo?" Tanong nya pa

"Hanggang kelan yang ugali mong yan? Topak , sungit, mabait, medyo ang hirap mag adjust" sagot ko

Ngumiti nalang sya wala samin ang sumasagot sa tanong ng isat isa.
Sandali kaming natahimik
Napatingin ako sakanya ng makita ko syang nakatitig sakin habang inuobos ang alak sa baso nya.
Medyo madami pa ang alak na yun.

"Baka malasing ka nyan"

"Enjoy ur Christmas,I'm going home now"

Napahawak ako sa kamay nya para pigilan sya.
"Naka inom ka" mabilis kong sinabi habang napatingin sya sa basang kamay ko. Agad kong tinanggal ng marealized ko na basa pala ang kamay ko. Pero dumiretso parin syang umalis.

Naririnig ko na pinipilit sya ng iba na wag na muna umalis pero nag pumilit si peter at may kailangan pa daw syang attenan na party. Late na nga sya daw sya. Pero kailangan nyang dumaan. Kaya hinayaan na lang sya nila andrew. Sinigurado naman ni peter na kaya nyang mag drive.

————
Naging masaya ang pasko namin, ang naging problema ko lang ay ang pag ka ilang na parehas kong nararamdaman sa mag pinsan.
Ilang kay andrew sa mga desisyon nya at kay Peter, ilang na hindi ko maintindihan.

Playful KissWhere stories live. Discover now