Chapter 3: Schedule

1 0 0
                                    


Hinayaan na lang namin si Ziore at nagpatuloy sila sa ritual. Pero habang ginagawa nila yun masyado akong nabothered,  ewan ko ba parang naiisip ko kasi baka maturn off siya sakin. Dahil sa lalim ng iniisip ko hindi ko tuloy namalayan na tinulungan na ako ni Blue na makaalis sa tub pero sobrang basa  ko na dahil dun.

"WELCOME SA FAMILY, XYLIE!" They all shouted saka kami nag group hug. Ang babango nilang lahat at hindi man lang sila nag-alalang baka mabasa sila dahil sakin.

Paglabas namin ng bathroom nagpaalam ang apat na boys na magbibihis muna. Naguilty tuloy ako kasi ako yung dahilan kung bakit sila nabasa. Bumalik naman ang atensiyon ko kay Heather na ngayon ay kumukuha ng damit sa closet niya.

"Here. Wear this," kinuha niya ang kulay pink na dress at underwear sa drawer niya saka niya inabot sa akin. Kinuha ko naman agad at nagpasalamat saka ako dumiretso sa bathroom para magbihis.

Tiningnan ko ang time sa cell phone ko habang nagbibihis si Heather sa bathroom at 4 pm na pala. Di ko agad namalayan ang oras dahil nag-enjoy kami ng sobra sa mga nangyari. Nauna na akong lumabas sa kwarto saka ko kinuha ang sling bag ko sa mesa.

"Aalis kana?" Xander asked habang nagsasalin ng tubig sa baso. Pinanood ko siyang inumin yun kaya ibinaba niya ang baso at hinarap ako.

"Oo, kailangan ko pang ipa sign kay Auntie tong requirement na kailangan eh?" Nginitian niya ako pero nabigla ako ng may umakbay sakin mula sa likuran.

"Huy Xylie pag umalis ka bumalik ka agad hah? Excited na kaming makasama ka dito! Ayoko namang lumabas ng village at umuwi kasi ang ingay ng bunganga ni Mommy," Clyde chuckled at ginulo niya ang buhok ko saka siya uminom sa basong ininuman ni Xander.

Natawa lang ako sa kanila at tumango. Inayos ko ng mabuti ang damit ko saka ko na isinuot ang sling bag ko. Tiningnan ko silang dalawa na panay ang tingin sa akin. Anong problema nila?

"Ah mauuna na ako kita tayo next time," I waved at them pero bigla namang lumabas si Heather sa kwarto at niyakap ako.

"Next week not next time Xylie, wag kang magtagal dun sa bahay niyo." Nagpout siya kaya niyakap ko siya pabalik.

"Oo babalik ako agad para hindi mo ako mamiss ng sobra," kumalas na siya sa pagyakap sa akin at sinamahan papunta sa pinto. I waved at them and they waved back.

Kahit naman hindi nila ako sabihan na bumalik agad babalik din naman agad ako eh. Ang saya nilang kasama, lahat ng insecurities ko nakakalimutan ko pag nag-uumpisa na silang mangtrip. Pero teka? Si Ziore? Bakit siya nandun sa bathroom kanina? Posible kayang siya yung pang limang kasama namin sa unit?

Tiningnan ko ulit ang pinto ng unit namin at hindi ko siguro napansin kanina nung pumasok ako na may pangalan ng estudyante ang nakalagay sa pinto.

Bernal, Xylie
Flores, Xander
Lopez, Ziore Miguel
Perez, Heather
Yu, Ian Clyde

Ibig sabihin magkasama kami sa iisang unit buong school year? Naku! Hindi ito pwede! Paano na lang kung hindi niya magustuhan ang ugali ko. Nahihirapan na nga akong itago yung feelings ko kay Xander tapos andiyan pa siya. Pesteng tadhana naman to oh? Buti na lang talaga hindi ako naalala ni Vonn at Blue nung magkita kami. Ibig sabihin hindi rin ako maaalala ni Ziore.

Nakatulala pa din ako sa mga pangalan namin ng biglang bumukas ang pintuan ng unit. At iniluwa lang naman nito ang taong natatakot akong makita.

Masama ang tingin niya sa akin at nakakunot ang noo niya. Ano na namang kasalanan ko ngayon? Nakatingin lang naman ako sa mga pangalan ah? Kasalanan bang tumitig sa kanya ng matagal?

"You're blocking the way, birdhead!" Agad naman akong tumabi. Mabilis lang ang pagkakamove ko sa tabi kaya naman nadulas ako at natumba sa sahig.

"Aray!" I shouted. Nakatalikod na siya at tuloy pa din ang paglalakad habang ako naman pinagnanasaan ang sexy niyang likod na wala namang ginagawa.

He Found MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon