Pagkatapos niyang isarado ng malaks ang pinto ay nawalan na ako ng ganang mahiga at matulog kaya bumangon na lang ako at lumabas ng kwarto. Ang tahi-tahimik talaga ng unit namin pag wala sina Vonn at Blue tapos dagdag pa sa katahimikan ang lalaking nakaupo sa sofa habang nagbabsa at kumakain ng chips.Imbes na kausapin siya na alam ko namang hindi siya sasagot ay naupo din ako sa sofa pero malaayo sa kanya ang distansya. Pinaandar ko ang t.v at nilipat sa anime channel.
"Waaahh! Ang galing ni Ichigo!" I shouted habang umaarte eing may hawak na espada. Kahit kailang talaga ang hot at astig ni Ichigo. Tuloy lang ako sa panonood hanggang sa lumabas ang ultimate crush kong si...
"Waaahhh! BYAKUYA!" Tumayo ako saka niyugyog ang kung ano man ang mahawakan ko. Saka ako tumili at tumalon-talon. Sige ako na ang sobrang hyper.
Natigil lang ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang malamig niyang boses.
"The heck?" Napatingin ako sa kanya at automatic kong nabitawan ang braso niyang hawak-hawak ko pala kanina at niyuyogyog."Stupid," he added ng makaupo ulit ako sa sofa. Tiningnan ko siya ng masama pero hindi man lang siya nag glance sakin. Alam ko namang kasalanan ko pero hindi naman po ako stupid kaya bakit paulit-ulit niyang sinasabi yun?
Imbes na ipagpatuloy ang panonood sa Bleach na paborito ko ay pinatay ko na lang ang t.v saka dumiretso sa kitchen. Alam kong magluto pero prito lang saka malapit na ding magtanghali kaya dapat may makain kami nitong engot kong kasama na walang ng ginawa kundi ang magbasa ng magbasa.
"Ano kayang pwedeng prituhin dito?" I asked myself ng binuksan ko ang punong ref namin. Ewan ko kung saan sila kumukuha ng ingredients pero parang ang saya namang mag-aral maglto kapag may ganito kadaming laman ang ref mo.
Napagdesisyunan kong magluto ng bacon at hotdog kahit tanghalian kasi wala akong ibang alam na lutuin. Pagkatapos kong magluto ay kumuha na ako ng kanin sa rice cooker saka umupo nasa dining table. Isusubo ko na sana ang isang kutsarang may kanin at ulam pero may nahagip ang paningin ko.
"Ano namang paki ko kung hind siya kumain?" Pagtataray ko. Isusubo ko na sana ulit pero itong konsensya ko ayaw-paawat. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at susubo na pero napatingin ulit ako sa kanya.
"Aish!" I muttered saka ko nilapag ang kutsara't tinidor saka dumiretso sa kanya.
Nagbabasa pa din siya at parang walang balak luminon kahit alam kong kita niya ako sa pheripheral vision niya."Ah-- anu--ah," naagaw ko naman ang atensiyon niya dahil napharap siya sakin habaang suot ang parati niyang nakakunot na noo.
"What?" Halata sa mukha niya ang pagkairita pero isinantabi ko yun at nerbyos na ngumiti sa kanya.
"Ano kasi--"
"I don't do flats," he muttered saka niya ibinalik ang atensiyon sa librong hawak niya. Eh? Ano daw? I don't do flats? Parang nabiyak ang mundo ko sa narinig ko. Hindi daw siya ano? Flat? Sino ako? Alam ko namang hindi na yun tungkol sa pagkain pero--pero ang sabihan kang flat?
Napatingin agad ako sa hinaharap ko at bumuntong-hininga. Akala ko talaga sobrang liit ng hinaharap ko pero flat? Hindi ko matatanggap yun bwosot siya ang sama-sama niya sana madapa siya at pumangit ng sobra.
Padabog akong bumalik sa mesa at tiningnan siyang nakaupo pa din sa sofa. Parang an sarap niya lang batuhon ng pinggang may tae eh.
"Kung ayaw mong kumain edi wag!" I shouted para marinig niya ng klaro pero as expected wala siyang reaksiyon. Ah ganun ha? Mamatay ka jan sa gutom tutal naman ang sama ng ugali mo.
Wala akong ginawa buong araw at kung merong mang napanis yun yung laway ko wala man lang akong makausap dito. At yung kasama ko namang yan buog araw nagbasa lang di ko nga alam kung nagtanghalian yan o hindi eh pero hindi naman halata sa mukha niya yung pagiging gutom.
BINABASA MO ANG
He Found Me
Teen FictionHindi lahat ng bagay kaya mong hawakan hanggang sa huli. Hindi lahat ng sakit ay kayang mong tiisin hanggang sa dulo. Kasi kahit ang ibon ay napapagod rin sa paglipad, kahit ang paghinga ay natatapos sa ating huling sandali at kahit ang isang sundal...