CHAPTER 7

36 5 23
                                    

TANYA

Ang saya ko talaga kahapon dahil bukod sa hinawakan ni Cris 'yung kamay ko, ay sabay pa kaming nag-lunch. Ang dami ko ngang nakain e. Ahihihi.

Pero iba ngayon, wala kasing pasok kaya nababaliw na ako dito sa bahay. Puro si Cris kasi ang nasa isip ko.

Kung kumain na ba s'ya, nakatulog ba s'ya ng maayos dahil alam kong napuyat s'ya sa kakaisip sa'kin. Ahihihi. Kung naligo na ba s'ya, ano kayang gamit ni Cris na sabon?

Napailing ako. Hindi p'wede ang ganito. Mababaliw ako 'pag nagkataon. Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama at pumuntang banyo para maligo, kailangan ko s'yang makita!

**

Dala ang aking gitara at isang maliit na speaker ay pumunta ako sa bahay nila Cris.

"Kaibigan po ako ni Cris" sabi ko sa guard na nangharang sa'kin. Naisip ko kasi na hindi nila ako papapasukin kung sasabihin kong asawa n'ya ako, kaya kaibigan nalang muna. Tagumpay naman ako dahil pinapasok ako ni Manong guard.

"Salamat po" nginitian ko s'ya bago ako pumasok ng gate. Nasa labas na ako ng mismong bahay nila.

"Mam, bakit hindi pa po kayo pumapasok!?" Narinig kong sigaw ni Manong guard.

"'Wag mo akong kausapin kuya, nag-iisip ako ng kanta" sabi ko nang hindi s'ya tinitingnan. Lumapit ako sa speaker na chinarge ko buong mag-damag at sinaksak ko ang wire ng gitara ko.

Nag-strum ako ng dalawang beses, boom ang lakas. Sana marinig ni Cris. Sinimulan ko nang mag-strum ng intro ng napili kong kanta.

"Sandali nalang, maaari bang pagbigyan. Aalis nalang, maaari bang hawakan ang iyong mga kamay, sana ay maabot ng langit ang 'yong mga ngiti ... sana ay masilip"

Biglang nag-flashback sa utak ko 'yung panahon na hinahabol ko pa s'ya para lang malaman 'yung bahay n'ya, 'yung hinawakan n'ya yung kamay ko, tsaka 'yung mga araw na hinihiling ko na sana ngitian n'ya ako.

"'Wag kang mag-alala 'di ko ipipilit sa'yo. Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa'yo"

Lagi naman akong nababaliw, nato-torete ako sa kakaisip sa'yo Cris ng buhay ko.

Nakita kong lumabas ang isang magandang babae na nasa Mid-40's na habang kasama si Cris na kinukurot-kurot n'ya, kinikilig 'yung nanay n'ya sa'kin! Ayiieh!

"Ilang gabi pa nga lang ng tayo'y pinagtagpo, na parang may tumulak nanlalamig, nanginginig na ako"

Actually, s'ya lang 'yung ilang gabi pa lang akong kilala. Ako kasi dalawang taon na. Dalawang taon na akong binabaliw ng isang Ibarra.

"Akala ko nung una ay may bukas pa ang ganito ... mabuti pang umiwas pero salamat na rin at nagtagpo"

Hindi ako tutulad sa kanta Cris, hinding-hindi ako iiwas.

"Torete, torete, torete ako. Torete, torete, torete sa'yo"

Toreteng-torete talaga ako sa'yo Cris ng buhay ko. Ahihihi.

"Wag kang mag-alala. 'Di ko ipipilit sa'yo kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa'yo~"

Matapos ng kanta ay lumapit ako kay Cris at sa Mama n'ya. Nagmano ako kay Mama, oo mama ko na rin s'ya, palag? Psh.

"Hello po. Ako po si Tanya Laxamana at ako po ang manliligaw ng anak n'yo. Hello future-mother-in-law!!" Masayang bati ko dito na ikinatawa n'ya. Matapos ang pagpapakilala at kaunting pagpapalakas ay nagpaalam na rin ako.

"Mauna na po ako Future-mother-in-law, nagpunta lang po kasi ako dito para makita si Cris ng buhay ko. Ahihihi. Alagaan n'yo po s'ya ah? Babay po." Paalam ko. Tumango naman si Mama tsaka ako bineso-beso.

"Cris, ihatid mo si Tanya" hindi naman s'ya nag-reklamo. Hinatid n'ya ako sa labas ng gate nila.

"Babay Cris ng buhay ko!" Tumingkayad ako tsaka s'ya hinalikan sa pisngi, hindi s'ya agad nakapag-react dahil sa gulat. Kinuha ko ang pagkakataong 'yun para makatakbo. Baka suntukin ako ni Cris, mahirap na! Ahihihi.

'Ang saya ko! First kiss ko si Cris!'

****

A/N: Wahh! Tanya, ako naman pers kiss n'ya bleh! Pers kiss ko s'ya sa panaginip. Ahihihi.

HAPPY MOTHER'S DAY SA LAHAT NG NANAY NA NAGBIBIGAY INSPIRASYON SA'MIN SA BAWAT ARAW! 

~DEE ☺💋❤💪👏

PROJECT PARA KAY Cris IbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon