CHAPTER 3

62 9 9
                                    

TANYA


"Hayy!" Marahas akong napabuntong hininga dahil hindi ko pa nakikita si Cris ngayong araw. Ang dami kasing pinapagawa ng mga teachers namin ngayon e. Nag-garden pa kami dahil may contest daw na sasalihan ang school, nag-activity din kami para sa MAPEH. At marami pang iba, kakaurat.

"Sa wakas!" Sigaw ko nang lumabas na ang pang-huling teacher namin ngayong araw. Napatingin sa'kin ang mga nagme-make up, nagdadaldalan at nag aangasan kong mga kaklase. Psh.

"Tinitingin-tingin n'yo?" Nilakihan ko sila ng mata. Nag-iwas naman sila ng tingin. Don't get me wrong ah? Mabait naman ako e, ayoko lang makipag-kaibigan sa mga taong may gusto sa Cris ng buhay ko o kaya naman galit sa lalaking mahal ko. E kung pagsusuntukin ko kaya silang lahat? Ay wag nalang, baka ma-major turn-off sa'kin si Cris ng buhay ko 'pag nalaman n'yang ang isang Tanya Laxamana ay ang tipo ng babaeng basagulera.

Naisipan kong dumaan munang canteen, s'yempre papasok din ako sa loob. Gutom na gutom na kasi ako dahil sa dami nang ginawa ko ngayong araw. Hayy.

Lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko si Cris na kumakain mag-isa habang nagbabasa nanaman ng libro na hula ko ay tungkol nanaman sa mga mystery. Ang cool talaga ng Cris ng buhay ko. Ahihihi! Nasa gitnang bahagi ng canteen ang table na kinauupuan n'ya, lumapit ako du'n dala ang sandwich ko.

Alam ko namang p'wede ko 'tong kainin habang naglalakad ako pero mas trip kong makasama si Cris. Emegesh! Kinikilig ako!

"Hi Cris." umupo ako sa upuang nasa harap n'ya. Binuksan ko ang sandwich ko tsaka ako kumagat dito ng pagkalaki-laki. Nakita ko pa sa peripheral vision ko na sumulyap sa'kin si Cris, kilig naman si ako.

Wapakels na ako sa mga taong nakatingin sa'kin, syempre exempted na si Cris ng buhay ko du'n. Gutom na gutom kasi si ako.

Nang malunok ko na 'yung tinapay na nasa bibig ko ay nginitian ko si Cris. Nanalangin nalang ako na sana wala akong tinga, major turn-off kaya 'yun.

"Hello Cris ng buhay ko. Ako 'yung babae kahapon. Ako nga pala si Tanya Laxamana ng 10-Bungisngis." ang pangit talaga ng mga sections sa school na 'to. Nakakaurat.

Hindi n'ya ako pinansin, nice, bagkus ay kinuha n'ya na ang bag n'ya, mukhang uuwi na.

"Uy wait!" Hinabol ko s'ya. Bakit kaya sobrang bilis maglakad ng taong 'to? Parang yung isang hakbang ko apat na hakbang n'ya na. Tss.

Hinayaan ko nalang muna s'yang makalayo pero sinusundan ko pa rin s'ya.


Dumaan pa nga s'ya sa isang computer shop (syempre pumasok din s'ya) kaya naghintay pa ako sa labas ng higit dalawang oras. Nang lumabas s'ya ay dali-dali akong nagtago sa isang puno at nang masiguro kong medyo malayo na s'ya ay sinundan ko na s'yang muli.

Nakarating kami sa isang subdivision na malapit lang sa school. Naisipan kong sundan nalang s'ya kahit haggard na ang lola n'yo dahil gagawin ko talaga lahat maging close lang kami ni Cris ng buhay ko!


Nu'ng una nagtaka pa ako kung bakit hindi nakasakay sa kotse si Cris pero ngayon alam ko na. Malapit lang pala ang bahay nila.

"Oh! So d'yan pala nakatira ang mga Ibarra. Ang cool ng bahay nila ah?" Mangha kong saad. Maganda ang bahay nila, hindi masyadong malaki na parang sumisigaw ng karangyaan, tama lang, walang yabang. Ganern.

Matapos kong ilibot ang paningin sa kabuuan ng bahay nila ay napagpasyahan ko na ring umuwi. Mission accomplished ako ngayon! Yahoo!


****

A/N: Mga dre! Comment naman kayo!

~DEE ☺💋❤💪👏

PROJECT PARA KAY Cris IbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon