CRIS NG BUHAY NG LAHAT
Sandali s'yang napatulala sa'kin nang tanungin ko s'ya.
"Bakit mo s'ya hinahanap?" nagtatakang tanong nito.
"Kailangan ko pa bang sagutin ang tanong mo na 'yan?" Tinaasan ko s'ya ng bahagya ng kilay. Tumikhim s'ya bago magsalita.
"Hindi ko pwedeng sabihin." Kumunot ang noo ko.
"Why?" Iritadong tanong ko. Ang arte kasi. Tss.
"Dahil nangako ako sa kanya na hinding-hindi ko sasabihin sa isang Ibarra kung nasa'n siya at kung anong kalagayan nila ng pamilya niya."
"Anong ibig mong sabihing kalagayan nila? May masama bang nangyari sa kanila?" Sinenyasan ko ang mga babaeng pakawalan na si Kelly, sinunod naman nila ito tsaka nag-flying kiss sa'kin. Hindi ko nalang sila pinansin.
"Wala ka na dun!" Bigla nanaman s'yang tumakbo palayo sakin na ikina-buntong hininga ko. Tss.
**
Uwian na at nakita ko na naman si Kelly na papauwi na rin, tama, kung alam n'ya kung nasa'n si Tanya tiyak akong pupunta s'ya du'n ngayon para sabihin kung ano ang nangyari kanina.
Sinundan ko s'ya sa sa sakayan ng jeep, nakita kong sumakay s'ya ng taxi. Swerte na rin na may kasunod din itong isa pang taxi na walang sakay. 'Yun ang pinara ko tsaka ko inutusan ang driver na sundan ang taxi'ng sinakyan ni Kelly.
Ilang minuto rin ang nakalipas at nakarating kami sa isang private hospital. Sinong nandito? Hindi kaya nagkakamali lang ako at hindi talaga si Tanya ang pupuntahan n'ya ngayon?
Bumaba na rin akong taxi matapos kong magbayad. Sumakay ng elevator si Kelly, naghagdan ako. Habang umaakyat ako ng hagdan ay sinisilip ko din ang mga elevator para malaman ko kung sa anong floor s'ya bababa. Hindi ako p'wedeng mag-elevator dahil maaaring makita n'ya ako.
Nakita kong bumaba s'ya sa pang-12th floor. Kahit hinihingal ay pinagpatuloy ko lang ang pag-lakad at pagsunod sa kanya, tagaktak na ang pawis ko at pinagtitinginan na rin ako ng mga tao, marahil ay nagtataka sila kung bakit ako nag-hagdan gayun'g may elevator naman.
Pumasok s'ya sa isang VIP room, mukhang nandoon ang taong binibisita nya, hindi kaya magulang ni Tanya ang nandoon?
Lumapit ako sa pinto at kakatok na sana nang marinig koang usapan nila.
"Salamat naman at hindi mo sinabi kun'di kokonyatan kita." napangiti ako nang marinig ko ang boses n'ya.
"Kaya nga, natakot nga ako nung una kasi parang galit s'ya at pursigido talaga s'yang malaman kung nasa'n ka." rinig ko namang sabi ni Kelly.
"Talaga? Kinikilig naman ako! Ahihihi! Pero teka, anong ginawa mo?" Rinig kong pagtatanong ni Tanya.
"Edi tumakbo ako! Baka 'pag hindi ako makalayo agad, suntukin n'ya ako para lang mapaamin kung nasa'n ka." kumunot ang noo ko.
'Kailan pa ako nanuntok ng babae? Ganun na ba talaga ako kasungit? Psh'
"Ah basta! Buti nalang hindi mo sinabi dahil ayokong mag-alala s'ya at malaman n'ya na--" pumasok ako ng hindi kumakatok at walang pag-aalinlangan.
"Ayaw mong malaman ko na?" Pinangliitan ko s'ya ng mata pero nawala din 'yun agad nang makita kong namumutla s'ya at nakaratay lang ang buo n'yang katawan sa hospital bed.
Nanlalaki ang mga matang napatingin sila sa'king dalawa.
"P-paano ka nakapunta d-dito?" Tanong ni Kelly habang palipat-lipat ang tingin sa'kin at sa babaeng nasa tabi n'ya. Hindi ko s'ya pinansin, sa halip ay lumakad ako papalapit sa kanila at binanggit ang pangalan ng babaeng laging tambay sa isip ko na sa tingin ko ay nadulas na at tuluyan nang nahulog sa puso ko.
"Tanya"
****
A/N: Humayghad. T_T
~DEE ☺💋❤💪👏

BINABASA MO ANG
PROJECT PARA KAY Cris Ibarra
Hayran Kurgu"Hindi ka mapansin ng crush mo? Aba'y 'wag kang mawalan ng pag-asa! Fighting bes! Aja!" Tanya. Isang babaeng ubod ng kulit at gagawin ang lahat para mapansin s'ya ng oh-so-famous na si Cris Ibarra. ***** GENRE: FANFICTION