" manong salamat po talaga ng marami, hulog kayo ng langit "
" ano ka ba iha, kanina ka pa salamat ng salamat. Kahit sino naman makakakita sayo ay talagang mahahabag. Kaya wala iyon. Sige mag iingat ka nalang sa susunod "
Pinaandar na ni manong ang sinasakyan niyang solid waste. Oo solid waste as in truck ng basura! Bakit? May reklamo kayo? Buti nga at may nagpasakay sakin and take note 9:00 pm Na yun. Juice colored buti di pa tumirik mata ko nun. Grabeng panalangin ang ginawa ko dun yung nakaluhod, siklop kamay at nakatingala sa langit akala nga ni manong nung una nababaliw nako dahil sa posisyon ko. Naniniwala na talaga ako sa kanta ni Basilio na " Naalala kita nung ako'y naligaw parang baliw na bangaw hiyaw ng hiyaw " teka, tama naman lyrics ko diba?
Time check, 6:30 AM - WALA pang tulog at kain. At least maganda parin.
Place check, sa gitna ng syudad naka upo sa kalye katapat ng malaking building, naka nganga . At least maganda parin.
Hayyy! Nakarating nga ako ng syudad pero ano naman gagawin ko dito? Wala naman akong tirahan, damit, pera at kung ano ano pang basic needs ng isang tao para mabuhay. Cellphone at resume nalang naiwan sakin na naka suksok sa tagiliran ko.
Gutom na talaga ako as in gutom na gutom. Yung tipong lahat ng taong nakikita ko ay pagkain na sa tingin ko. Walking fried chicken, walking pata, walking pork chop at kung ano ano pa. Natatakot ako na baka bigla ko nalang silang sunggaban. Tapos mapapalabas sa balita " additional place where people shouldn't go, City of nowhere " aishh! Ano ba tong pinag iisip ko.
Biglang lumiwanag ang mata ko gaya ng pagliwanag ng araw sa sanlibutan nung makitang kong nag flash sa isang napakalaking screen sa harap kong building ang mga katagang babago saking malas na buhay. Ang malaking screen ay sumisigaw ng mga katagang " WANTED SECRETARY FOR THE BOSS " Na dahilan ng pagtayo ko at pagsayaw ng happy dance at Versace on the floor ni Bruno M. Habang tumatawid sa intersection lane at wala akong paki sa mga busina ng ibat ibang sasakyan.
Ilang hakbang nalang mararating ko na ang pinto ng mahiwagang building.
Ayan na umting kembot nalang
Mahahawakan ko na ang glass door ng entrance.
Teka, bakit dumidilim paningin ko? Ano to? Nahihilo ako. Nararamdaman ko na ang pagbagsak ko.
" oh my god! Guard tulungan natin siya!"
Yun ang huli kong narinig bago tuluyang linamon ng dilim. Damn yung trabaho.
NAALIMPUNGATAN ako ng may kumakapa sa noo at leeg ko..ramdam ko ang malambot na higaan sa likod ko. Tangina! Ngayon pa ata ako magagahasa. Kinakabahan man ay unti unti akong dumilat, heck! Gusto kong makita ang gagahasa sakin malay mo pogi edi magpapaubaya ako. Saktong pagmulat ng mata ko ay bumungad saking mapulang mapula na labi.
Wathapak?! Rapist naka lip stick?
"Wahhhhh! Sino ka? San ako? Wahhh! Lumayas kang rapist na may lips stick! " sinuksok ko ang sarili ko sa may headboard ng kama.
Nagulat ako ng marinig ko siyang tumawa - wait, tawa ng babae? Tumingala ako at nasilayan ko ang isang dyosang tumatawa habang hawak yung tiyan niyang flat.
" grabe! Rapist na may lip stick ?Sa ganda kong to babae hanap ko? Hahaha! Damn! Sa dami ng nagkakadarapa sakin? " tawa parin siya ng tawa. " I've never laugh this hard before " pahabol niya pa.
Okay, my bad. Masyado akong OA
" ahmm..sorry, san ba kasi ako ?" Huminto naman siya sa katatawa at promise katakot siya ng biglang sumeryoso etsura niya.
" you fainted awhile ago in front of my brother's building, I was on my way inside when I saw you. I brought you here in my condo nearby "
So siya pala ang narinig kong sumigaw bago ako mawalan ng malay. That explain why. Patango tango ako sa sarili.
Napalingon kami sa pinto nung may kumatok.
" come in" pati pagsasalita niya ang lamig.
Nakayukong pumasok ang dalawang katulong na may dalang mga pagkain. Bigla tuloy tumunog ang tyan ko. Kakahiya!
" based on that sound, Wala ka pang kain. Here " ipinatong niya sa kama ang tray ng pagkain sa may standee table chuchu yung parang nasa hospital. Di ko alam name niya wala kasi nun sa bundok. Umalis naman agad ang mga katulong.
Syempre dahil grasya, sunggaban na. Habang kumakain ako ay question and answer portion ang naganap.
" what were you doing in front on the Lafierre Building? "
Sinagot ko naman siya tungkol dun sa trabaho na nakita ko sa malaking screen, sinabi ko kung anong dahilan kung bakit kelangan ko ang trabaho ko pati narin yung wala akong damit at tirahan. Eku kwento ko pa dapat ang buhay ko ng pinigilan niya ako.
" I understand pero, sigurado ka ba Sa papasukin mong trabaho? Alam mo kasi lahat ng sumubok maging secretary ng kapatid ko tumatagal lamang ng isang linggo at umuuwi ng luhaan. Kung mangangako ka sakin na hindi mo susukuan ang kapatid ko ay bibigyan kita ng lahat ng kailangan mo like tirahan at damit o ibang kelangan mo " dahil maganda ang offer niya ay tinaggap ko ito agad agad without a doubt.
" okay, bilisan mo dyan. May maghahatid sayo tungong tirahan mo sa Lafierre tower. Bukas kana magsisimulang magtrabaho sa kanya " wait, tanggap nako??? Ganun lang iyon?
Papalabas na dapat siya ng tanungin ko siya.
" pwede ko bang malaman name mo at ng mapasalamatan kita ng pormal "
" I'm Lianna Lafierre and about saying thank you.. " humarap siya sakin na may ngisi sa labi.
" saka kana magpasalamat pag nag krus na ang landas niyo ng kapatid ko."
Napalunok naman ako sa sinabi niya.
TODAY IS THE DAY, saad ko sa sarili ko habang nasa harap ng Lafierre Building. True to her words, Nakalipat na ako sa condo na sinasabi ni miss Lianna, kumpleto na ang kagamitan doon. Nagulat nga ako ng makita may ID at pass nako sa building nato, suot ko ngayon ang corporate attire ng isang secretary. Damn! Can't believe it. I'm a certified secretary of this sky scrapper.
Kung maganda ang labas triple ang ganda sa loob, lobby palang sumisigaw na ng yaman. Binabati ko ang mga nadadaanan kong empleyado kahit mga nakataas kilay nila sakin. Ba! Pasalamat sila binabati sila ng tulad Kong diyosa. Hmmp.
Pagsakay ko ng elevator tungong floor kung saan ako naka assign ay may mga nakasabayan akong empliyado na tingin ko ay nasa IT at accounting department base sa ID nila. Okay walang magtataka 20-20 vision ko.
" is she the new Secretary? "
" ano pustahan tayo ulit, di yan magtatagal ng isang linggo "
" maganda sana kaso secretary ng demonyo bumagsak "
" tapos pagtatanga tanga pa malang magyeyelo na naman buong 32th floor " at sinundan ng mga tawa.
Lumabas na silang lahat at natira akong buhol buhol ang axon ng neurons ko. The fuck! Anong pinagsasabi nila? Eto ba ang banta ni miss Lianna?
Damn! Dapat na ba akong kabahan?
![](https://img.wattpad.com/cover/107538589-288-k637384.jpg)
BINABASA MO ANG
My BOSS is a MAFIA BOSS
Actionbakit ganun? Gusto ko lang naman ng maayos na buhay. Yung may desenteng trabaho, maayos na tirahan at tahimik na kapaligiran. Nakapasok nga ako sa isa sa mga desenteng trabaho at nagkaroon ng tirahan na may tahimik na kapakiligiran. LORD ayos n...