Nakatingin ako sa kisame habang hawak-hawak ang letter na galing sa prestihiyosong paaralan ng Sahnten High. Hindi padin ako makapaniwala na isa ako sa tatlong scholar na natanggap sa paaralang tanyag sa aming bayan.Bawat taon kasi ay nagkakaroon ng scholarship exam ang Sahnten upang kumuha ng tatlong mapalad na iskolar. Isa din kasi ito sa magiging asset ng paaralan pag nagkataon. Itinaas ko muli sa ere ang sulat na natanggap ko at binasa. Pangatlong ulit ko nang basa ito pero hindi padin ako makapaniwala.
Ms. Xylie Bernal:
We are glad to announce that you are one of the three persons that passed the scholarship exam of Sanhten High that was held last April 20, 2017. Concerning this matter, we would like to invite you to come at the school's administration building this April 25,2017 for qualifications and scholarship confirmation.
-Sahnten High
Nagpagulong-gulong ako sa kama at tinupi ang letter na kakatapos ko lang basahin. Hanggang ngayon hindi ko lubos maisip na ang paaralang pinangarap ko lang na pasukan noon ay abot-kamay ko na. Naka-apat na ulit din ako bago ako matanggap, ngayon magsesenior high school na ako at sana maging maayos ang takbo ng pag-aaral ko doon.
"Huy Xylei ano pang tinutunganga mo diyan sa loob! Aba! Hindi kita pinapatira dito para lang matulog at mag paka señorita!" Napabalikwas ako sa kama ng marinig ko ang napakaingay na bunganga ni Auntie. Bata pa lang kasi ako inabanduna na ako ng mga magulang ko ewan ko ba kung bakit pero malakas ang kutob ko na nagkahiwalay sila kaya nila ako iniwan kay Auntie.
"Andiyan na Auntie!" Pabalik kong sigaw sa kanya. Itinali ko muna ang wavy kong buhok saka inayos ko ang mukha ko bago ko sinuot ang damit na uniform namin sa restaurant.
"Aba't ang dami ng costumer dito ang tagal mo pang bumaba!" Pagmamaktol ni Auntie ng tinabihan ko siya sa counter. Malaki kasi ang restaurant nitong si Auntie saka malaki ang kita nito araw-araw pero ni minsan hindi niya inisip na paaralin ako sa magandang paaralan ang mahalaga daw nakakapag-aral ako.
"Sorry Auntie," yumuko ako sa takot na maharap si Auntie na sigurado akong umuusok na ang ilong sa inis.
"O siya sige! Asikasuhin mo yung nasa table 8 kararating lang nila saka bago sila dito kaya umayos ka," tinulak niya ako ng bahagya kaya agad kong kinuha ang menu at dumiretso na sa table 8. Naabutan ko doon ang dalawang lalaki na nagtatawanan maliban sa isang mukhang seryuso, parang kaedad ko lang sila pero kita sa pananamit nila ang pagiging marangya.
"Ah sir here's our menu," inabot ko ang tatlong menu sa kanila. Kinuha naman agad nung dalawang lalaki pero yung isa nakangisi lang at nakatingin sa akin kaya nailang ako bigla.
"Pwedeng bang ikaw na lang miss?" He smirked. Mukhang babaero ang isang to ah? Bago pa ako makapagsalita ay siniko na siya ng isa.
"What the fck Vonn? Pati ba naman mga inosenteng babae di mo palalampasin?" Natawa siya pero binatukan lang siya ng may pangalang Vonn.
"Give us your specialty here." Pinatong ng mukhang seryuso ang menu sa mesa. Tiningnan ko siyang nakacross-arms lang, unang tingin mo palang sa kanya masasabi mo nang maganda ang hubog ng kanyang pangangatawan nasa 5'11 to 6ft naman ang tnagkad niya. Ang mga pilikmata niya ay mas maganda pa ata saakin. Binasa niya ang baba ng kanyang manipis na labi gamit ang kanyang bibig na siyang nagpagalaw ng kaunti sa kanyang matangos na ilong. Ang mga mata naman niya ay madilim at halos walang makikitang emosyon, ang medyo mahabng buhok naman niya na kulay itim ay nakabagsak sa kanyang noo. Bakit ko ba siya pinapakealaman? Hayys ang misteryoso niya kasing tingnan. Madali akong magkacrush kaya simula ngayon crush ko na siya. Nakatingin siya sa dalawang nasa harap niya na nagkukulitan.
BINABASA MO ANG
He Found Me
Teen FictionHindi lahat ng bagay kaya mong hawakan hanggang sa huli. Hindi lahat ng sakit ay kayang mong tiisin hanggang sa dulo. Kasi kahit ang ibon ay napapagod rin sa paglipad, kahit ang paghinga ay natatapos sa ating huling sandali at kahit ang isang sundal...