Bagong buhay, Bagong pamilya.

36 1 0
                                    


Katulad ng inaasahan ko ay naging masaya ako sa paninirahan sa Rest house nila andrew.
Noong pangalawang araw ko dito ay umuwi saglit si andrew para kumustahin ako at mag dala ng ilan ko pang gamit. Nung una ay tinanggihan ko ang mga ito pero dahil makulit sya at nag bantang ikakagalit nya daw pag hindi ko tinanggap ang mga iyon ay buong puso ko itong tinanggap kahit nahihiya.
Kapag hindi naman sya nakaka dalaw dito ay tumatawag sya kay manang esther para kumustahin ako.
Simula ng dumating ako ay hindi lumipas ang isang araw na hindi nasabi ni manang Esther kung gaano sya kasaya na andito ako at may kasama na sya sa bahay. Mag kasama kami sa isang kwarto pero mag kaibang kama.
Noong una ay hindi sila pumayag pero nag pumilit ako na huwag ng gumamit ng guest room para lang sakin.

Parang isang tunay na anak na ang turing sa akin ni Manang Esther dahil hindi sya nabiyayaan ng isa o kahit ng asawa. Kahit si Aling pearly at kuya arthur ay mababait sa akin pwera nalang sa anak nilang si Lyka. Madalas nya akong hindi pansinin at pa minsan minsan ay sinusungitan.

Nang ika tatlong linggo ko dito ay binigyan ako ni Andrew ng librong pwede mabasa. Nagulat ako ng inabot nya sa akin ang mga ito, para daw hindi ako ma bored kung walang ginagawa. Napapadalas ang pagdalaw ni Andrew sa Rest house, madalas ay Umuuwi sya nga friday night at lumuluwas ng Monday morning.
Tinuruan nya ako ng secret recipe nya ng Leche flan nya. maliban kasi sa adobo ay paborito nya din ang leche Flan. Nakakatuwang onti onti ko syang nakikilala ng lubusan. kung ano ang mga hilig at ayaw nya, at kung sa anong klase sya ng pamilya nabibilang.

Mayaman at kilala ang villaflor. Hawak nila ang isa sa pinaka malaking printing company sa bansa. Nahahati sa Tatlong pamilya ang kumpanya na iyon na pawang mga kamag anak din niya. kahit na marami na akong nalalaman sakanya ay nakaka pag takang hindi nya na ako natatanong ng mga bagay tungkol sa akin maliban sa anong paborito kong pag kain, kulay o hobbies ko.
Nang mga unang araw ko ay nagtatanong din sa manang Esther ng tungkol sa buhay ko. Kung saan ako nang galing o asan ang mga pamilya ko. Napansin siguro nila na nagiging mailap ako tungkol sa personal background ko hanggang tumigil nalang din sila sa pag tatanong sakin.
Lalo na ng ilang beses akong kailangan gisingin ni manang Esther dahil sa masamang panaginip. Kahit nasa malayo na ako ay hindi pa din ako nilulubayan ng kahapon ko. kahit pinipilit kong mabuhay ng normal at malaya, narayana pa din at bumibisita ang madilim kong nakaraan.

Nag simula na ang buwan ng Nobyembre, mag dadalawang bwan na ko sa puder ni Andrew. Maliban sa pag tulong ko kela Aling Pearly at manong arthur sa pag lilinis ng Resorts pag katapos ito gamitin ng mga nag rerenta ay madalas din akong tumulong kay aling pearly mag alaga ng mga bulaklak na naging little Garden na ng Resorts.

"Ang ganda po talaga ng mga bulaklak nyo aling pearly." natutuwa kong papuri habang nag didilig ng halaman.

"salamat iha, naku! hindi yan gaganda ng ganyan kung hindi sa tulong mo. alam mo naman ang anak kong si lyka, hindi man lang magawang humawak ng tubig para sa mga bulaklak na yan." reklamo nito.

"eh pano? may magaling ka naman na assistant jan!" inis na sinabi ni lyka na kakadating lang galing school.

Nag aaral si Lyka at nasa 3rd yr college na sa kursong education. mabait na bata si lyka pero sa tuwing nakikita nya ako ay nag iiba ang mood nya. bumabait lang sya sakin kapag nandyan si Andrew.

"Hi lyka? kumusta? " tanong ko sakanya.

tumingin si lyka sakin na nakataas ang kaliwang kilay pag katapos ay tumalikod at tuluyang nag lakad papunta sa bahay nila.

"Tignan mo tong batang to! hindi man lang nag bless sa akin."

Ngumiti nalang ako kay aling Pearly at nag patuloy sa pag dilig.

"iha, pag pasensyahan mo na sya. close kasi iyan sa yumaong kasintahan ni Seniorito kaya sya ganyan. " paliwanag nya

" kasintahan ni Andrew po?" tanong ko sakanya.

Playful KissWhere stories live. Discover now