Samantha

19 2 0
                                    

 Kinabukasan ay tulog pa din si Peter ng umalis kami ni Andrew para mag simba. anong oras na daw kasi naka tulog ng pinsan nya kagabi. Humingi si Andrew ng paumanhin sa nangyari  kagabi kahit na dapat ako ang humingi ng dispensa.
Pag ka tapos namin mag simba ay nagulat ako na hindi pa kami uuwi, gusto nya daw na maka labas labas naman ako ng Rest house kahit paminsan minsan, nakaka labas lang kasi ako ng tuwing nag sisimba o kaya naman ay nag papasama si manang Esther mamili ng stocks. kaya naman inaya nya ako sa Mall para kumain at maka pamasyal.
Maiintindihan mo kung bakit ang daming tao sa Mall ngayon, Linggo kasi  ika nga nila Family day. Siksikan at mahaba ang pila sa Fast Food chain na Pinili kong kainan.

"pano yan okay lang ba sayo ang mag antay? " tanong ko sakanaya habang nakapila kami sa counter lane ng jolibee. Nasa isang Restaurant na sana kami mapansin nyang mukang hindi ako interesado sa mga putahe na nasa Menu. tinanong nya ako kung meron ba daw akong gustong kainin? kaya naman dinala ko sya sa jolibee kahit pa napa ka haba ng pila.

"pasensya ka na ah. feeling ko kasi mas masarap pa din ang luto ni manag Esther kesa sa pinuntahan natin kanina. " pasimple kong sinabi habang naka pila

Tuminging sakin si Andrew na naka ngiti.  " mukang talagang Loyal ka  kay manang ah" Tila hindi alintana ang dami ng tao.
Pag katapos ng ilang minuto pag sa mahabang pila ay naupo na kami at nag hantay sa order namin.
"bakit dito mo gusto kumain?" kitang kita ang pag tataka sa muka nya.

" Eto kasi ang kahit papano nag pa saya saki noon. " Kahit naiilang ay sinalubong ko ang mga titig nya sa akin. 

Sa tuwing kasama ko si Andrew ay may kakaiba akong sayang nararamdaman. Nung una akala ko ay Gratitude lang ito para sa binata pero ngayon habang tinititigan sya.....
Alam kong may Espesyal na akong nararamdaman para sakanya.

Ilang minuto pa ay dumating na nag mga order namin. Hindi ko matago ang saya habang kumakain. Naalala ko ang masasayang alala ko ng kasama ko pa si mommy at ngayon nadagdagan ang masasayang alala na yun kasama si Andrew.
Pag katapos namin kumain ay inaya nya akong manood ng sine. Noong una ay nag dalawang isip pa ako pero pumayag din kinalaunan. Tahimik kami habang nanonood ng One day , staring Anne hathaway sabi nya ay inaabangan nya talaga ito pag ka tapos ma basa sa libro.
 "So alam mo na ang mang yayari dito?" bulong ko sakanya habang naka upo sa gitna ng sinehan. kahit madilim ay nakita ko ang pag tango nya pero tahimik lamang sya. Ilang sandali lang ay pinatay na ang ilan pang ilaw bilang hudyat ng pag uumpisa ng palabas. Habang nanonood ay wala akong idea sa mga pwedeng mang yayari sa movie.
Ang napapansin ko lang ay ang ganda ng muka ni Anne Hathaway bilang si Emma. habang tumatagal ay nag giging seryoso ako sa panonood. Lalo na sa part na ine encourage si Emma ng Best friend nya na  si Dexter hindi ko maalis sa isip ko na kaya ba gusto nyang panoorin to kasama ako kasi may gusto syang iparating?

and if I could give you just one gift ever for the rest of your life it would be this. Confidence.

Everyone is lost at 25

Natapos ang kwento na hindi ko na napigilan ang pag iyak ko. Sinusubukan akong patahanin ni andrew pero hindi pa din matigil ang pag tulo ng luha ko. Hindi talaga ako pwede manood ng drama dahil sa pag ka iyakin ko.

"sorry! dapat pala hindi iyon ang pinanood natin." bakas ang pag alala sa muka nya.
"okay lang . maganda naman ang palabas kaso..." na pahikbi ako at pinigil ang patulo ko na namang luha.

 "hala. hala. wag ka ng umiyak pleaase. " nag aalala nyang paki usap. "baka isipin nila pina iyak kita. tahan na . " Sandali nyang hinimas ang likod ko para tumahan. Marami na palang tumitingin samin dahil sa pag iyak ko. narinig ko pa ang isang bata na nag salita habang napatingin samin. "Moomy, waway sya oh."
Pag kalipas ng ilang minuto ay kumalma kalma na ako.Umikot kami sandali at Bago tuluyang umuwi ay bumili lang kami sandali na donuts para sa mga tao sa bahay.  

Habang nag mamaneho ay panay ang tingin ni andrew sakin na tila ba may gusto syang sabihin pero nagdadalawang isip. Hanggang sa nag umpisa syang mag salita.
"Alam mo ba? That Story Reminds me of my dead girlfriend samantha." Napatingin ako sakanya pero diretso lang ang tingin nya sa daan.

"ha?" nag tatakang tanong ko.

SAMANTHA? 

 Huminga ng malalim si Andrew at nag umpisang mag salita.

"Fiancé ko si samantha katulad ng sa movie na pinanood natin mag best friends kami since College days, pero unlike in the movies hindi kami nag ka taguan ng feelings hanggang sa ligawan ko sya at maging kami.
pero ng ipakilala ko sya sa magulang ko ay nag simula na ang problema namin." Hindi nya na kailangan humarap sakin para makita kong nasasaktan sya. Mahahalata mo ang lungkot sa tono ng boses nya.

"alam ko hindi nila magugustuhan si samantha dahil simplelang tao lang sya, nag plano kami noong una ng secret marriage pero ng lumaon ay gusto nya na merong basbas mula sa mga magulang namin ." Habang nakikinig ay nararamdaman ko ang pag bagal ngpag dadrive nya.

"Hindi iyon nagustuhan ng magulang ko at pilit nila akong pina papili. " Ilang sandali ding huminto sa pag kukwento si Andrew. 

"pero pinili mo sya." ako nalang ang nag patuloy ng sasabihin nya dahil hindi ko alam ang mararamdaman kung mang gagaling sakanya ang mga salitang iyon.

"Kahit kailan hindi naman ako mag dadalawang isip na piliin sya. pero mapag laro ang tadhana.
 Ilang buwan bago ang kasal ay pinuntahan nya ang mga magulang ko para kausapin. gusto nyang mag kaayos kami ng mga magulang ko bago ang kasal. hindi ko alam kung ano sinabi ng parents ko sakanya. ang alam ko lang ay pauwi na sya noon sakanila ng naaksidente sya habang pauwe sakanila."

 Hindi ko na pigilan ang pag tulo ng luha ko. alam ko kahit hindi ko sya tignan ay nasasaktan si Andrew. Nasasaktan pa din sya sa nang yari.

Hindi para samin ang kwentong iyon. umpisa pa lang, si samantha lang ang nasa isip nya.

Bigla ko nalang naalala ang unang araw na nakita ko si andrew. ang araw na tanungin nya ako kung anong pangalan ko, ang reaksyon sa mga mata nya. 

Kaya pala.

Napuno ng katahimikan ang naging byahe namin ni Andrew. Pag ka dating namin sa Rest house ay naabutan namin sila manang Esther, Peter at lyka na kumakaen. inaya pa kami ni Manang pero parehas kaming tumangi. Agad naman akong nag paalam na papasok sa loob ng kwarto para mag pahinga.
Napansin ko pang nag ka tinginan si lyka at Peter pero hindi ko nalang iyon pinansin. Bago tuluyang pumasok sa  kwarto ay Nag pasalamat din ako sa gabing iyon kay Andrew at nag paalam na mag ingat sa pag balik sa makati.

Alam ko wala akong karapatan makaramdam ng selos o kahit ano pa man, lalo na't kinopkop lang nya ako at pina tira sa Rest house niya. Pero hindi ko kayang umarte na parang hindi nasasaktan. Hindi ko dapat hinayaang mahulog ang loob ko sakanya, o bigyan ng malisya ang mga bagay na ginagawa nya. 

kung nasasaktan ka man ngayon.Kasalanan mo yan jessica!

Playful KissWhere stories live. Discover now