New Start

2 0 0
                                    

4years after

"Jess, tara dito tulungan mo nga ako sa mga pinamili ko." Sigaw ni Madam Melba na mukang kararating lang.

"Andami naman ata nyan madam? " tanong ko sakanya.

"Aba syempre pauwi na si Heart, alam mo naman na sobrang saya ko na makaka pag tapos na sya. " pauwi na kasi ang pamangkin ni Madam.
Sobrang saya ko para sakanya kasi sa loob ng 4 na taon ng pumasok akong cashier/waitress nya dto sa maliit nya na resto bar ay walang ibang ginawa sakin si Madam kundi puro kabutihan, kaya naman ng maka ipon ako Last year para maka pag start ng pinaplano kong Tapsilogan ay naki usap sya na baka pwedeng wag muna ako umalis. Hantayin ko munang maka tapos si Heart dahil wala daw syang ibang pinag kakatiwalaan maliban sakin. Pag katapos ni Heart ay balak nya ng mag retired at mag focus nalang sa business nya.

Mayaman si Madam pero nag wowork sya dahil sumosuporta sya sa mga pamangkin nya. Namatay ang asawa nya dahil sa Liver failure at sa kasamaang palad hindi sila nabiyayaan ng anak.
Kinopkop nya din ako sa malaki nyang bahay kaya sa loob ng 4 na taon nabuhay ako ng tahimik at payapa kasama si madam.
Nag kaka bonding din kami ni Heart tuwing sembreak nila at to my surprise sobrang close namin sa isatisa.

4 years na din ang nakakaraan pero hindi ko pa din makalimutan si Peter. Kahit papano naman ay may mga nanliligaw sakin. May mga costumers kami na nangungulit sakin lalo na si Sir John. Every night nandito sya para mag dinner at madalas ay may kung ano anong dala.
Kahit si Madam ay pinupush ako sakanya. Galing daw sa magandang family dito sa La union si Sir John, hndi din nag kakalayo ang edad namin. Lagi ko nga sinasabi na hindi ako bagay sakanya. Pero wala daw syang paki alam sa sasabihin ng iba , ang magulang nya naman ay boto daw sakin dahil first time syang nag karoon ng interest sa babae. Ganjn pa man ay iba pa rin ang laman ng puso ko. Kahit pa malabo na pero hindi ko nagawang ibigay ang puso ko sa iba.

4 years ..... siguro malaki na ang anak nya. May masaya na syang pamilya, baka nga ay nasundan na ang panganay nya. May mga araw na naiisip ko kung naalala nya pa ba ako. Pero tuwing nasasagi sa isip ko yun ay di ko mapigilan umiyak at sisihin ang sarili ko kaya na hinayaan kong mabuhay pa din sa alaala nya.

Habang busy kami ni madam sa pag hahanda sa pg dating ni Heart, nagulat nalang ako ng may mabasag na mga plato. Pag katingin ko kay Madam ay nabitawan nya ang hawak na plato, at nang mapatingin ako sa pinto ay nagulat ako sa nakita ko.

Halos mahimatay si Madam Melba ng makita si Heart na nakasuot ng bistida, kung titignan ay mukang 4 na bwan na ang dinadala nyang bata sa sinapupunan nya. Agad agad kong inalalayan si Madam para maitayo ng maayos.

"Tita ma, I'm sorry—" umiiyak na sinabi ni Heart palapit kay madam.

"Wag kang lumapit! Wag mo akong kausapin." Galit nyang sigaw.

"Jess,ikaw ng bahalang paalisin ang babaeng yan. Mukang naliligaw ata" utos nya tsaka umakyat sa kwarto nya.

Hahabulin pa sana sya ni Heart ng pigilan ko sya.
Pinakalma ko muna si Heart at pinaalala na baka na stress din ang bata sa sinapupunan nya sa ginagawa nya.

"Sorry ate jess, sorry kung na disappoint ko kayo" umiiyak nyang sinasabi sakin habang naka yakap.

"Ano ka ba! Okay lang yan, blessing yang dala dala mo. Hindi man matanggap ni Madam. Pero pasasaan bat magiging okay din kayo. Ikaw pa ba? Hindi ka kayang tiisin nun" pag papakalma ko sakanya.

Hindi ako nag tanong ng kahit ano kay Heart, wala naman kasi ako sa pusisyon para mag imbistiga ng sitwasyon nya.
Habang si Madam naman ay ilang araw na ding hindi lumalabas ng kwarto nya. Lagi ko lang syang dinadalhan ng pag kaen. Alam nya na nasa transient house si Heart sa likod ng bahay nia. Madalas may mga umuupa na nag babakasyon dito sa la union .
Ayaw nya munang kausapin si Heart.

Nag kausap kami ni Heart nag tatanong ng dapat nyang gawin. Ilang araw na din kasi ang nakaka lipas at ayaw parin syang kausapin ng tiyahin nya.

"Siguro dapat kausapin mo sya kasama ang ama ng bata" advice ko sa kanya.

"Sigurado ka ba jan ate jess? Yan din kasi sinasabi sakin ni ison, pero ayoko naman saluhin nya ang galit ni tita ma" sagot nya habang nag huhugas ng plato sa resto bar.

"Aba oo naman., alam mo kung meron dapat kumausap kay madam. Sya yun, kailangan nya din maging pormal at bigay respeto kay madam." Payo ko sakanya.

Agad naman tinawagan ni Heart si Ison.

"Pupunta daw sila mamayang gabi ate" balita nya sakin.

"Mamaya agad?" Tanong ko, sa pag ka bigla

"Oo ate, last week pa nga un pumilit ng pumilit. Sinasabi ko lang na pag pumunta sya dito hindi nya na ako makikita. Kaya natatakot sya."

Medyo childish talaga si Heart, may mga desisyon sya na pabugso bugso lang.

"Ate please tulungan mo ako kausapin si tita ma."

Mabuti nalang talaga at madali kong nakumbinisi si Madam na harapin sila heart mamaya kaya naman nag asikaso agad kami ni heart. Mabuti na lanag din at mabait si Madam, pina sara nya muna ang Resto grill para maka pag handa kami sa pag dating ni Ison.

Halos ramdam ko ang kaba sa bawat oras na dumadaan. Paano ba naman ay paulit ulit kasi si Heart na sana maging okay lahat at na tataranta pa. Kaya naman paulit ulit kong syang sinesermunan dahil pati ako ay kinakabahan. Na agad nyang itinatawa ng malakas.

"Salamat ate. Kung wala ka pano nalang ako" malambing nyang sinabi habang inaayos namin ang Dinning table

"Hay naku mga iiyakan pa ba tayo dito. Isave mo na yan para mamaya" biro ko sakanya.

Ilang minuto lang nang matapos namin ang pag seset up ay nag ring ang cellphone ni heart at sumenyas na anjan na daw sila.

Lumabasa sya para sunduin ang mga bisita habang ako naman ay tinawag si Madam.

Playful KissWhere stories live. Discover now