Mafia World

37 3 0
                                    

Nabibingi, pinagpapawisan ng malapot nanginginig ang tuhod. Yan ang samo't saring nararamdaman ko ngayon. Sino bang hindi?  Una, nalaman mong yung boss mo ay hindi pala isang oradinaryong bilyonaryong tao kundi isang Mafia Boss. Pangalawa, nasa harapan niyo ngayon ang iba pang mga Boss ng iba't ibang Clan kausap ang katabi mo. Pangatlo, lahat ng nakapalibot dito ay mga Mafia. Tingin niyo, sinong hindi mangingilabot? Di ko maiiwasan ang hindi magbaliktanaw nitong mga nakaraang araw. Simple lang ang buhay ko, tirahan, pera at damit lang ang pinoproblema ko pero simula nung pumasok ako sa Lafierre building biglang nagkanda bagyo bagyo ang buhay ko. Meeting this boss beside me and here, in this Mafia circle.

" Mr. Lafierre, we all know that you're already on your right age. What do you think of having a partner in life?" Dinig kong tanong nitong matandang tingin ko ay chinese base sa tono ng pananalita. nakakawit sa kanyang braso ang kamay ng isang magandang babae. Tumango naman ang iba pang nakapalibot sa kanila.

Pansin kung dumiin ang hawak sa kamay ko ni Klio.

" and ?" Cold na tanong niya

" I would like to recommend this lovely daughter of mine, Yinshin, to be your wife so both of our clan will have no longer this what we quote 'war' and to make our foundation firm and strong "

Ganto ba talaga sa mundo nila? Kahit di nagmamahalan o kahit ayaw ng bawat isa sa kanila o kahit di pa magkakilala ay pwedeng magpakasal para lang sa kapangyarihan ? How selfish.

" that would be better " suhistyun ng isa pang leader na tingin ko ay japanese.

" you see Mr. Chow, I'm not fond of arrange marriage and I don't like the sound of you, deciding for myself. That's bullshit " maanghang na tugon ni Klio sa Matandang Chinese. Kita ko ang pagdilim ng ekspresyon nito na tila di nagustuhan ang sinabi ng kaharap, kahit ang iba ay napailing rin sa tinuran ng pinakabatang leader. Yeah, si Klio ang pinakabata dito sa circle of Mafia bosses.

Pansin kong nagkakainitan na ang dalawang panig. Mas lalo akong kinakabahan, I know anytime, magtututukan na ng baril ang dalawa.

" excuse me gentlemen, may I barrow this lady beside my brother  for a moment " napalingon naman ako sa nagsalita.

Si Lianna.

Of course, Mafia boss ang kapatid niya so hindi na nakakapagtaka na Mafia rin siya.

binitawan naman ni Klio ang kamay ko at inabot sa kapatid. Nagtanguan lang ang dalawa na tila may napagkasunduan.

"Maggie "

nagulat ako ng hinila ako ni Klio at bumulong sa tenga ko.

" Maggie, stay alive no matter what. Stay alive... for me"

Lumayo na kami dun sa pwesto nila Klio. Nalito ako sa sinabi niya,  what is his point. Hila hila parin ako ni Lianna hanggang makarating sa sulok. Bumitiw naman agad siya at hinarap ako.

" Lianna ano to? Bakit napunta ako sa sitwasyong ito?secretary lang ako diba? Anong nangyayari? Yung mga tao sa Lafierre building, alam din ba nila ang tungkol sa Mafia ? " sunod sunod kong tanong. Napatampal naman ng noo ang kaharap ko.

" listen carefully, tone down your voice coz if someone hear you being not part of this world, you'll definitely be dead and to answer your question nope, None on that building knows about this at hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ng kapatid ko at sinama ka niya dito but for sure, he won't allow anything bad that might happen to you so you can calm your ass now "

Damn, sinong kakalma sa sitwasyong ko ngayon?

Nakita kung may sinenyasan si Lianna. Agad namang may lumapit samin. Those four guys who claimed to be my boss' friends. So the tattoo is not just a tattoo ha? It's a symbol of their clan, a logo to be exact.

My BOSS is a MAFIA BOSS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon