Ng Dahil sa Cookies

29 3 0
                                    


MAGGIE

Ihhh! Hanggang ngayon kenekeleg peren eke! Enebe!  Eh keshe nemen-wahhh! Maggie nababaliw kana!

Sinong hindi mababaliw?  Kung hanggang paglabas ko ng office ay nakangiti parin si boss!  O diba?  May himala! Adobo lang pala katapat ni boss eh. Pansin niyong boss na tawag ko sa kanya?  Oo dahil ayaw ko na siyang tawaging demonyo at damuho dahil sa concern na pinakita niya sakin nung nakaraang araw.

Lutang akong nag aayos ng desk ko nung dumating iyong lalaking assistant daw ni boss. Ano kaya kelangan nito? 

At aba!  Hindi pinansin ang beauty ko, dere- deretso lang siyang pumasok sa loob. Ba talaga!  Kung hindi lang ako good mood ay binato ko na siya ng takong ko.

Mga thirty minutes siguro nung lumabas ang hudas kasunod na niya si boss. Wait, saan sila patutungo?

Kala ko lalagpasan na nila ako pero nagulat ako huminto si boss sa harap ng desk ko. 

" we have a meeting to attend to, let's go "

Wala naman naka schedule ngayong 3:00 pm sakanya ah. Well, nalilito man ay sumunod nako sa kanila. 

" by the way, Maggie this is Kyle Madrid my assistant " pahabol ni boss bago naunang pumasok sa loob ng elevator. Tumango lang sakin si Madrid nung tiningnan ko siya. Magkadugo ata to sila ni boss. Pshh! Palaging may PMS. 

Sumunod nako sa kanila sa loob at pinindot ang G- floor and to tell you honestly, ang awkward! Napapagitnaan nila ako, sa kanan si boss at sa kaliwa ang assistant niya, parang ang sikip nitong napakalaking elevator saming tatlo at kulang nalang yung *kruu *kruu effect para masabing dead silence. Buti nalang hindi sila naba bad breathe dahil sa pagiging tahimik nila. 

After 12345678 years nakababa narin kami. 

Lahat ng mga tao sa lobby ay binabati si boss ng "maayos na buhay!" Charot lang! Syempre sosyal like " have a nice day sir " mga ganurn!

" hi sir!  Cookies for you. Gawa ko po yan " naka sweet smile na sabi nung girl na humarang sa kanila. 

Aba! Dapat ako lang ang nagbibigay kay boss ng mga home made food hindi pwedeng may kahati! gusto kong sabunutan itong si girl pero, mukha siyang mabait kaya huwag nalang. 

Hindi nako nagtaka nung inabot ito ni boss,  well mukha namang masarap yung cookies.  Mas lumapad naman ang ngiti ni girl.

Pero napasinghap kami pati na yung ibang empleyado na nanunuod samin ng biglang ibinagsak ni boss sa sahig yung Tupperware na naglalaman ng cookies.  Sa lakas ng pagkabagsak nito ay natapon ang laman.

Kita ko ang pagkatulala ni girl. Tapos itong si boss at yung assistant niya, walang paki.

" I don't need that I can buy my own, and you're fired "

Nagpatuloy sa paglalakad yung dalawa na parang walang nagyari. Samantalang ako parang tuod sa harap ng babae habang umiiyak na pinupulot yung mga cookies. Napa buntong hininga nalang ako at umupo para tumulong.

" pasensya kana kay boss ha, ganun lang talaga yun. Ako na ang humihingi ng pasensya"

Nagulat naman si girl, mukhang hindi niya ene expect na may tutulong sa kanya pero kalaunan ay ngumiti na sakin at nag pasalamat.

" I'm Maggie by the way "

Pakilala ko matapos kaming magpulot at tumayo.

" I'm Jenna and tha-"

"MAGGIE!"

napalingon naman kami ni Jenna sa lalaking sumigaw. Si boss, naglalakad pabalik kasama ng assistant niya. Ng makalapit samin ay hinawakan niya ang kamay ko. Pansin kong mas dumarami ang nanunuod samin.

My BOSS is a MAFIA BOSS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon