Adobo

28 3 0
                                    

THIRD PERSON POV

Nakaharap sa glass wall ng office, may hawak na kopita sa kanang kamay. Tahimik na tila nag iisip. Yan ang ginagawa ni Klio ngayon sa kanyang opisina. Hanggang ngayon ay marami paring katanungan na hindi nasasagot sa isip niya.  Tulad ng, bakit ganun ang hitsura ng secretarya niya noong gabing matapos ang tagpo sa anibersaryo ng mga Mafia. Puno ng dugo ang damit nito na nasisiguro niyang hindi ito sa dalaga, kung ganun, kanino?  Sa kalaban?  Pero imposible. Kasi kung sa kalaban, ibig sabihin ay nakipaglaban ang secretarya niya at...pumatay. ' no, impossible' turan niya sa sarili, oo palaban ito sa kanya pero sa etsura nito ay malayo sa iniisip niya. 'Maggie, holding a gun? Too impossible'

And speaking of that woman. Hindi niya talaga maisip kung bakit nung sabihan siya nitong 'demonyo' ay tila kutsilyo ito na tinarak sa dibdib niya mismo. Lahat ng kakilala niya ay pati na mga empleyado niya ay may sari-sariling tawag sa kanya. 'Ice prince' ' devil ' ' demon ' and such. Pero wala siyang paki dun pero sabihin iyon ng dalaga ay talagang iba ang dating sa kanya.

Pati narin iyong sobra niyang pag aalala dito. Iyong hindi siya mapakali at sobrang kaba nung makita niya ang etsura nitong napapuno ng dugo ang kasuotan.

' probably because, you're the reason why she was there on the first place ' turan niya na may kasamang tango tila kinukumbinse ang sarili.

' yeah. That's it'

Sa kabilang banda.

Nakaupo, nginangata ang kuko at di mapakali sa kadahilanang di alam ang gagawin. Nakatunganga lang habang nakatingin sa pinto kung saan nakapaloob ang taong dahilan kung bakit binubugbog siya ng konsensya niya ngayon.

'Aish!  Maggie ano na? ' napasabunot siya sa sarili dahil di alam ang gagawin. Chineck niya ang schedule ngayon ng boss niya at nagpasalamat dahil may dahilan na ito para makausap niya. 

Agad niyang inabot ang linyang magkokonekta sa kanya at sa boss niya.  Ilang sandali ay nagring na ito. Napa 'ahermm ' muna siya sakto namang sinagot ng nasa kabilang linya.

" h-hello boss, remind ko lang po na may meeting kayo mamayang lunch " binatukan naman niya ang sarili dahil sa pagkautal.

" cancel it. " Malamig na sabi nito bago binaba ang tawag. 

Ano ba yan, pano na ngayon?  Anong sunod niyang gagawin?  Hindi talaga siya mapakali.  Tumayo siya sa kinauupuan tapos dahan dahang tumungo sa pinto ng boss.

Inabot siya ng labing limang minuto sa paroo't parito dahil di alam ang gagawin. 

'Aish! Bahala na si batman'

Dahan dahan niyang binuksan ang pinto, nakita niya ang boss na prenteng naka upo at mukhang busy sa mga papeles nito. Alam niyang alam na ng boss niya na nasa loob siya pero etchapwera lang ang beauty niya.

" hi boss..ahmm.. gusto niyo boss kape? Juice? Tubig?  Gatorade?  Suka?  Toyo?  O lason? " dali dali niyang tanong. Umangat naman ng tingin ang kaharap.  Nakakunot ang noo at malamig ang tingin.

" I didn't summoned you here " matigas na banggit nito at binalik ang tingin sa papel sa mesa.

" ah-eh baka nauuhaw kayo? "

Napalunok naman si Maggie dahil sinamaan lang siya nito ng tingin. Napabuntong hininga nalang siya. Nauubusan na talaga siya ng pag asa kung pano makakahingi ng sorry sa boss. Siguro uuwi nalang muna siya tutal wala na naman siyang gagawin dito.  Maglilinis at mag-

"Aha! " nasigaw nalang siya dahil sa naisip na paraan para maka usap ang boss.

Nag peace sign naman siya ng makitang ang sama ng tingin ng boss niya.

My BOSS is a MAFIA BOSS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon