Nandito siya! Nandito siya sa Sahnten at hindi man lang ako nag-expect. Sana nung unang kita ko pa lang sa kanya naisip ko na kaagad na sa Sahnten siya nag-aaral."Stupid nga siguro ako, urgh!" Sinabunutan ko ang sarili ko habang naglalakad ako patungong room 32. Sana naman hindi kabigla-bigla ang mga kasama ko dito ano?
"1-0-6-7-5," I said while typing the password.
Agad namang may nagclick kaya inikot ko ang doorknob na bumukas naman agad."Huy yung fries wag niyong ikalat sa sofa!"
"Huy Vonn yung babae mo tumatawag!"
Yan agad ang narinig ko pagpasok na pagpasok ko palang rito. And guess what? Napaganga ako ng makita ko dito si Vonn saka yung kasama niya doon sa restaurant namin. At kung ako ay napanganga sila namang 5 ay napaangat ng tingin sa akin at halatang nabigla rin sa biglang pagpasok ko.
"A! Uhrm I'm Heather Perez," naglahad ng kamay ang babaeng may hawak pa ng nakalat na fries. Siya siguro yung narinig kong nagagalit kanina.
"ah, ako naman si Xylie Bernal," tinanggap ko ang kamay niya at nakipagshake hands siya sakin. I heard her sigh kaya napatingin ako sa kanya.
"Sa wakas may kasama na akong babae rito! Naku! Last year guess what? Mukha na akong house maid naku naku! Thank you talaga at dumating ka!" Niyakap niya ako saka binitawan rin agad.
"Huy Heather ikaw lang ba ang magpapakilala? Ang sama mo naman?" Napalingon kami sa likod at nakita ko agad si Vonn na nakangisi.
"Enough with the formality, I'm Christopher Blue Guzman," siya yung kasama nina Vonn na friendly tingnan.
"I'm Vonn Dylan Perez, Heather's cousin." Kinindatan niya ako pero iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. Nakakailang talaga siyang tingnan pag gumaganyan siya.
"I'm Xander Flores," sabat naman ng isa na bago ko lang nakita. Naka eyeglasses siya pero hindi siya yung masasabi mong nerd talaga kasi ang ganda niya pumorma at ang lakas ng appeal. Crush ko na din ang isang to
"And I'm Ian Clyde Yu," saad naman ng chinitong may hawak na cell phone na kanina pa inaagaw ni Vonn. Siya siguro yung sumigaw na nagtext yung babae ni Vonn kanina.
"Look here Xylie," Heather caught my attention kaya automatic akong napaharap sa kanya.
"Those two," sabay turo niya kay Christopher at Vonn. " were not really our roommates, but they're always here to mess things up and ruin my mood. For short mga tambay lang sila dito!" Inirapan niya ang dalawa pero tumawa lang sila at bumelat kay Heather.
"So? Apat lang tayo? Akala ko ba lima tayo dito?" I curiously asked. Nginitian naman ako ni Heather.
"Wala dito ang pipi nating kasama kaya apat lang tayo. Pero baka mamaya bumalik din siya, but I guess hindi padin siya magsasalita kaya hayaan mo na lang!" Inakbayan niya ako saka hinila papunta sa kwarto kaya naiwan ang apat sa sala.
"That will be your bed," tinuro niya ang isang kama na may katabing bakanteng study table "and this is mine." Umupo siya sa isang kama at tiningnan ako.
"Oh! And don't leave your things unattended kasi minsan dito natutulog ang boys pag nagmomovie marathon kami. Kaya itago mong mabuti yang mga underwear mo kung ayaw mong ma salisi gang ng mga manyak na yun!" Nag-irap siya ulit kaya tumawa na lang ako at naupo na doon sa kama kaharap niya.
Ang ganda ng lugar na to, at ang ganda rin ni Heather. Hindi rin siya yung tipo ng taong judgemental at masama halata sa kanya ang pagiging simple pero sa tingin ko mahilig din siya sa fashion dahil sa uri ng kanyang pananamit.
BINABASA MO ANG
He Found Me
Teen FictionHindi lahat ng bagay kaya mong hawakan hanggang sa huli. Hindi lahat ng sakit ay kayang mong tiisin hanggang sa dulo. Kasi kahit ang ibon ay napapagod rin sa paglipad, kahit ang paghinga ay natatapos sa ating huling sandali at kahit ang isang sundal...