Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakadikit sa kinatatayuan ko ang alam ko lang sa ngayon ay parang ang hirap huminga habang pinapanood ko siyang niyayakap si Celestine. Ano bang karapatan ko para masaktan?Pinanood ko kung paano niya pigilan si Celestine na umalis pero sa huli ay may sinabi siyang nagpabitaw kay Ziore. Hindi ko alam kung ano yun pero kita sa mukha ni Ziore na nahihirapan siya.
I started walking towards him, hindi ko alam kung anong mas masakit eh. Ang makitang ang taong hinahangaan mo ay nasasaktan o ang makitang ang taong hinahangaan mo ay nasasaktan dahil sa iba at hindi dahil sakin. I never did this thing before to a man but I don't know why I hold his shoulders na siya namang nagpaharap sa kanya sakin.
"Let's go?" I tried to fake a smile habang sinasabi ko yun. Tiningnan niya lang ako gamit ang expressionless niyang mata saka siya naunang maglakad. I guess hindi ako dapat makisali sa gulo nila.
"Doon na muna ako sa school supplies na corner tapos gumala ka na lang muna kung saan mo gusto," nasa loob na kami ng Sahnten Mall at ngayon ay may hawak na akong cart habang tinitingnan ko siyang nakapamulsa lang at hinahawakan ang end ng cart na hawak ko.
Sinimulan ko nang itulak ang cart pero natigilan ako ng hinila niya ito sa kabilang side.
"School supplies are this way ," he muttered saka niya inagaw ang cart at itinulak papunta dun sa side na sinabi niya. Sumunod akong nakanguso at nakatingin ng masama sa kanya.
"Sabi ko naman ako na lang dito! Itetext na lang kita mamaya pag kailangan na ng boys para sa Cart-carrying." Reklamo ko habang tinitingnan ang likod niyang gumagalaw kasabay ng mga yapak niya.
As expected wala na naman akong nakuhang sagot mula sa kanya. Ano pa nga ba ang dapat isipin? Edi siyempre mapapanis na naman ang laway ko dahil sa katahimikan. Mas mabuti pang kausapin ko ang sarili ko nito eh.
Nagsimula na akong kumuha ng notebooks at papel na kakailanganin ko sa school pero may problema eh, pandak ako at hindi ko maabot yung yellow pad na nasa pinakamataas na part ng shelf. Kalokohan ito, ano bang akala nila lahat ng college students tatangkad ng sobra? Demn.
"You won't need that," lumingon ako sa nagsalita kong kasama saka ko siya inirapan. Eh isa to sa mga supplies na nasa list eh, sinong niloko niya? Naku! Kung hindi ko lang siya nakitang apektado sa girlfriend niya kanina, baka kanina ko pa siya inaway ng inaway.
"Aray!ano ba yan? Ba't ayaw mong magpaabot!" Siusubukan ko pa ding abutin yung yellow pad. Ano ba? Wala bang balak tong si Ziore na tulungan ako?
Then a good idea came up into my mind. Hindi naman siguro nila makikita kong aapakan ko yung nasa lowest part ng shelf. Ginawa ko nga ang pinlano ko and...
"Sa wakas! Nakuha din kita whoooaaahhh!!" Naout-balance ako kaya unti-unti akong natutumba. Wala bang sasalo sakin? Bago pa masagot ang tanong kong yun ay may malamig na braso ng humawak sa beywang ko at sinalo ako. Pero..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
.
Pero joke lang kasi nahulog talaga ako at walang sumalo. Ang saklap ng buhay kong to! Tiningnan ko yung kasama ko at hayun siya naglalakad na sa malayo habang tulak-tulak yung cart.Nakahawak ako sa pwet ko na ngayon ay dalawang beses ng bumagsak saka ako naglakad patungo sa kanya.
"huy anong akala mo sakin hah?" Naglalakad ako para mahabol ko siya. Tiningnan niya ako ng masama saka niya nilagay ang index finger niya sa baba niya.
"Birdhead?" He smirked at nagpatuloy sa paglalakad at ako namang nabigla sa sinagot niya, eto't naiwang duguan ang puso at utak. Bwisit! Sana talaga hindi na lang kami nagkakilala.
BINABASA MO ANG
He Found Me
Teen FictionHindi lahat ng bagay kaya mong hawakan hanggang sa huli. Hindi lahat ng sakit ay kayang mong tiisin hanggang sa dulo. Kasi kahit ang ibon ay napapagod rin sa paglipad, kahit ang paghinga ay natatapos sa ating huling sandali at kahit ang isang sundal...