CRIS NG BUHAY NG LAHAT
Isang araw, nakakilala ako ng babaeng sobrang kulit, kaya n'yang gawin ang lahat mapansin ko lang, in short persistent s'ya masyado at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan. Kulang na nga lang ipaalam n'ya sa buong mundo na mahal n'ya ako. Ilang linggo ko pa lang s'yang nakakasama pero nasanay na akong nasa tabi ko s'ya.
Palihim akong napangiti habang sinusulat ang pangalan n'ya sa likod ng notebook ko. Tanya. Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa at nag-eenjoy ako sa t'wing isusulat ko ang pangalan n'ya, nakakaramdam ako ng kakaiba.
Lumipas ang tatlong linggo at patuloy pa rin n'yang ginagawa ang mga bagay-bagay, tulad ng pag-sundo sa'kin bago pumasok, ang pag-hahatid sa'kin sa classroom ko, ang pag-sabay sa'kin mag-lunch at ang pag-bisita n'ya sa bahay tuwing weekend.
'Pero iba na ngayon'
Medyo nalulungkot ako dahil hindi na ako sanay na wala s'ya. Ilang araw ko s'yang hinintay sa tapat ng bahay namin dahil baka sunduin n'ya nanaman ako katulad ng lagi n'yang ginagawa pero na-late na ako't lahat wala pa rin s'ya. Sinubukan kong hintayin s'ya sa classroom ko dahil alam kong gusto n'ya akong makasabay pero natapos na ang lunch time, wala parin s'ya.
Dumaan ang weekends at hinintay kong may gawin nanaman s'yang kalokohan katulad ng pangha-haranang ginawa n'ya. Pero naghintay lang ako sa wala.
Puntahan ko na kaya s'ya sa bahay n'ya? Hayy. Marahas akong napailing.
'Bakit ko ba hinahanap 'yung babaeng 'yun? Tss'
"Problem son? Mind sharing it?" Napatingin ako kay Mama nang magsalita s'ya, napansin n'ya siguro na malalim ang iniisip ko.
"Nothing Ma" umayos ako nang pagkaka-upo sa sofa. Kinuha ko ang Sherlock Holmes ko na libro at nagbasa kunwari.
'Nasa'n na ba kasi 'yung babaeng 'yun?'
Tumayo ako sa pagkakaupo dahilan para magulat si Mama.
"Where are you going?"
'Clap clap clap'
Hayy, nahawaan na ako ng pagkabaliw ng babaeng 'yun, narinig ko kasi 'yung boses ni Dora sa isip ko. Psh.
"D'yan lang po" paalam ko tsaka lumabas ng bahay. Nag-commute nalang ako papuntang bahay nila Tanya, ilang minuto lang at nakarating na rin ako sa kanila dahil hindi naman masyadong traffic.
"Ah wala po ang mga Laxamana ngayon" kumunot ang noo ko sa narinig mula kay Manong guard.
"Ilang araw na po silang wala?" Tanong ko.
"Mag-iisang linggo na hijo." Saad nito.
"Nasaan po sila pumunta?" Tanong ko nanaman. Kinakabahan kasi ako, hindi ko alam kung bakit.
"Wala ako sa posisyon para sabihin kung nasaan sila. Confidential masyado hijo" napatango nalang ako at nagpasalamat. Nasa'n na ba kasi ang babaeng 'yun?
**
Ilang araw pa ang lumipas at napagpasyahan ko nang mag-imbestiga tungkol sa kanya tutal mahilig naman ako du'n. Hinanap ko ang mga taong malapit sa kanya dito sa school.
'Lima lang ang kaibigan n'ya dito? Kakaibang babae'
Nilapitan ko ang kaibigan n'yang sa pagkaka-alam ko ay pinaka-malapit sa kanya. Nang makita n'ya akong papalapit ay agaran s'yang tumakbo. Mabilis man akong tumakbo ay masyado naman s'yang maliksi dahil may pagka-payat s'ya.
Nakakita ako ng mga babaeng nagpapa-cute sa'kin. Bababaan ko na ang pride ko tutal kailangan na kailangan ko na 'to.
"Hello" bati ko sa kanila habang hinihingal.
Nagtilian muna sila at nagkurutan bago magpa-cute at bumati sa'kin.
"Hi Cris! Ahihihi!" Bati nila.
"Can you please do me a favor?" Agaran naman silang napatango.
"Ofcourse Cris! Kyaaahhh!"
"Omg omg omg!"
"Please catch that girl for me" i can't chase her, masyado s'yang maliksi. Idadagdag ko pa sana kaso tinamad na akong mag-salita.
Itinuro ko ang kaibigan ni Tanya na kasalukuyang tumatakbo palayo, bakit ba s'ya tumatakbo? Tss. Dahil nga hindi n'ya na ako nakikitang hinahabol s'ya ay huminto na s'ya sa pagtakbo at hinawakan ang mga tuhod n'ya habang humihingal. Nagkubli ako sa isang sulok na hindi kalayuan sa kanila. Lumapit sa kanya ang tatlong babaeng inutusan ko. Nginitian n'ya ang mga ito pero laking gulat n'ya nang hawakan s'ya ng mga ito sa magkabilang braso at dalhin patungo sa'kin.
"Bitawan n'yo ako!" Nagpupumiglas nitong saad. Lumapit ako sa kanya tsaka ako nagsalita.
"Kelly, pakiusap sabihin mo sa'kin ngayon kung nasa'n si Tanya" seryoso kong pakiusap sa nagpupumiglas na babae.
****
A/N: Wala akong ma-say. Pero may tanong ako, nasa'n kaya si Tanya?
~DEE ☺💋❤💪👏

BINABASA MO ANG
PROJECT PARA KAY Cris Ibarra
Fanfiction"Hindi ka mapansin ng crush mo? Aba'y 'wag kang mawalan ng pag-asa! Fighting bes! Aja!" Tanya. Isang babaeng ubod ng kulit at gagawin ang lahat para mapansin s'ya ng oh-so-famous na si Cris Ibarra. ***** GENRE: FANFICTION