DEDICATED TO: Aniloj_12 umiyak s'ya, kakatats. XD
CRIS NG BUHAY NG LAHAT
Sabi nila, kapag may taong nawala may taong dadating o babalik, pero sa pagkakataong 'to, ayokong may mawala, ayos lang na wala nang dumating basta 'wag lang mawala ang babaeng nasa tabi ko ngayon na mahimbing nang natutulog.
Ilang buwan na s'yang nandito sa hospital na 'to. Napag-alaman kong mayroon s'yang brain cancer at stage #3 na ito nang malaman ko at makita ko s'ya ditong nakaratay, stage #4 na s'ya ngayon. Ginawa n'ya raw ang lahat ng pagpapapansin na ginawa n'ya dahil alam n'yang baka hindi n'ya na raw 'yun magawa.
"Cris ng buhay ko.." napatingin ako kay Tanya, binigyan n'ya ako ng tipid na ngiti. Gising na pala s'ya.
"Hmm?" Naluluhang sabi ko. Hindi ko na napigilan ang sunod-sunod kong pag-luha nang haplusin ng isa n'yang kamay ang kaliwang pisngi ko kung nasa'n ang luhang tumulo mula sa mata ko.
"Ang pangit mong umiyak, hehe." alam kong pilit n'ya lang pinapagaan ang atmosphere. Ganu'n naman talaga s'ya simula pa lang.
"Tss." siniringan ko s'ya tsaka hinalikan sa noo.
"Lola ikaw ba 'yan? Wahaha,!" humalakhak s'ya pero napahawak s'ya sa ulo n'ya nang sumakit ito. Nag-alala naman ako at tatayo na sana para tawagin ang mga nurse nang pigilan n'ya ako.
"Cris ng b-buhay ko ... salamat ha?" Umupo akong muli sa upuang nasa tabi n'ya at hinawakan ang kanan n'yang kamay.
"Para sa'n?" Nag-aalala kong sabi.
"K-kasi hinayaan mo a-akong mapalapit sa'yo kahit s-sandali lang. K-kahit ilang buwan lang. Hinayaan m-mo akong tuparin ang mga p-pangarap ko. Ang mahawakan a-ang kamay mo. Ang makantahan k-kita habang gamit ang gitara ko. Masabihan kita ng m-mahal kita." Naiyak na talaga ako sa mga sinasabi n'ya.
"Wag ka ngang mag-salita nang ganyan, parang iiwan mo naman na ako n'yan e." Hinalikan ko 'yung kamay n'yang hawak ko. Tumawa s'ya.
TANYA
Bumisita ang mga magulang ko kanina pero hiniling ko sa kanila na ibigay na sa akin ang pagkakataong 'to. Para makasama si Cris nang kaming dalawa lang. Hindi pumapayag si Mudrakels pero nang makita niya ang determinasyon kong kumbinsihin sila ay wala na rin itong nagawa. Niyakap lang ako nito at paulit-ulit na sinabing natatakot siya at 'di niya alam kung kaya niya na.Nang mga sandaling hawakan ni Cris ang kamay ko ay nangilid ang luha ko.
Ang Tanya Laxamana na nakilala n'yo bilang malakas at nang-tutuhod ng precious stone ng iba ay isa na ngayong mahina, kalbo na nga rin ako e dahil sa paulit-ulit na chemo therapy na ginawa sa'kin, na hindi naman gumana dahil malala na nga ang sakit ko. Hindi na rin ako nakakalakad dahil hindi na maayos ang pagfu-function ng utak ko.
Nakita kong pumasok si Kelly at iba pa naming mga kaibigan.
"Hoy kayo.." tinawag ko sila gamit ang mahinang boses. Lumapit naman sila sa'kin.
"S-salamat din dahil kahit lagi ko kayong k-kinokonyatan, nan'dyan lang kayo lagi para sa'kin. Mahal ko k-kayong mga kupal kayo, pero s'yempre mas mahal ko si Cris ng b-buhay ko. Hehe.." tumulo ang luha ko nang makita ko kung paano sila umiyak at tumingin sa'kin ng puno nang awa. Niyakap nila ako dahilan para mapalayo ng bahagya sa'kin si Cris. Nang matapos na nila akong yakapin ay pinalayas ko na sila, kiber na 'noh, may sasabihin ako kay Cris ng buhay ko.
"Cris ng b-buhay ... ko, salamat at p-pinaramdam mo sa'kin na m-mahal ... mo a-ako. T-tsaka sorry din dahil k-kung hindi lang k-kita pinuntahan n-nung inaaway ka nila Mr. P-Precious s-stone... hindi mo naman a-ako makikilala e, edi sana hindi ako n-nagkaroon ng l-lakas ng... loob para k-kulitin ka. Edi s-sana--" panandalian akong nahinto sa pagsasalita nang humagulgol na si Cris. "Edi s-sana h-hindi mo ako minahal. Edi s-sana, hindi ka n-nasasaktan ng ganito. Lagi m-mo lang tatandaan n-na nasa paligid mo l-lang.. ako at b-binabantayan ka bilang isang mumu, hahaha. S-sana matupad mo 'yung huli kong dalawang mga p-pangarap.." umiiyak na sabi ko.
"A-ano 'yun Tanya? Tell me.." umiiyak na sabi n'ya.
"Kiss mo ako" ngumuso ako at napangisi. Akala ko ay aangal s'ya pero hindi, tumayo s'ya sa pagkaka-upo n'ya at inilapit ang mukha n'ya sa akin. Akala ko ay labi ko ang hahalikan n'ya pero hindi pa rin. Una n'yang hinalikan ang noo ko, sunod ang dalawa kong mga mata, pangatlo ang magkabilaan kong mga pisngi, pang-apat ay ang tungki ng aking ilong at ang panghuli ay tinitigan n'ya ako sa mata bago kami sabay na pumikit tsaka n'ya ako hinalikan sa labi. Nagtagal lang ito ng ilang segundo bago s'ya tumitig ulit sa'kin. Nanatiling magkadikit ang aming mga noo.
"K-kung nakaka-galing lang ang halik... handa akong halikan ka habang b-buhay para gumaling ka na." Tumulo anh luha niya tsaka ako niyakap nang mahigpit. Niyakap ko rin s'ya nang mahigpit tsaka umiyak nang umiyak.
"C-cris ng buhay.. ko. S-sana tuparin mo rin 'yung huling p-pangarap ko.." hinihingal kong sabi.
"Ano 'yun Tanya?" Batid kong lalo s'yang napaiyak dahil sobrang garalgal na ng boses n'ya.
"M-maging masaya ... ka na. Salamat at tinupad mo ang project ko. Ang project ko para sa'yo...Ang PROJECT PARA KAY CRIS IBARRA." huli kong sabi bago ko ipinikit ang aking mata na naramdaman kong nilabasan pa ng ilang butil ng luha.
"Mahal na mahal kita Cris ng buhay ko, hinding-hindi kita makakalimutan"
Bulong ko sa kanya habang unti-unting lumuluwag ang pagkaka-yakap ko sa katawan n'ya.
*END*
****
A/N: Ang hindi na-hurt manhid! Huhuhu! T_T
~So ayun, namatay si Tanya, *end of conversation* joke! So 'yun nga namatay si Tanya, dahil hindi n'ya na kinaya. May sakit s'ya at imposible na sigurong gumaling ang stage #4 na cancer, not to mention na BRAIN CANCER po s'ya (ano? Not to mention tapos sinabi ko din?, bobo ko sa part na 'yun ah? Haha) , malaking himala 'yun pag nagkataon diba? So 'wag na kayo magalit dahil nabugbog na po ako at nahampas dahil sa inis ng bestfriend ko nung nabasa n'ya 'to. Ayun, pasa-pasa na ako. Hahaha.
Salamat nga po pala sa mga naka-appreciate ng pagka-baliw ko kay Kuya Cris. "Hi Kuya Cris! I love you!" Nakakahiya ako. Tsk. Pero ayos lang, para kay Kuya Cris naman. Ahihhi.
Salamat sa mga kinilig, nabaliw at naiyak sa istorya ng isang Crisostomo Rhein Ibarra at ng isang babaeng nag-ngangalang Tanya Laxamana.
~DEE ☺💋❤💪👏

BINABASA MO ANG
PROJECT PARA KAY Cris Ibarra
Fanfiction"Hindi ka mapansin ng crush mo? Aba'y 'wag kang mawalan ng pag-asa! Fighting bes! Aja!" Tanya. Isang babaeng ubod ng kulit at gagawin ang lahat para mapansin s'ya ng oh-so-famous na si Cris Ibarra. ***** GENRE: FANFICTION