Chapter 8: Accident

2 0 0
                                    


She left me
She left me
She left me

"Aish! Ano ba yan!" I sighed in frustration dahil sa hindi ko man lang makalimutan yung sinabi ni Potterhead sakin dun sa rooftop. Tapos yung itsura pa niya nung sinabi niya yun parang sinakluban ng langit at lupa. Ano ba kasing pakialam ko kung ganun siya, bahala siya sa buhay niya!

Nasa kwarto na ako ngayon at nakatunganga sa kisame habang nakikinig sa hilik ni Heather na hindi tulad ko ay malalim na ang tulog.

Hindi ko na kinaya ang sobrang pag-iisip kaya bumangon ako at dumiretso sa balcony.

"You can't sleep?"

"Ay palaka!" Napasigaw ako ng marinig ko ang malamig na boses ni Ziore. Kitang-kita ko ang mukha niya dahil sa maliwanag na ilaw sa loob ng sala ng unit namin.

"frog?where? " Hindi na siguro siya lasing dahil straight na siyang mag-english at bumabalik na naman sa panunuya ang boses niya.

"In your face! Akala ko ba lasing ka asan na yung wrong gram-"

"Keep your mouth shut about what I said awhile ago," aba't 10 words yung sinabi niyang yun ah? For the record nakapagsalita siya ng 10 salita sa 5 seconds lang.

Tiningnan ko siya at nakitang seryuso siyang naghihintay sa isasagot ko tulad na lang nang pagtingin ni Kim sakin nung seryuso siya. It's creeping me out.

"As if naman interesado ak--"

"Stop! And go to sleep!" He told me saka nauna siyang pumasok sa loob.

"Stop and go to sleep!" Nagqoute pa ako sa hangin at ginaya ang maautoridad niyang boses. Sino ba siya pare diktahan ako eh sa hamak na broken hearted lang naman yung engot na yun kaya tinatamad akong pumatol eh.

Pero dahil nga isa akong tao na mabilis mabored ay pumasok na ako sa loob at isinara ang balcony. Tiningnan ko pa ang sala kung andyan pa si Potterhead at wala na siya dun kaya coast clear!

"Xylie gising ka pa?" Napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Heather sa kitchen. Ano ba naman ang mga tao ngayon ang hilig-hilig manggulat buti na lang at wala akong sakit sa puso.

Nilingon ko si Heather at nakitang nagsasalin siya ng malamig na tubig sa basong hawak niya.

"Hindi kasi ako makatulog?" Nakita kong sinulyapan niya ang cell phone na nasa mesa at umismid.

"It's already 1 am Xylie around 11:30 ata tayo natapos uminom tapos gising kapa? Aswang ka ba?" Nilagok niya ang tubig na nasa baso saka niya ako tiningnan ng masama.

"You better sleep, magbabiking pa tayo bukas," nilapag niya ang basong hawak niya sa mesa saka niya ako hinila papasok ng kwarto. Kaya wala na akong choice kundi ang sumama at manalangin na hindi na dagdagan ni Heather ang pagkainis niya sakin.

"Hayy, Good Morning Heather," I muttered ng nakahiga ako sa kama. She just groaned at tumalikod na siya sakin kaya napangiti ako at napatingin sa kisame. I think she still have her hangover kaya hindi ko na siya kinausap.

She left me

I closed my eyes and his voice was the last thing that I remembered before I fell asleep.

"Hey Flatty wake up!" Gumalaw ako ng kaunti dahil sa pagyugyog sakin ni Clyde pero nanatili akong nakapikit. I was so tired and I lack sleep kaya hindi ko siya sinagot. Kahit medyo naiinis ako sa pagtawag niya ng flatty sakin which is hindi naman totoo kasi normal lang yung hinaharap ko.

"Flatty! Ikaw na lang yung hinihintay namin!" He shouted kaya napabalikwas agad ako sa kama. Ano ba naman tong si Clyde kalalaking tao kung makasigaw parang chix lang eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He Found MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon