Chapter 5: Celestine

1 0 0
                                    


Pagkatapos naming tumambay ni Xander ay napagdesisyunan naming umuwi na dahil malapit ng mag 8 pm at ayaw niyang nagagabihan daw ang isang babaeng tulad ko sa daan.

"hey, let's eat first at the Flory's café." Hinila na niya ako papasok ng café kaya wala na akong nagawa. Umorder siya ng steak at wine kay hinayaan ko na lang siya habang nagsasalita sa waiter.

Napatingin ako sa kabuuan ng café at halatang mahal pero hindi na ako nag-atubiling magsabi kay Xander dahil alam kong mananalo din naman siya sa usapan.

Medyo masama pa nga ang loob ko dahil sa narinig ko tungkol kay Celestine na girlfriend ni Potterhead pero isinantabi ko na lang muna. Siguro mas mabuting si Xander na lang mag-isa ang maging crush ko tutal naman mas gentleman siya at mabait.

"So tell me, magiging ok ka lang ba bukas?" Tinutukoy niya siguro yung free-shop bukas na mangyayari kasama si Ziore.

"Sa tingin ko naman magiging ok lang ako, hindi naman siya nangangagat diba?" Tumawa ako ng mahina pero hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. Ewan ko ba pero itong si Xander feeling ko mahalaga ako sa kanya. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yung mga bagay na yun.

"Just tell me to come with you and I'll go. Baka kasi hindi mo maenjoy ang free-shop mo pag nagkataon," nakaplaster sa mukha niya ang pagiging concern kaya uminit bigla ang mukha ko ng wala sa oras.

"Ok lang naman siguro siyang kasama saka ano ka ba, dapat mag-ayos ka na ng gamit mo kasi siyempre diba? Monday na yung simula ng klase kaya dapat prepared ka!" Kinuha naman niya ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko at hinarap niya ako ng may disappointment sa mukha.

"I guess you don't want me to accompany you," pinagsalikop niya ang mga palad niya at tipid na ngumiti. Nagpasalamat lang ako kasi dumating agad ang order namin kaya naagaw ng masarap na steak ang atensiyon niya. Dahil kung hindi, hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa unit upang magpahinga.

"Xylie!!!" Sigaw ni Heather ng makapasok ako sa unit at agad niyang isinabit ang kamay niya sa braso ko. Isa pa tong babaeng to ang hyper masyado ewan ko kung anong vitamins yang ginagamit niya. Napatingin ako sa loob ng unit at nahagip agad ng mata ko ang sobrang daming damit at school supplies na nasa dalawang cart malapit sa sofa.

"Hey Xylie, look at that! lahat niyan kay Heather," Clyde pouted saka niya ginulo ang buhok ni Heather. Wow! Grabe naman kung makashop tong si Heather, pero sabagay libre kasi eh kaya kuha lang ng kuha.

"Uy Xylie yung mountain bike niyo ni Xander andun sa underground parking lot, hindi na ako kumuha ng iba. 7 na bike lang yung kinuha ko para sating lahat," napanganga naman ako sa sinabi ni Vonn. Free-shop yun eh tapos puro bike lang kinuha niya saka hindi lang para sa kanya kundi para sa lahat.

"Thank you!" I muttered. Bigla namang lumapit sakin ang nakapout na si Blue saka niya nilahad ang nakasarado niyang kamay.

"What?" I asked him. Seryuso lang kasi siyang nakatingin sakin habang nakalahad ang kamay niya.

"Give me your hand," he commanded kaya sinunod ko siya and the next thing I knew may hawak na akong keychain na strawberry. Ang cute! Singlaki lang siya ng hinlalaki ko saka simpleng-simple lang yung design. Ikakabit ko to sa bag ko pag nagsimula na yung pasukan.

"Thank you Blue!" I shouted saka ko siya niyakap pero tinulak niya agad ako.
"Get off! You're heavy!" He replied saka siya padabog na tumungo sa sofa upang tabihan si Potterhead na tutok naman ang atensiyon sa t.v.

Natawa lang ako sa reaksiyon ni Blue at ganun din ang ginawa nilang 4 na nasa tabi ko. Sa lahat kasi dito si Blue yung pinakaisip-bata, si Vonn yung may pagkachickboy, si Heather may pagkaamazona, si Xander naman ay Gentleman, si Clyde playful at si Ziore? No comment. Ayokong magkatopic tungkol sa kanya kasi naiirita lang ako.

He Found MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon