TANYA
"Sure ka bang ayos ka lang?" Tanong nanaman ni Kelly, isa sa mga kaibigan ko. Bilang lang ang mga kaibigan ko dito, mga lima. 'Yun lang kasi 'yung bilang na alam kong walang gusto kay Cris ng buhay ko e'. O, di kaya hindi galit kay Cris. Mga echosero't echosera!
"Oo nga, kulet! Isa pang tanong mo kokonyatan na kita!" Pagbabanta ko sa kanya habang inaayos ko ang mga gamit ko. Uwian na at hanggang ngayon hindi pa rin ako kumakain. Baka kasi sabihin ni Cris ng buhay ko, na wala akong isang salita.
"Alam mo namang--" pinanlakihan ko s'ya ng mata. Lokang 'to spoiler!
"Lumapit ka nga dito" sinenyas ko pa yung hintuturo ko na parang tinatawag s'ya, sumunod naman ang bruha. Saktong paglapit n'ya ay kinonyatan ko s'ya. Buti nga.
"Araw!" Reklamo n'ya.
"Hoy Kelly! Nasa labas 'yung araw. Lumayas ka na nga! Shupi!" Pagtaboy ko sa kanya. Kahit ganu'n kami mag-usap, alam kong mahal namin ang isa't-isa. De joke, 'di ko s'ya mahal 'di aq bading, si Cris ng buhay ko lang yung mahal ko 'no. Psh.
Narinig ko na namang kumalam ang sikmura ko kaya napabuntong hininga ako. Kakain nalang muna ako ng meryenda sa canteen, tutal ang sabi ko lang naman kay Cris ay lunch lang ang hindi ko kakainin, so ibig sabihin p'wede akong mag-snacks diba? Diba?
Lalabas na sana ako ng classroom ng mapahawak ako sa pader, may kulangot. Joke!
'Ang kadiri ko sa part na 'yun ah? Yak'
Seryoso na, napahawak ako sa pader bilang pag-suporta sa katawan ko. Bigla kasing nanlabo ang paningin ko at nakaramdam ako ng hilo.
'Hindi kaya nakasinghot ako ng solvent kanina? Joke ulit.'
"Gutom na gutom na ako.." bulong ko. Nasa tapat na ako ng pintuan ng room kaya nakikita ko na ang mga estudyanteng papauwi na rin.
Nagulat nalang ako nang biglang may isang bulto ng tao na humarang sa harap ko. Kahit nanlalabo ang mga mata ko ay nakilala ko kung sino ito.
"Cris.." kasabay ng pagbulong ko ng pangalan n'ya ay tuluyan na akong bumagsak, hindi sa sahig, kun'di sa mga bisig n'ya.
Naramdaman kong binuhat n'ya ako ng bridal style, kikiligin na sana ako nang marinig kong nagsalita s'ya.
"Kulit talaga.." rinig kong sambit niya bago ako mawalan ng malay.
**
Nagising ako dahil hindi na ako tulog. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at napagtanto kong nasa bahay na ako. Paano ako napunta dito? Nag-teleport ako ganern?
Ah, oo nga pala nakita ako ni Cris bago ako himatayin, siguro s'ya ang nagdala sa'kin dito. Kilig naman ako. Ahihihi!
Tumingin ako sa wall clock na nasa tapat ng kama ko. Alas-singko na pala ng madaling araw. Inumaga na ako.
Bumangon na ako sa kama at nag-ayos na. Papasok ako ngayon, hindi p'wedeng hindi.
"Morning Mudrakels, Pudrakels.." matamlay kong bati.
"Goodmorning baby!" Hinalikan naman nila ako sa pisngi.
"Bakit ang tamlay mo 'nak?" Tanong ni Mudrakels habang pinapalamanan 'yung pandesal n'ya.
"Tinatanong pa po ba 'yan Mudra? S'yempre po gutom ang anak n'yo. Palamunin n'yo ako Ma, palamunin n'yo ako!" Mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Aba't lokong bata 'to, lumpo ka ba? Edi kumain ka. Bruhang 'to." natatawang sabi ni Mudrakels, ganyan lang talaga s'ya magsalita, medyo hard. Alam n'yo na kung saan ako nagmana? Haha.
"Sino nga po palang nag-hatid sa'kin dito kahapon?" Painosenteng tanong ko sabay kagat ng malaki sa pandesal na may itlog. Sarap, mainggit kayo!
"Ah, 'yung poging binata. Nakita n'ya daw 'yung address natin sa I.D mo" ohh, basta pogi si Cris ng buhay ko na 'yun! Hahaha! Kinikilig ako! Ahihihi.
"Oh? Problema mo? Bakit mukhang nasisiraan ka ng t'yan d'yan?" Tanong ni Pudrakels. Luh, buti binigyan s'ya ng linya ni otor. Mwehehe.
"Pudrakels, last mo na 'yan" mukhang naguluhan naman s'ya sa sinabi ko pero kiber! Wapakels na. Kailangan ko nang puntahan si Cris ng buhay ko. Ahihihi.
******
A/N: Hello kuya Cris ng buhay naming lahat, binabasa mo na po ba 'to?
~DEE ☺💋❤💪👏

BINABASA MO ANG
PROJECT PARA KAY Cris Ibarra
Fanfiction"Hindi ka mapansin ng crush mo? Aba'y 'wag kang mawalan ng pag-asa! Fighting bes! Aja!" Tanya. Isang babaeng ubod ng kulit at gagawin ang lahat para mapansin s'ya ng oh-so-famous na si Cris Ibarra. ***** GENRE: FANFICTION