New Year....

6 0 0
                                    

"Ewan ko sayo!!! Wag mo ako kausapin" sigaw ko kay Peter pag katapos nya mag reklamo sa luto ko. Araw araw nalang syang nag rereklamo kahit kinakaen nya din naman nya. Gusto nya lang talagang mag away kami.

Buong hapon akong hindi lumabas ng kwarto kahit buryong na buryong na ako.
Ilang araw na din, kahapon nag celebrate kami ng New year sa Rooftop ng building para manuod ng Fireworks.

Kahit hindi sabihin ni Peter alam ko na iniiwasan nyang lumbas ako ng bahay. Hindi dahil sa baka tumakas ako pero dahil baka makita ako ni Andrew.
Hindi ko din alam kung anong mararamdaman ko pag nag kita kami ni Andrew.

Mag aalas singko na ng lumabas ako ng kwarto, hindi ko makita si Peter kaya nanuod nalang ako ng T.V sa sala.
Ilang minuto lang ay lumabas sya ng kwarto, hindi ako tumingin sa kanya. Naramdaman ko nalang na tumabi sya sakin. Sa loob ng ilang araw na kausap at kaaway sya ay nasanay na ako sa presence nya. Hindi ko mapigilan matawa sa White chick kahit na anjan sya. Ilang sandali lang ay kinuha nya ang remote at nilipat ang pinapanuod ko. Napatingin ako sakanya pero wala syang kibo at tuloy sa pag lipat ng channels. Kinuha ko ang remote pero ayaw nyang ibigay.

"Hindi ka ba talaga titigil sa pang aasar sakin?" tanong ko

"hindi naman kasi ako nag eenjoy sa pinapanuod mo" sagot nya na halatang na eenjoy ang pang aasar.

"ilipat mo na! " utos ko

"ayoko ko" asar nya.

"wag kang makulit" natatawang sabi nya habang nakikipag agawan sakin ng Remote.

"at ako pa ngayon makulit?" sagot ko na inaagaw padin ang remote

"pag di ka tumigil, hahalikan kita" asar nya.

Hinawakan ko mabuti ang remote pero natahimik ako, akmang lalapit sya ng bitawan ko ang Remote.

"ayan sayo na!" inis kong binitawan ang remote.

Hindi nya mapigilan ang matawa sa reaksyon ko.

Nakita ko din na medyo napa pikit sya sa kirot ng balikat nya.

"Ayan harot pa" asar ko sakanya

Tahimik lang sya pero ng tignan ko sya ay naka ngiti naman sya.

"lets go out later."

"ha???"
"sabi ko labas tayo mamayang gabi" pag ulit nya.

"naiintindihan ko naman!!! nagulat lang ako na gusto mong lumabas" pag linaw ko.

"pakiramdam ko nakukulong ka kasi dito"

"hindi ka ba natatakot na takasan kita??" tumingin ako sakanya.

"kung tatakasan mo ako matagal na."

Sandali kaming tumahimik.

"Iba ang kinakatakutan ko..." bulong nya

"na makita tayo ni Andrew???"

He smirked tsaka umiling.

"eh ano???"

" I'm ...afraid ...of u ...leaving me here" mahina lang nyang sinabi yun pero rinig na rinig ko. Halos matunaw ang puso ko hindi ako makapag salita.

"lasing ka ba?"

Tumitig sya sakin tsaka umiling.

"i just want to eat something good before we seperate, ilang days nalang oh. Puro adobo nalang tayo dito" tumayo sya tsaka pumasok sa loob ng kwarto.

Im so speachless, hindi ko maintindihan ang tibok ng puso ko.

••••

Papunta na kami sa isang restaurant, naka jeans at tshirt lang ako. Sobrang ganda ng Restaurant na yun at ng makita ko ang menu sobrang mahal.

"Sigurado ka bang gusto mo kumaen ka dito?" bulong ko sakanya

"bakit? Wag mong sabihing gusto mo mag luto ng adobo?" pang aasar nya.

"ewan ko sau!"

"pumili ka lang jan, and dont worry bout the bill"

Tumango lang ako. Habang nag hahantay ng menu ay inikot ko ang paningin ko sa Restaurant.

"ang ganda naman dito" pag tingin ko sakanya ay naka titig lang sya saakin.

"oo maganda nga"

Ramdam ko ang pamumula at biglang pag init sa sanabi nya habang nakatitig sya sakin.

"Please wag ka nang mang asar, di ko na alam gagawin ko" yumuko ako sa hiya.

Pag ganun ang tingin nya at pang aasar natatameme ako. Parang di ako mapakali.

Bago pa man sya maka sagot ay may pamilyar na boses na tumawag sakin.

"Samantha"

Nang mapatingin ako ay nakita ko si Andrew na nakatayo sa gilid ng table namin.

"Anong ginagawa mo dito" inis na tanong ni peter.

" Hindi ba dapat ako mag tanong sayo nyan? Bat mo kasama si Samantha?" galit nyang tanong.

"Andrew...." tawag ko saknya.

"Pinilit ka ba nyang sumama sakanya Samantha? Anong ginawa nya sayo? Okay ka lang ba?" halata ang pag aalala sa muka ni Andrew.

" hindi, andrew gusto ko talagang lumayo sainyo---"

" tara! Sumama ka sakin" mabilis nyang hinawakan ang kamay ko pero pinigilan sya ni Peter.

"hey teka lang." sabay hawak sa balikat ni Andrew.

Agad naman syang sinapak ni Andrew. Nagulat ako sa nang yari, agad akong tumakbo papunta kay Peter.


mabilis akong tumakbo palapit kay Peter Patayo na sana sya ng awatin ko sya. hindi pa magaling ang tama nya sa balikan at baka mapuruhan sya.

Agad naman umawat ang Waiter at guard ng Restaurant.

"Samantha, tara na! hayaan mo yang walang kwentang lalaking yan" sigaw ni Andrew.

Hindi ko matignan si Andrew. hindi ko alam ang nararamdaman ko para sakanya ngayon , ngayon ko lang ulit sya nakita simula ng araw na umalis ako

sa Rest house at ng marinig ko ang pag uusap nila ng mama nya.

"Umalis ka na muna Andrew.Please lang." Mahina kong sinabi.

"ano ? samantha ano ka ba! kilala mo ba yang kasama mo na yan!" sigaw nya.

"Sir, Umalis ka nalang po muna.masaydo na po kayonnng nakaka gulo dito." paki usap ng guard

Hindi ko sya ganun ka kilala pero atleast sya kilala nya kung sino ako. kung sino talaga ako.
Gusto kong sabihin kay  Andrew pero hindi ko ginawa, Kusang umalis si Andrew ng walang marinig na sagot sakin.

Agad ko namang inakay si Peter patayo.

"Okay ka lang?" tanong ko sakanya, Sobrang bango ni Peter amoy na amoy ko sya sa sobrang lapit namin sa isat isa.

hinawakan nya ang gilid ng Labi nya na may konting dugo.

Napag pasyahan naming umuwi nalang dahil sa nang yari, parehas walang kumikibo hanggang ma ka uwi kami.

Pag karating namin sa Condo ay dumiretso sa kwarto si Peter. Hindi ko na nagawang kausapin sya dahil wala din naman akong sasabihin sakanya.

Umupo naman ako sa sala iniisip ang nanyari hanggang sa maka tulog ako

Playful KissWhere stories live. Discover now