CHAPTER 4

45 7 18
                                    

TANYA

Maaga akong nagising para sa gagawin kong pakulo ngayong araw.

"Goodmorning Mudrakels! Goodmorning Pudrakels!" Bati ko sa mga magulang kong naghaharutan nanaman. Hayy, ganyan din kaya kami ni Cris kapag nagpakasal na kami? Ahihihi!

"Goodmorning din anak!" Sabay nilang sabi tsaka ako hinalikan sa pisngi. Sweet nila, sumakit tuloy yung ngipin ko, huhuhu.

Matapos kong lumamon (oo lumamon, kailangan ko kasi ng maraming energy ngayon) ay nag-asikaso na rin ako para sa pagpasok.

Imbis na dumiretso sa school ay pumunta ako sa subdivision nila Cris, syempre ano pa bang gagawin ko dito diba?

Pumunta ako sa bahay nila at naghintay sa labas ng ilang minuto. Hindi nagtagal ay lumabas na rin si Cris, mukhang nagulat pa nga s'ya na nasa harap ako ng bahay nila.

"Goodmorning Cris ng buhay ko! Sabay tayong pumasok ngayon ah?" masiglang sabi ko habang nakangiti, confident din akong wala akong tinga dahil nag-toothbrush ako bago ako umalis ng bahay.

"Tss" bahagya n'ya akong inirapan na nakadagdag lalo sa appeal n'ya. Potek! Pa'no nga ulit huminga?

'Inhale, exhale. Yan'

Buset, pilosopo yung isip ko. Huhuhu!

Nagsimula nang maglakad si Cris, todo sunod naman ako. Subukan ko kayang daldalin 'to? Ahihihi.

"Alam mo ba Cris? Matagal na talaga kitang gusto! Mahal na nga kita e! Kaso snobber ka, pero ayos lang 'yun sa'kin. Sana 'wag mo akong palayuin sa'yo ha? Ginagawa ko lang naman 'to dahil mahal kita, handa akong ibaba ang pride ko para lang sa'yo. Alam mo ba 'yung kantang--" napatahimik ako nang biglang putulin ni Cris ang sinasabi ko.

"Can you please shut up? You're annoying" inirapan n'ya nanaman ako dahilan para mapa-pout ako. Cute kaya ako 'pag naka-pout?

"Hehehe so--" tiningnan n'ya nanaman ako ng masama. Sumenyas ako ng izini-zip ang labi tsaka nag-peace sign.

Ang swerte ko ngayon dahil hindi n'ya pa ako pinapalayas. 'Yung iba kasi sinisigawan n'ya agad e. Good mood siguro s'ya ngayon.

Nakarating kami sa school at napansin ko agad na pana'y ang bulungan ng mga babae habang nakatingin ng masama sa'kin. Edi wow, dukutin ko mata n'yo e.

Inirapan ko nalang sila tsaka ako naglakad muli, lumapit pa ako ng bahagya kay Cris na mabagal na ngayong naglalakad. Sumabay ako sa paglakad n'ya papuntang classroom nila.

"Babay Cris ng buhay ko. Sabay tayong kumain mamaya ah? Susunduin kita dito. Kapag hindi mo ako hinintay, hindi ako kakain ng lunch!" Pahabol kong sigaw habang pumapasok s'ya sa classroom n'ya. Emegesh, para n'ya akong girlfriend na nagbabanta. Kinikilig tuloy ako. Ahihihi.

**

Nagmamadali akong lumabas ng classroom para mapunta ako agad  sa classroom nila Cris ng buhay ko. Madapa-dapa pa nga ako e, pero, kiber! Para sa ekonomiya! Choss.

Nang makarating ako sa room nila ay kulang pa siguro ang salitang nanlumo ako, dahil ang naabutan ko nalang doon ay ang mga bag at upuan nilang walang mga laman (Yung mga upuan lang nila yung walang laman okeh? Common sense bes). Sa kasawiang palad ...















'Seryoso ako, hindi talaga ako kakain ng lunch ngayon. Huhuhu'

****

A/N: Aww, kawawa naman ang aking bebe Tanya. Huhuhu!

~DEE ☺💋❤💪👏

PROJECT PARA KAY Cris IbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon