CHAPTER 6

35 6 3
                                    


TANYA

As usual, pinuntahan ko si Cris ng buhay ko sa bahay nila. Himala nga at hinintay n'ya ako, naabutan ko kasi s'yang nasa labas ng bahay nila habang nakasandal sa pader at naka-cross arms, ang gwapo n'ya emegesh.

"Goodmorning Cris ng buhay ko!" Masigla ko nang bati, busog na kasi ako. Siniringan n'ya lang ako tsaka tinanguan, umayos na rin s'ya ng tayo tsaka s'ya naunang lumakad.

"Buti hinintay mo ako Cris ng buhay ko! Sorry at ngayon lang din ako nakarating, kumain pa kasi ako ng marami para makabawi sa hindi ko pagkain ng lunch kahapon. Good mood ka ba ulit? Bakit mo ako hinintay?" Sinundot-sundot ko pa 'yung tagiliran n'ya. Napapatalon nga s'ya kapag nasusundot ko 'yung tagiliran n'ya e, may kiliti siguro ang Cris ng buhay ko. Ahihihi.

"Hinintay kita dahil baka may gawin ka nanamang kalokohan" Panandalian akong nahinto sa paglakad.

"Ibig sabihin nag-aalala ka sakin!?" Yiieh, kilig nanaman ako. Ahihihi. Sinundot-sundot ko ulit 'yung tagiliran n'ya dahil sa sobrang tuwa, tsaka diba nga? Kinikilig ako? Ahihihi.

"Stop that" banta n'ya tsaka hinawakan 'yung kamay kong sumusundot sa tagiliran n'ya. Napa-pout ako nang bitawan n'ya rin 'yun agad. Aww.

Napangisi ako nang palihim dahil may naisip akong plano. Inangat kong muli ang isa kong daliri at sinundot nanaman 'yung tagiliran n'ya, napatalon s'ya sa gulat at sa pagkakiliti.

"Hehe, hawakan mo ulit 'yung kamay ko Cris ng buhay ko, 'pag hindi mo hinawakan kikilitiin kita" hindi n'ya ako pinansin, dire-diretso lang s'ya sa pag-lakad, kaya ipinagpatuloy ko nalang ang pagsundot sa tagiliran n'ya.

"Dali na, hawakan mo na kasi 'yung kamay ko!" Sinundot ko ulit s'ya sa tagiliran, tiningnan n'ya ako nang masama tsaka ako hinawakan sa kamay. Ayiieh! Ang lambot ng kamay n'ya emegesh!

"Bakit ba ako napapasunod ng babaeng 'to?"

Narinig ko pang bumulong s'ya pero hindi ko na naintindihan dahil may dumaang kotse na kung bumusina 'kala mo naman mababangga lahat ng dumadaan, kupal lang?

Nang makarating kami sa school ay pinagtitinginan nanaman kami, s'yempre ikaw ba naman kasama ng isang Crisostomo Rhein Ibarra e, ang gwapo kaya ng Cris ng buhay ko. Ahihihi.

Nang malapit na kami sa classroom ni Cris ay tsaka ko lang napansin na magka-hawak pa rin kami ng kamay. Hayy, kinikilig ako. Pinisil-pisil ko pa 'yung kamay n'ya. Napatingin s'ya dito tsaka ako inirapan.

"Tss" siniringan n'ya ako tsaka binawi ang kamay n'ya, nasa tapat na pala kami ng classroom n'ya.

"Sabay tayo mag-lunch ha Cris ng buhay ko? I love you!" Pahabol kong sigaw tsaka naisipan na ring pumasok sa sariling classroom.

****

A/N: Grabe duma-moves si Tanya, kenekeleg eke! Harhar.

~DEE ☺💋❤💪👏

PROJECT PARA KAY Cris IbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon