CHAPTER 1

189 10 4
                                    

TANYA

"Nand'yan na si Cris!"

"Kyaah! My ghash!"

"Tara na!"

Napabuntong hininga nalang ako sa mga naririnig kong tilian at sigawan. Tss, hindi naman sila papansinin n'yan e. Ako nga na ilang taon nang nagsisikap mapansin ni hindi nga ako tiningnan.

Halimbawa nalang ay nu'ng sinadya kong madapa sa harap nya, anong ginawa n'ya? Lumiko s'ya! Okey? Lumiko! Ni hindi nga ako tinulungan e!

Pangalawa, sinubukan ko s'yang banggain, kaso nung malapit na ako sa kanya bigla namang may humarang na mga babae, s'yempre sikat e. Alam mo 'yun? Ni hindi nga dumikit kahit kaunting balat ko sa makinis n'yang balat.

'Pakshet'

At marami pa akong kalokohang ginawa na lahat naman PALPAK!

Tinatanong n'yo kung sinong tinutukoy ko? Malamang si Cris! Si Crisostomo Rhein Ibarra. Wahahaha!

Sikat s'ya sa school dahil; magaling s'yang sumulat. Oo sumulat lang. Diba pati grade one marunong magsulat? Bakit hindi sila sikat? De joke lang. Sikat s'ya dahil sa mga sinusulat n'yang nakakabaliw. Literal na nakakabaliw. Maraming hiwaga, tanong, puzzles at marami pang iba ang kanyang mga istorya.

Idol ko s'ya-- hindi, mahal ko s'ya. Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Walang physical contact, walang pag-uusap, ni hindi nga n'ya alam na nag-eexist ako e! Kakaiyak lang.

Pero hindi ako p'wedeng sumuko lalo na't may nalaman akong napakahalagang bagay. Sisimulan ko na ulit ang oplan: i-tukhang si Cris! Ha? Ano? Erase erase! Oplan: Mapansin ako ni Cris kahit sulyap lang! Mwehehehe.

"Hindi ka mapansin ng crush mo? Aba'y 'wag kang mawalan ng pag-asa! Fighting bes! Aja!" Bulong ko sa sarili ko habang itinataas-taas pa ang mga kamay.

****

A/N: Emegesh! Ipu-push ko talaga 'to! Wahahaha!

Dedicated sa lahat ng may gusto kay Kuya AkoSiIbarra

P.S: Gawa-gawa ko lang 'yung buong pangalan ni Kuya Cris. Patawarin n'yo ako. Wahahaha!

~DEE ☺💋❤💪👏

PROJECT PARA KAY Cris IbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon