She's Kidnapped Part2

37 4 0
                                    

" Casper ano na? " tanong ni Sage na nakatayo sa likod ni Casper na ngayon ay nakaharap sa maraming monitor, nasa Operating Room sila ngayon.

" chill ka lang pre, napaghahalataang pogi nanga ako mas matalino pa sayo " nakatanggap naman ito ng batok sa kaibigan.

Nakikita nila ngayon sa Monitor ang iba't ibang live videos mula sa iba't ibang parte ng isang mansion kasama na ang nakalagay sa mga puno ilang kilometro ang layo sa Mansion. kita rin dito ang mga nagkalat na tauhan.

Ano ang nangyayari? Simple, as what they've been planned, Casper will going to hack the CCTVs on that mansion. Yes, kahit wala sa mukha ni Casper pero isa siya sa mga natatanging hacker sa Pilipinas. Iyon ang forte at silbi niya sa grupo. Kasama niya ngayon si Sage para taga sabi ng susunod na hakbang. Nasa Mansion sila ni Klio pero alam nila ang lahat na nangyayari sa kuta ng mga kalaban. 

" dumaan na si boss, 1kilometer ahead be ready " tugon ni Sage sa earpiece na hawak na nakakabit sa tenga niya kung saan konektado sa kambal at kay Kyle.

" it's time for the real fun!" Pahayag ni Casper habang nagsimula ng magtipa sa keyboard na kaharap.
.
.
.

" boss parating na siya " anunsyo nung isa na nakaharap sa monitor kung saan andun tanaw ang mga nangyayari sa labas gamit ang CCTV

" magaling! Hahahaha! Di ko alam na madali lang pala maloko tong pinakabatang Mafia boss hahaha! Matutuwa nito si bossing." Masayang sabi nung Diego na dumukot kay Maggie.

Kinakabahan naman si Maggie habang sinusundan ng tingin ang sasakyan ni Klio sa monitor. Bukas ang hood ng kotseng sinasakyan nito kaya kita nilang lahat ang laman ng sasakyan na isang tao lang ang sakay.

'Damn! Sana naman ay may plano itong damuhong to at hindi pumunta dito para magpakamatay kundi naku naku' usal ni Maggie sa isipan.

Nandito sila ngayon sa oparating room nitong mansion na kinalalagyan nila. Di niya alam kung bakit pati siya dinala rito. Para ata makita kung pano magiging matagumpay tong mga hudyong to.

" sige Klio lumapit ka sa kamatayan mo hahahaha tanga!"

Lumagabog ang dibdib ni Maggie. Kita niya ang pagbaba ni Klio sa sasakyan at ang pag surrender ng baril nito, tinulak ito nung isang tauhan ni Diego papasok sa loob.

Lumabas na ang ibang tao sa oparating room para salubungin ang lalaking inaantay nila.

di na nagtaka si Maggie ng hilaain siya nitong Diego papunta sa sulok at itinali sa isa sa mga naka usling bakal dun.  Hanggang ngayon ay nakagapos parin siya ng lubid na nasa katawan niya kaya kahit gustuhin niya lumaban ay di niya magagawa. 

'Damn boss, sana may plano ka' Maggie.
.
.
.
" okay tapos na! As easy as 123" pahayag ni Casper, hudyat para magsalitang muli si Sage sa Earpiece.

" Casper's done with the eyes, now do your job idiots " Ani Sage.

" pakyu ka Sage, mahirap gagawin namin di tulad sayo puro ka lang dada!" Batid ni Sage na si Aiden iyon. Didepensahan na dapat niya ang sarili ng may nagsalitang muli.

" did you just call me idiot, huh Monticello? Wanna know what this idiot can do to you ?" Napalunok naman si Sage. damn its Kyle.

" ah-eh, choppy ka choppy" sabay tanggal ng earpiece tapos pinahid ang mumunting pawis sa noo.

'Wew! Muntik na yun. Para siyang si boss ' Sage.
.
.
.
Nagsipasukan iyong iba at nag anunsyong parating na sa silid na iyon si klio. Napalingon naman si Maggie sa CCTV at nakikitang nasa may pasilyo na si Klio kung saan ang dulo nun ay itong silid na kinalalagyan nila. Napatingin siya sa taas ng video kung nasan si Klio at nagulat siga sa nangyari dito pati sa mga cctv na nalalagpasan ni Klio. Napatingin siya sa paligid, walang nakapansin nun dahil lahat nakatutok sa pintong papasukan ni Klio. Napabaling ulit si Maggie sa Monitor.

My BOSS is a MAFIA BOSS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon