Chapter 1: Stupid

4 0 0
                                    


Labis na pagkamangha ang naramdaman ko ng makapasok na kami. Ito ang Sahnten Village? I mean hindi talaga nagbibiro si Manong na may village pala talaaga dito bago ang school mismo?

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at marami agad akong billboard na nakita yung iba nagtataglay ng mga sikat na brand at yung iba naman ay mga restaurant. May mga salon din at boutique sa paligid hindi tulad sa palengke na marami ang sumisigaw na tindera, dito puro nakaair-conize ang lahat ng establishments at halatang mahal.

Para akong naglaalaakad sa loob ng isang mall kaso nga lang dito parang daanan lang ito na kalsada sa gilid ang mga pwedeng puntahan. Marami ring mga kaedad ko at mas bata sa akin ang naglalabas-pasok sa mga salon at iba pa.

"Naķ ineng yan pa lang ang nakita mo namangha kana agad? Ang ganda dito pag gabi saka may mga club in kaso weekend lang sila open saka dapat paghirapan mo yung pera mo." Napaharap naman agad ako kay Manong.

"Ano? Magtatrabaho kami? Working student?" Paano yung pag-aaral ko pag ganum? Akala ko naman lahat dito libre, naku ano na lang ang sasabihin ni Auntie pag nagkataon.

"Hindi ineng! Ah basta, halika na nga pumunta na tayo sa final gate!" Hinila na niya ako kaya hinayaan ko na lang siya. Hindi ko na nga tinitingnan ang inaapakan ko eh sa paligid lang ako nakatingin habang panay ang ngiti at pagkamangha. May lugar pala talagang tulad nito na nag-eexist?

Pagkatapos ng ilang minuto naming paglalakad ay nakarating na kami sa pangatlong gate, katulad ito sa unang gate na grills lamang hindi tulad sa pangalawang gate na masyadong intact kaya kita ang loob ng school.

Iniscan ulit ng scanner ang hawak na I.D ni Manong rason para bumukas ang gate ng kusa. Malalaking building agad na may mga sliding window at air-con ang nakita ko.

Maraming naglalakad na mga estudyante sa paligid. Yung iba may mga hawak na papel at parang may hinahanap, yung iba naman magakakagrupo at nagtatawanan lang sa mga benches.

"Ineng halika na pumunta na tayo sa Administration building ng Sahnten high," nagpahila ulit ako kay Manong. Masyadong nakadikit ang atensyon ko sa mga tulad konf estudyante at mga buildings na nasa school.

Sa tingin ko nagkatotoo na nga talaga ang panaginip ko. Eto ang pinangarap ko noon pa man, at ngayong nasa harap ko na mukhang nasa panaginip padin ako. At kung totoong panaginip nga ito, AYOKO NG MAGISING!

"Ineng hanggang dito na lang ako. Dumiretso ka lang diyan sa hallway na yan, makikita mo na ang officer-in-charge na para sa mga scholars," tinanguan ko na si Manong saka siya umalis. Dumiretso naman ako sa hallway tulad ng sinabi niya at hindi nga siya nagkamali. May nakapaskil sa dingding na nagsasabing "scholars over here ------>"

Pumasok ako doon at may nakita akong magandang babae, well medyo may edad na siya pero mukhang alagang-alaga pa din ang kutis at hubog ng katawan niya. Mukha din siyang mayaman.

"Good morning. Are you the scholar?" She asked in a formal tone. Napatulala ako pero nakabawi naman ako agad saka ko siya tinanguan at nginitian.

"Yes Ma'am, I'm Xylie Bernal," nilahad ko ang kamay ko sa kanya. Nginitian naman niya ako pabalik saka niya inabot ang kamay ko.
"I'm Victoria Miguel, I'm in -charge of the scholars." Binitawan niya ang kamay ko saka niya tinuro ang upuan sa harap niya na nagsasabing umupo ako.

"Let's start with the rules here,
Rule #1: All scholars should maintain their grades not lower than 87. (Grades not average)
Rule #2: Going to clubs during weekdays is strictly prohibited.
Rule #3: Relationships isn't prohibited
Rule #4: Bullying would not be tolerated.
Rule #5: No students should be seen in the village after the curfew (curfew is 12 am)
Rule #6: smoking and drinking liqours is prohibited during weekdays

He Found MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon